Reminiscing 3

26 2 0
                                    

Reminiscing 3

Friends

Xyza Tough Ralle

Kasalukuyang nasa Mall ako, mag isang nag shoshop. WALANG PASOK! THANKS GOD HUHUHU. Papa party talaga at himala nag pa day off yung head namin.

Simple lang ang suot ko, Jeans, Shirt, jacket at naka sapatos. Bibili kasi ako ng bagong salamin saka, hahanap ako ng Album ng Maroon 5.

Pero bago ako makarating ng Bibilhan ko ng album, napadaan ako sa pet store..

"Waa.. Ang cute naman ng golden retriever *_*"

Gustong gusto ko siya bilhin! Pinagiipunan ko siya! 16 thousand kasi siya :( Pero gusto ko na siya kunin baka may makakuha na sa kanya.

Pag pumupunta nga ako dito lagi siyang naka damba sa cage niya, puppy palang siya kaya ang cute *_*.

Pupunta na sana ako sa counter, bibilhin ko na siya! kaso nagulat ako ng ilabas siya. May lalaking nakatayo, matangkad, maputi at lean..

"T-teka, bat nilabas yung golden retriever?!"

"Ma'am may bibili na po kasi"

"Ako din naman! bibilhin ko siya! ngayon mismo!"

"P-pero ma'am mas nauna siya--"

"KAHIT NA! GUSTO NIYO DOBLEHIN KO PA BAYAD!"

May mahinang humampas sa ulo ko.

"Engot ka talaga. Eskandalosa -_-"

EH?!! HAWAK NIYA SI DOGGIE!!! AT PARANG GUSTONG GUSTO PA NUNG ASO!

"DOGGIE T.T AKALA KO BA AKO LANG LOVE MO T.T BAT MO 'KO IPINAGPALIT DIYAN SA MOKONG NA YAN T.T"

"Arf!"

"WAAAA T.T"

"TCH. Manahimik ka nga jan. Ang ingay mo"

tinignan ko lang ng masama si Ghij. Naaasar ako sa kanya, Binili niya si doggie :(

"Bahala ka nga jan. Ewan ko sayo"

nag dabog ako paalis ng pet store, iniwan ko siya.

***

"Nakakaasar talaga"

Kumakain ako ngayon sa food court =3=. Tch, kahit na mahal ko siya mas mahal ko yung aso!

Kakagatin ko na sana yung kapiranggot na footlong ko ng may kumuha! ARGH! DAGDAG PA SIYA SA KABWISITAN KO!

"Ano ba--"

"nagugutom na ako"

A-ackk... Tch -//- siya nanaman, bat ba di niya ako tantanan. Hays, makulit din lahi neto e.

"Ghij--"

"Di tayo close"

"Ghij Ivan alam mo ang kulit mo!"

"Better"

Natigilan ako, dati pag ghij lang tawag ko sa kanya sinisita niya lagi akong di tayo close pero pag Ghij Ivan Laging "Better" ang naririnig ko sa kanya.. Sa tuwing ginagawa niya yun.. Natutuwa ako. Kasi, sa buong school life ko.. Siya lang ang nagiisang kumpami sakin. Wala ng iba, kahit idinedeny niya na di kami "friends".

Flashback

Naka upo ako sa may grassy part na likod ng court. May lunch na din akong dala, anong silbi ng pagkain ko sa canteen kung wala naman akong kasabay?

Nagulat ako ng may tumabi.. Si Ricks.

"Bat magisa ka lang"

"W-wala.!"

Bigla niya akong pinitik sa ilong. Isang buwan na kaming laging nagkakausap ni Ricks, pero di yung iniisip niyong i aaproach ko siya or siya ang mag aaproach. Pag nagkabanggaan ayun, mag aasaran.

pero madalang yung ganitong pangyayari.

Humiga siya sa damo at pinikit mata niya, mapatingin lang ako sa mukha niya ang lakas na agad ng kabog dito sa dibdib ko.. Bakit? Bakit ganun?

"You should find friends, socialize or whatever"

"Ayaw naman nila sakin e"

"Tch, ang engot mo"

=3= yan nanaman siya. Engot nanaman! ganun ba talaga ako ka engot?!

"You know, you cannot find something unless you'll look for it. Parang, you cannot have friends unless i approach mo sila. Hindi lagi sila ang mag aapproach sayo"

Nakinig ako sa sinabi ni ricks, para kasing na fefeel ko ayaw nila sakin. Kaya di io sila inaapproach.

"Psh. Kung makapag socialize kang nalalaman jan kala mo kung sinong may kaibigan"

Bulong ko. Pero di ko malaman kung pano niya pa narinig yung sinabi ko.

"Oy, pumunta ka sa bahay"

O;A;O OMAYGAWT. GHIJ IVAN RICKS?! NAG YAYA PUMUNTA SA BAHAY NIYA?!

"E-eh?! B-baket?"

Magsasalita na sana si ghij ng may lumapit sa magandang, sexy, maputi at sikat na si Steph Dela Cruz kay Ricks.

Bat di sinabi sakin ni ricks na kaibigan niya pala si Steph?

"Ghij? Are you two.. like.. friends?"

Hindi kakapaniwalang tanong ni steph. 4th year si steph, at sikat na babae yan dito sa campus. Model kasi tsaka kilala ang pamilya niya dito sa school.

Tumayo si ricks at parang automatic na kumapit sa arms ni ricks si steph. Wait.. nanggigigil ako sa nakikita ko.

Sakit nila sa mata! Yuck! Tch, kunwari pa to si ricks chickboy din pala! Walang pinagkaiba sa iba!

Tumalikod si ricks at nag lakad na silang dalawa ng ma feel ko parin na tinatanong ni steph kung magkaibigan nga ba kami.

Pero tumigil si ricks at lumingon sa direksyon ko..

At ngumiti..

And he mouthed, Engot.

End of flash back.

Pareho kaming naglalakad ni ghij palabas ng mall. Hinatid niya na din ako sa bahay, akala ko didiretso na siyang uwi ng higitin niya kamay ko.

"Ulyanin ka ba talaga o engot ka lang talaga?"

"Ha? Baket? Anmeron? Lagi naman akong engot sa paningin mo, so what's new?"

Kinutusan niya ako, shet lang. Kung makakita ka ng poging lalaki at nakasandal sa kotse niya habang hawak ang kamay mo. ANONG REAKSYON MO. TELL ME.

"What's the date today?"

"December.. 10. Oh ano meron O.O"

"*facepalm* Tao ka ba talaga?"

"Gagu. Malamang-- A-aray!"

"Happy Birthday"

December 10. . Oo nga.. Birthday ko nga pala.. Naalala niya. So hindi pala talaga siya bato. Hindi siya yelo, hindiblangbtalaga siya expressive.

"T-thank you.."

"Engot. Got to go bye"

Nung umaandar na kotse niya naiwan niya si doggie!!!

"GHIIIIIJJJJ!!! YUNG ASO MOO!!"

Pero nagulat ako ng may nakasabit sa leash nung aso.

Happy Birthday, Engot.

RepeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon