Chapter 10

8.1K 211 9
                                    

Nagising ako ng mag-aalaskwatro ng may narinig akong tumutugtog na kanta.


"Don't tell me, nandito na naman siya?" bulong ko sa sarili ko. Pero hindi eh. Parang sa cellphone siya tumutugtog.


Statue ni Lil' Eddie.


Pero sa pagkaka-alam ko ay hindi naman ako bumili sa iTunes ng kahit na anong kanta ni Lil' Eddie. Puro Kpop songs ang mga binili ko.


Tinignan ko ang cellphone ko para icheck pero hindi sakin yun. Baka sa katabing unit ko? Hihiga na sana ako nang mapansin ko sa balcony ng unit ko na may silhoutte ng cellphone na.. lumulutang?!


Kahit na labag sa loob ko na tumayo dahil inaantok pa ako ay tumayo pa din ako.



Binuksan ko ang kurtina pati na din yung pintuan.



"Oh!" muntik nang malaglag yung cellphone kasi naka-ipit lang siya pintuan ng balcony.



May sticky note pa doon.



"Can't stay here. And sorry for the scene I've made yesterday. And give this back to me.-Jino"



Napabuntong hininga na lang ako. Napaisip tuloy ako kung paano siya nakakaakyat sa balcony ko.



Chineck ko yung cellphone, kay Jino nga. Pinatay ko na yung music at pumunta sa kusina. Nawala na yung antok ko.



Pagkatapos kong kumain ay naligo agad ako. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. 7 pa lang kasi. At 9:30 pa ang bukas ng Coffee Shop. Lumabas ako ng unit ko at tumambay sa lobby.



"Chim!" nagulat pa siya ng tawagin ko.



"Oh? Hi, Jara!!"



"Bakit nandito ka? Pupuntahan mo ko? Joke!" umiling siya at lumapit sakin.



"Lumipat lang ako ng condo. Nairita kasi ako sa dati kong condo! I can't believe na wala silang generator! Nag-black out kasi kagabi. At buong magdamag na walang ilaw! Halos ikamatay ko na yung dilim dun! Anyways, nakalimutan ko palang sabihin sayo kahapon na dito ako lilipat." tumango lang ako ng lumapit siya sakin ng sobrang dikit talaga.



"Sinong pipiliin mo sa dalawa? Mas bet ko si Dony! Napaka-tahimik kasi ni Jino. But wait, may nalaman ako kay Karla. Look!" pinakita niya sakin yung cellphone niya na may video sa CCTV. Omy!!!



"What the?!?!" aagawin ko sana sa kanya yung cellphone pero agad niyang nilayo.



"Si Karla ang nagsend samin nun! Infairness, may tinatago din palang ka-sweetan si Jino. Eeeeh! Gusto mo siya no?" umiling ako at naalala ko yung cellphone niya.



"Uhmm, Chim? Okay lang ba kung ikaw na yung magbigay nito kay Jino?" pinakita ko sa kanya yung cellphone.



"OMG! Magkasama ba kayo kagabi? My gulay.. Kailangan malaman to ni Karla at Dony!!" binatukan ko na siya dahil hindi ko na mapigilan.



"Gaga! Basta! Mahabang kwento! Pero hindi kami magkasama!" tumango lang si Chim at kinuha yung cellphone sakin.



"Akong bahala!" kinindatan niya pa ako at nagpaalam na aalis na. Early bird kasi talaga yun. Mas nauuna pa nga siyang pumasok kaysa sa guard ng coffee shop kaya binigyan na din siya ni Manager ng spare key.



Ugghh! Ano na namang gagawin ko?! Tatambay sa unit ko?



Lumabas ako ng condo at nagdecide na magsolo flight sa MOA.



Pupunta sana ako sa seaside nang biglang umulan. Ang ganda ganda naman ng panahon kanina!



Sa Hue Ying ako kumain para maiwasan din ang paglalamig ng katawan ko. Ugh!



Umorder lang ako ng sinigang na hipon. Habang kumakain ako feeling ko talaga may naka manman sakin.



Hindi ko na lang pinansin at binilisan na ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa fountain at naupo doon.



Hindi ko alam kung paano ko aaliwin yung sarili ko kaya tinawagan ko si Karla.




"Karla~" i whined




["Yea? Saktong pumunta ako dito sa staff room!"]




"Ang boriiiiing!"




["Alam ko! Asan ka ba? Wala pala dito si Jino! Nakuuuu! Patay na talaga kay Manager yun. First day niya, gumawa siya ng scene. Tapos second day niya, umabsent siya?! Magkasama ba kayo? Ayiiiie!!"] umirap na lang ako kahit na hindi niya nakikita.




"Asa ka pa."




["So hindi kayo magkasama?"]




"Malamang! Mababatukan na talaga kita eh."




["Sa isang araw na balik mo diba?"]




"Yea."




["Eeeh! Ang tagal. Anyways, pumunta kanina si Dony dito! Hinahanap ka! Inuulan ka yata ng lalaki ngayon?"] humagikhik pa siya na ikinainis ko.




"Tigilan mo nga ako!" Ako na din ang naunang mag-end call at naglakad na paalis. Inaantok na ako.




Pag-uwi ko sa hotel ay gabi na. Ang traffic kasi.




"Jaraaaaa!" napatingin ako sa tumatakbong si Chim.




"Oh?!" winawagway niya yung cellphone. Teka.. kay Jino yun diba?



"Hindi ko nabigay! Sorry! Absent kasi siya eh." tumango na lang ako at nagthank you na din.



"Pagooood!" napahiga agad ako sa kama ko nang umilaw yung cellphone ni Jino.



"Mama?" Omyyy! Tumatawag yung Mama niya! Bakit kasi naisipan pa nung Jino na yun na iwanan sakin yung cellphone niya!


-
Walang kilig moments~ huhuhu! Wala na naman kondisyon yung utak ko. PLEASE READ!

Jino - GD
Jara - Dara
Dony - Donghae (Siya po si Donghae! Hindi si Kwon Dony ng Kwon Twins! Haha! YG stans lang ang nakakaalam kung sino si Dony.)
Karla - (unknown??) Okay, si Kwanghee muna for now.
Chim - CL
Raiah - (unknown??) Si Gummy muna siya

May nakalimutan pa ba akong characters na nakalagay sa story? Wala pa kasi sila Minzy and Bom! ㅠ.ㅠ

Loving a VAMPIRE. (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon