KABANATA 14

320 2 0
                                    

KABANATA 14

Lumabas na ako sa aking silid, isinara ko ang pinto nang kwarto ko,naglalakad ako papunta sa ibaba nang aming mansion.

Naglalakad na ako papuntang garahe,medyo basa pa ang buhok ko at hinahampas ito nang hangin habang ako ay naglalakad.

Nakita ko si mokong,nakabihis na ito nang uniform sa pagkadriver at nakatayo sa labas nang sasakyan,na naghihintay sa pagdating ko.

Bumagay din sa kanya ang kanyang suot na uniform sa pagkadriver,naka gel ang buhok nya,bigla lang lumakas ang kabog nang dibdib ko at hindi ko maintindihan ang naramdaman ko.

Nakatulala siyang nakatingin sa akin,mas lalo pang lumakas ang tibok nang puso ko,noong nagkasalubong ang aming paningin,nagblablush ako at namumula ang aking pisngi, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang ganito?

Ang grabeng lakas nang kabog nang puso ko at para itong sasabog.

Dug... Dug.... Dug.... Dug.... Dug..... Dug... Dug... Dug.... Dug..... Dug....

Nang papalapit na ako sa kanya, parang naestatwa siya na nakatingin sa akin at natulala nang bigla akong nagsalita.

"Hoy mokong,tititigan mo lang ba ako nang tititigan,hindi mo lang ba ako pagbubuksan nang pintuan ng sasakyan,bakit may dumi ba ako sa mukha?"tanong ko sa kanya.

"Pasensya na po senyorita"

Maiksing sagot niya sa akin.

Binuksan niya ang pintuan nang sasakyan at pumasok ako sa loob,tapos sinarado na niya ang pintuan nang sasakyan.

Nagpunta siya sa may driver set,binuksan ang pintuan ng sasakyan at pumasok sa loob, tapos isinara na niya ang pinto ng sasakyan at pinaandar ang makina.

Nang makita ni Mang Isko na pumasok na ako sa loob nang sasakyan at siya ay nasa loob na rin,pinatakbo na niya ang sasakyan na kanyang minamaneho,sakay si Mama Patricia.

Pinatakbo din ni Eduardo ang sasakyan at sinundan si Mang Isko papunta sa opisina namin.

Pinapatugtog ni Eduardo ang stereo,isang fm Station,tama lang ang volume na maririnig namin sa loob nang sasakyan at nagsalita ang dj.

"Ang susunod na awitin,na aking patugtugin ay handog ko sa lahat na aking tagapakinig,para sa mga dalaga at binata na nakaranas ng ganitong pangyayari,ang awitin ito ay handog ko para sa inyo,ang awit na pinamagatang "Pasulyap sulyap"

At pinapatugtog ng dj ang pasulyap sulyap.

Parang may iba akong nadarama

Magmula nang makausap na kita

Araw-araw ang puso ay umaasa

Na muli ika'y aking makikita

Sa bintana ay lagi nang nag-aabang

Ng iyong sulyap habang nagdaraan

Parang di mo pansin ang mga ngiti ko

Manhid ba ang puso at damdamin mo

CHORUS:

Pasulyap-sulyap kat kunwari'y

Patingin-tingin sa akin

Di maintindihan ang ibig mong sabihin

Kung mayroong pag-ibig ay

Ipagtapat mo na sa akin

Agad naman kitang sasagutin

Ang lahat ay para bang sinasadya

Sa 'king puso ay anong laking tuwa

Bionic Girl (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon