01

87 0 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


-Nathalia's PoV-



Nandito kami ngayon sa airport nila kuya Gio para ihatid si Nic. Hindi ko mapigilang hindi umiyak, kapatid na rin ang turing ko kay Nic. Mas close pa nga ako sakanya kaysa sa kapatid ko.






"Stop crying Nathalia." pag papatahan sakin ni kuya Gio.





"Halika nga dito Nath." tawag sakin ni Nic kaya naman lumapit ako sakanya at yumakap. "Tahan na, promise ko sayo sa graduation mo ng college a-attend ako. Kaya galingan mo ha?" lalo akong umiyak.





"Tahan na Nath, ang pula na ng ilong mo. Uuwi din ako sa Pilipinas okay? Mabilis lang ang araw, hindi mo mapapansin yan. I'll be home after four years, promise. Okay?" tumango ako pero umiiyak pa din.





"A-ang ta-tagal pa n-non e." pilit kong sabi ng nakayakap pa rin kay Nic.





"Sus mabilis lang yun! Tatawag naman ako ano ka ba everyday tayong mag vi-video call okay?" tumango ako ulit.





"Nathalia tara na, mali-late na si Nic sa flight niya." hinila ako ni kuya Gio palayo kay Nic, hindi naman malakas pero sapat lang para bumitaw ako sa pag kakayakap kay Nic.





"Ingat ka don bro, susulat ka ha!" pa-joke na sabi ni Timothy.





"Oo naman, salamat bro." natatawang sagot ni Nic.





"Ingat Nic! Easy lang sa mga chix ah." pabirong sabi din ni Paul.





"Siraulo ka Paul. Good boy to." sabi niya at pabirong sinapak si Paul sa braso.





Si kuya Gio naman nakipag hand shake lang kay Nic at saka tinapik ng dalawang beses yung likod ni Nic.





"Pag-uwi mo nalang." rinig kong bulong ni kuya Gio kay Nic. Pag tapos nilang mag paalam humarap ulit sakin si Nic at yumakap.





"Four years lang Nath, uuwi din ako." hindi na ko nakasagot dahil hikbi pa din ako ng hikbi. Hinalikan niya ko sa noo at saka bumitaw.





Umalis na kami bago pa pumasok si Nic sa airport, pag dating sa sasakyan umiiyak pa din ako.





"Nathalia stop crying already." ramdam ko yung inis sa boses ni kuya Gio. Ako lang kasi ang umiiyak sa aming apat.




Gaya ng sinabi ni Nic araw-araw kaming mag ka-usap sa Skype simula nung umalis siya. Minsan group call kami kasama sila kuya Gio pero madalas kaming dalawa lang.








~








"Nathalia napapadalas ang uwi mo ng late ah." sita sakin ni kuya Gio. Napakamot ako sa ulo ko at ngumiti sakanya bago tuluyang nag lakad papasok.





"Nakausap ko si Nic kanina." kinabahan ako bigla kaya napahinto ako sa pag lalakad at humarap sakanya. Isang taon na simula ng mag-migrate si Nic at siya lang ang tanging nakakaalam na may boyfriend na ko.





"A-anong sabi niya?" kinakabahang tanong ko.





"Wala naman, nangangamusta lang. Hindi na ba kayo nakakapag-usap?" nag tatakang tanong niya sakin.





The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon