Chapter 12

448 23 3
                                    

|Chapter 12|

CLEOMIYA Chardeline Riddle
Point of View

Walang gana ang utak ko habang nagkaklase. In short lutang. Nakakatuliro kasi ang mga sinabi ni Zero. Alam kong magang-maga na ang mata ko kakaiyak.

"Krrrirriiing!"

Lunch time na, pero pati sa pagkain ay wala rin akong gana. Naglabasan na sila at ako nalang ang naiwanan dito sa room. Dumukdok lang ako sa armchair ko, latang-lata ako. Parang gusto ko na lamang umiyak ng umiyak. Sino ba namang magkakaroon ng ganang kumain, kung nalaman mong yung lalaki palang minahal mo ng one year ay hindi ka naman pala talaga minahal gaya ng akala mo.

Habang umiiyak ako ay may humawak sa ulo ko at hinaplos pa n'ya na parang bata. Baka si Jhea lang.

Hindi ako umimik, hinayaan ko lang s'ya. Pero sa puntong ito, tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko na para bang ang kamay na dumampi sa ulo ko ay galing sa taong alam ang nararamdaman ko.

"Chucklehead."

Marahan kong itinaas ang ulo ko at hindi nga ako nagkamali, s'ya nga si Edric. Akala ko'y masama ang pakiramdam niya, samantalang ngayon ay nakangiti s'ya sa 'kin at mukha namang wala s'yang sakit.

"Diba may sakit ka?" Humihikbi kong tanong sa kan'ya.

"Stupid girl." Napansin kong pinunasan n'ya ang luha sa mata ko, na ewan ko ba pero napangiti ako.

Pero pagkurap ko'y bigla s'yang naglaho sa paningin ko. Ilang beses pa 'kong nag-blink, pero wala na talaga siya.

I miss you, Edric. Yakapin mo naman ako, para mabawasan yung sakit. Kasi alam kong ikaw lang ang makakatulong sa 'kin. Alam ko na gagaan lang 'tong bigat ng loob ko kapag nasa bisig mo 'ko.

"Bakit ramdam na ramdam ng ulo ko ang pagdampi ng mga palad mo?"

"Uy Cleo, nag iisa ka rito? Lunch na hah? 'Di ka ba kakain?" Tanong sa 'kin ni Jhea habang papasok sila ni Xyrex dito sa classroom, kaya ikinubli ko ang mukha ko sa buhok ko at pasimple kong pinahid ang luha ko.

"Hindi lang pumasok si Mr.666, 'di ka na rin kakain?" Sabay hawak pa ni Xyrex sa balikat ko.

Naupo naman si Jhea sa tabihan ko, kaya nagtama ang aming mga mata. Nahalata n'ya sigurong tahimik lang ako.

"What happened, Chardeline?" Seryoso n'yang tanong sa 'kin, pinilit kong ngumiti kahit na nasasaktan yung loob ko.

"Nothing ." I replied, but deep inside my heart slowly scattered into pieces.

"Wala raw, okay. Oh s'ya, mukhang wala ka pa sa mood magkuwento. Nasaan si Edric? Bakit daw s'ya absent?" She asked.

Alam kong gumawa lang s'ya ng way para mag change topic.

"Masama ang pakiramdam sabi ni Mishia." I replied.

"Who's Mishia?" Tanong pa niya.

"Kapatid ni Renai Zon." Tipid kong sagot.

"Paano mo nagawang palambutin ang puso ng isang campus evil, Miss Riddle?" Tanong naman ni Xyrex saka hinila ang isang upuan paharap sa 'min ni Jhea at doon s'ya naupo.

"May kapitid pa pala si Edric, ngayon ko lang nalaman. Dito rin kaya nag-aaral yun sa Kliven U?" Curious na tanong sa sarili ni Jhea.

Dahil hindi ko rin alam ay hindi nalang ako kumibo pa.

"Bakla alam kong hindi ka pa nag-la-lunch, tara? Sumabay ka na sa 'min." Pagyayaya ni Jhea.

I nodded and smiled. Kumakalam na rin naman ang sikmura ko, kaya sumama na 'ko sa kanila sa cafeteria.

My Stupid Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon