02

75 0 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


-Nathalia's PoV-





Today is my 18th birthday kaya naman excited akong bumangon. Nag promise kasi sakin si kuya Gio na dadalhin niya ko sa bar na pinupuntahan nila. Mamaya ko na din ipapakilala si Chris kay kuya.





"Good morning! Happy birthday, Nic asked me to greet you a happy birthday too." bati sakin ni kuya Gio, pag labas ko ng kwarto.





Isang taon mahigit na din kaming di nag-uusap ni Nic, hindi naman na nag tanong ulit si kuya Gio kung bakit hindi na kami nag-uusap ni Nic dahil sabi ko ay sakin nalang yun. Hindi naman na siya nangulit pa.





"Thank you." nakangiting sabi ko pero hindi ko maiwasang malungkot.





"Last week pa tong nandito, pero sabi niya ibigay ko sayo sa birthday mo." sabi ni kuya Gio at saka inabot sakin yung maliit na box at envelope. Kaya naman nag pasalamat ako ulit.





"May lakad ka ba ngayon? Bat ang aga mo atang nagising?" tanong sakin ni kuya Gio.





"Wala naman, gusto ko lang pumasok ng maaga." sabi ko at nag paalam na kay kuya Gio. Medyo naging maluwag na din si kuya Gio sakin, hinahayaan na niya ko pumasok mag-isa pero paminsan sinusundo pa din niya ko.





Nilagay ko sa kwarto yung binigay ni Nic, mamaya ko nalang bubuksan isasabay ko sa iba pang mga regalo.





Papunta na sana ako sa unang klase ko ng maisipan kong dumaan muna sa locker room para mag-iwan ng gamit, maaga pa naman. Palabas na ko ng locker room ng may marinig akong dalawang pamilyar na boses na nag tatalo.





"Ipapakilala ka na mamaya ni Gale sa kuya niya, anong plano mo?"





"Hindi ko alam."





"Anong hindi ko alam? Akala ko ba makikipag hiwalay ka na sakanya bago siya mag birthday?"





"Hindi yun madali Steph."





"Panong hindi madali? Hanggang kelan mo planong itago yung relasyon natin? Ang tagal na nating ganito. Pumili ka Chris, ako si Gale?" nagulat ako sa mga narinig ko, ayoko na sanang ituloy pa yung pakikinig pero gusto kong malaman kung anong isasagot niya.





"Alam mo namang ikaw ang totoong gusto ko Steph, pero hindi naman madali yung pinapagawa mo sakin. Bigyan mo pa ko ng panahon para iwan si Gale." tuloy tuloy na yung agos ng luha ko, pero nagawa ko pa din mag lakad papalapit sakanila. Ganito pala yung feeling ng hindi ka piliin?





Pareho silang nagulat nung nakita nila ko. Pare-pareho kaming hindi makapag salita, tinignan ko si Steph at nakatingin din siya sakin pero wala man lang bakas ng pag-sisisi o takot akong nakita sa mukha niya. Si Chris naman hindi makatingin sakin.





"Ma-may relasyo-on k-kayo?" malinaw kong narinig lahat ng pag-uusap nila pero gusto ko pa din itanong.





"Oo, matagal na." si Steph yung sumagot. "Naaawa lang si Chris sayo kaya hindi ka niya maiwan, pero ang totoo niyan matagl na siyang nag sasawa sa relasyon niyo. Ang boring mo daw kasi maging gir---" dugtong pa niya pero pinigilan na siya ni Chris mag salita at hinila palayo.





The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon