Chapter 5

622 29 1
                                    

|Chapter 5|

CLEOMIYA Chardeline Riddle
Point of View
(August 11, 2022: Thursday)

Kinabukasan, mga tapik ng kamay ang pilit nagpapabangon sa akin. Pero alam kong hindi pa sumisikat ang araw, kaya itinuloy ko ang tulog ko.

Phone ringing-
Topak calling..

"Baks!" Sunod-sunod na tapik ni Jhea sa 'kin, at inuga pa ang katawan ko kaya naimulat ko bahagya ang isang mata ko na gusto pa ring pumikit. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi.

"Bakit ba?" Iritable kong tanong habang mukha niya ang nakikita ng maliit na butas ng mata ko.

"Kanina pa ring ng ring 'yang cellphone mo, sagutin mo kaya. Sarap nang tulog nung tao istorbo." Nakapikit niyang

Kinusot ko muna ang mga mata ko at kinapa ang cellphone ko sa ibabaw ng side table.

"Hello? Sino ba 'to?" Inis kong sagot sa tawag-tawag, ni hindi ko magawang imulat ng maayos ang mga mata ko dala ng sobrang antok.

(Chucklehead. Hindi mo ba ko papasukin sa loob ng bahay n'yo?)

Awtomatiko akong napabalikwas bigla ng bangon ng marinig ang boses sa kabilang linya. Lintik!

Inaantok pa 'ko, pero huwag n'yang sabihing nasa labas s'ya ng bahay namin? Nang ganitong oras? Has he lost his mind? Is he out of his fuck*ng mind for real?

(Hey Miss chucklehead?)

Wala akong oras makipag lokohan, inaantok talaga ko.

"Renai Zon matutulog lang ako? Later ka nalang mang-buwiset. K! Bye!"

I ended the call, then I closed my eyes again and went back to sleep.

Hindi pa nahihimbing ang tulog ko, ay muli na namang nagring ng sunod-sunod ang cellphone ko.

Phone ringing-

"Ano na naman ba?" Inis kong bungad sa kan'ya sa kabilang linya. Bakit ba binubulabog n'ya ang pagtulog ko? Kung wala s'yang magawa magpatulog sana siya.

(Stupid girl, if you do not open your door right now, i will no longer be your savior. )

Savior mong mukha mo. Arrrrgh! Eh grim reaper ka nga, Thanos pala.

Kapag itong hinayupak na tiyanak na ito'y wala sa labas ng bahay, humanda talaga siya sakin ng malaan niya. Magiging isa siyang dead meat!

"Kapag ikaw wala sa labas ng bahay namin ko, bibigwasan talaga kita Renai Zon Kliven!" I said irritatedly before I ended the call.

Before I went down to the living room, I checked the time on my cellphone lockscreen. It's almost five in the morning. This is crazy. Why do I have to do this? He's just my fake boyfriend, after all.

Most importantly, why do I always follow his commands? Renai Zon pinapakulo mo talagang dugo ko.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng bahay at pagkalabas ko naman ay natanaw ko na sa harapan ng gate ang isang sport car, maliwanag naman dahil may street light at may ilaw din sa pader na nakapalibot sa buong bahay namin.

Ang ganda nung sasakyan. Hoy babae huwag kang masilaw sa sports car bruha, hindi n'yan mapapalitan ang naputol mong tulog lukaret.

Ibinalik ko ang simangot sa mukha ko, at naglakad pa ako ng kaunti saka inis kong binuksan ang itim na gate namin.

"Ano bang ginagawa mo rito?" I asked.

Bakit ba ang tangkad niya kasi? Nanliliit talaga 'ko kapag siyang kaharap ko, bakit ba kasi nung nagsabog ng katangkaran ay natutulog ako sa pansitan? Ni tae ata tuloy ng manok wala akong inabutan.

My Stupid Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon