"Jack"

4 0 0
                                    


Haysttt. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. First day of class ko pa lang pero grabe na ang 

pagod na nararamdaman ko. Jack??? yung taong yon.Grabe di ko na nagugustuhan tong nararamdaman ko.Gwapo at mukhang matino naman.Hindi Badboy katulad ng iniisip ko.

Pero napahanga niya ako sa mga sagot niya kanina .Infairness naman sayo Ginoo.hay naku.


Balita ko nga ay isa siya sa mga matalinong mag-aaral ng Brent International School.

Sana talaga ay maging matalik ko siyang kaibigan.Pero mukhang sa tuwing lalapitan 

ko siya naiisip ko na lalayuan niya lang ako kasi di naman ako katulad niya na

Matalino,Mayaman at Kilala sa Campus.Di bale na lang siguro.Marami pa naman jan 

pwedeng maging kaibigan.


Teka teka teka. Bakit nga ba Jack lang sinabi niyang pangalan niya.Sayang naman oh.

Bakit kasi hindi niya ginawang buong pangalan yung pagpapakilala niya sa kin kanina.

Nakakainis naman.Pero bakit kaya.Napaka-misteryoso naman ng lalaking iyon.Bukas

na bukas siguro,susubukan ko ulit siyang kausapin pero sana naman malaman ko na

ang buong pangalan niya at mga detalye na tungkol sa kaniya.

Hayyyyyyyyyy buhay.Napaka-bilis ng oras kararating ko lang pero mukhang matutulog na

ako eh baka mahuli pa ako sa klase ko bukas.Napaka layo ba naman kasi netong bahay 

namin eh.Goodnight Diana Marie.

Jack and DianaWhere stories live. Discover now