Chapter Two: Getting Closer

6 0 0
                                    

Kasalukuyan ngayong nasa cafeteria ang dalawa nating bida at binabantayan yung mga target nila. "So nakaisip ka na ba plano?" pagtatanong ni BamBam habang uminom ng pinkmilk. "Ay wag na lang kasi wala ka namang maiisip." Pambabara niya kaya binato naman siya ni Jackson ng hawak niyang tissue pero nakailag siya ayun sa iba tumama, napapeace sign siya sa lalaking natamaan niya. "Puro ka talaga kalokohan." Pinagmasdan lang nila yung mga target nila na ngayon ay pinapalibutan ng mga fangirls nila.

"Excuse me, kayo yung mga bagong students?" Napalingon sila sa babaeng lumapit sa kanila. Napaayos ng upo at napasuklay ng buhok ang dalawa, minsan lang daw lumapit ang blessing kaya lubusin na nila. "Yes miss kami nga yun, may kailangan ka?" Napawink bago ngumiti si BamBam sympre pandagdag pogi points. "Kasi yung kaibigan ko crush kasi kayo kaya inutusan niya akong lumapit dito kasi nahihiya siya. Gusto niya kasi kayong makausap sa Line kaya pwede bang humingi ng Line ID niyo?" Nagpabebe muna ang babae saka nilahad ang phone nito, iphone x pa.
Nakangiting kinuha ito ni Jackson, "Oh sure, basta next time siya na yung lumapit sa akin este sa aming dalawa." Tinype ni Jackson yung Line ID niya atsaka kay BamBam, binalik niya iyon sa babae at nagthank you naman ito bago umalis. "Mission muna bago landi," napasigaw ang dalawa ng biglang may nagsalita sa likod niya kaya binatukan sila ni Youngjae. "Kayo talaga puro kalokohan ang naiisip niyo, hoy tandaan niyo may mission pa kayo." Ani nito saka umupo sa bakanteng upuan.

"Hyung naman bat ka nanggugulat, muntik na akong maheart attack" napahawak si BamBam sa dibdib niya, napaubo naman si Jackson sabay hampas sa dibdib kaya inabot ni Youngjae yung tubig. "Yan kasi puro landi yung ginagawa, kamusta yung mission niyo? Any progress?" Napailing ang dalawa, "Bilisan niyo na at naiinip na yung client natin." Lingid sa kaalaman niya ay may taong kanina pa nakikinig sa usapan nila. Nakatayo lang ito habang pasimpleng tumingin sa direksyon ng tatlo, he smirk "Mission? Very interesting."

💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕

"Hyung, lalabas muna ako." Pagpaalam ni Bam Bam, tumango lang si Jackson bilang sagot. Pupunta kasi siya ng 7/11 para bumili ng aloe vera face mask at paborito niyang yogurt milk, pati na rin nga junk foods para kung mag midnight snack siya hindi na siya magluluto. "20won po lahat sir," sabi ng Cashier, agad na binigay ni BamBam yung bayad saka kinuha yung mga pinamili. Dahil excited na siyang inomin yung yogurt milk at kinuha niya ito para buksan, palabas na sana siya sa store ng may bigla siyang nakabanggang lalaki kaya natapon dito ang yogurt milk. "Ano ba bat hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo." Tinulak siya ng lalaki. "Eh ikaw kaya ang hindi tumitingin kasi palabas na ako tapos papasok ka naman sana man lang hinintay mo akong makalabas yan tuloy sayang yung yogurt milk ko." Sympre hindi magpapatalo si BamBam

Naparoll eyes naman yung isa, ngayon lang napansin ni BamBam kung sino yung lalaking nakabangga niya. Shit, bat nandito si Kim Yugyeom? "Anong tinitingin mo? Hindi mo ba alam kung gaano ka mahal tong damit ko tapos tinapunan mo lang now cheap na gatas." Kahit gusto niya naman suntokin tong lalaking nasa harapan niya hindi pwede. "Wala ako paki dyan sa damit mo, tss dyan ka na nga!" Tinulak ito ni BamBam ng bahagya para makadaan siya, mabuti na lang may extrang yogurt milk siya. Narinig niya naman ang pagtawag ni Yugyeom sa kanya pero hindi na niya ito hinarap pa. "Humanda ka sa akin bukas." Napangiti si Yugyeom, although naiinis siya. "Kahit cute ka akala mo di kita papatulan."

Kinuha siya agad yung phone niya saka may tinawagan. "Hyung"

💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕

Unedited
Copyright 2020
04/05/20

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission Impossible #1: Seducing The Tuan Brothers ( Got7 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon