Araw na naman ng mga puso ngayon, hays!!! Isang mahabang buntong hininga na lang ang aking pinakawalan, dahil tiyak na ma-o-OP na naman ako mamaya sa classroom. E pano ba naman kasi, halos lahat ng kaklase ko puro may jowa na, higit pa don e dinadala nila ang mga ito sa room para don na tumambay, pati na mga kaibigan ko kaya tiyak na wala akong kasama kaya talagang ma-o-OP ako mamaya.
Hay hayahay talaga ang buhay!!! Buhay single!!! 😂Di bale, lalabas na lang ako mamaya para mamili ng chocolates sa booth section, Hihihi,,, bibigay ko na lang kay crush tutal Valentines day naman na😁💕.
Nasa grade 12 kasi siya, kaya kailangang maghanap ako ng available na oras para ibigay tong gift ko sa kanya. Pinag-ipunan ko talaga to e, halos di na nga ako nag re-recess para lang makaipon. Hehe, sana tanggapin niya kasi sayang naman ang effort ko pag di niya to tinanggap...heheRecess na namin ngayon, at kasalukuyang kumakain sina crush sa canteen kasama ng mga kaibigan niya. Aantayin ko na lang siguro, at isaktong mag isa siya para kapag ni reject tong chocolate ko at least sa kanya lang ako mapapahiya.
Kyahh!!! talagang umaayon sa akin ang panahon, dahil kagagaling lang niya sa isang room sa grade 11 at mag isa pa siya, may binisita siguro😊. Heto na Ria ang pagkakataon mo, wooh!! (deep breath). Lumakad na ako palapit sa kanya.
" JC!" tawag ko sa kanya, kaya lumingon siyang nakakunot noo.
"Why?" cold niyang sabi, hay nako crush!! Wala ka manlang kangiti ngiti😁.
"Ah--hehehe, may ibibigay lang sana ako, kung pu-pwede" nabubulol kong sabi sa.
"What is it?" cold pa ding sabi niya.
"Ito o(sabay labas ko ng chocolate na may kasamang flowers), para sa'yo, he-he-he Happy Valentines!" awkward kong sabi.
Tinitigan niya muna ito bago dahan dahang tinanggap sa akin.
"Ah thanks, BTW" sabi niya habang nakatingin pa sa akin ng seryoso.
"Hehe,, walang anuman d-din." kinakabahang sabi ko.Bigla naman akong nahiya kaya dali dali na akong umalis habang nakayuko. Pababa ako no'n nang marinig kong may tinawag siya, bumalik ito sa room na pinanggalingan niya kanina at tinawag ang isang babae, baka kapatid niya? pagtingin ko ulit nasa babae na ang chocolate na bigay ko kani kanina lang kay JC, ngumiti ito ng malawak at hinalikan siya sa----sa----lips....?
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad habang malungkot na ngumingiti. Okay sana kung tinago muna niya ito, bago binigay para di ko na makita pa.... Pero hindi e, bagkus binigay pa ito sa babaeng nagugustuhan niya, ni hindi man lang niya tinignan ang gift ko bago binigay. Hays! Buhay pag ibig talaga, napakahirap. Kung sino pa yung taong pinapangarap mo, siya pa yung malabong mapasa'yo. Hahahahaha,,,, dinaaan ko na lang sa tawa ang sakit na nararamdaman ko habang palapit sa mga kaibigan ko, para di naman nila mahalatang nasasaktan ako..Ay hindi pala nila ako mahahalata, may kanya kanyang mundo e😁.
Kilala niyo kung sino ang tinutukoy ko? Syempre hinde😅. Siya si JC Madrigal ang matagal ko nang hinahangaan mula pa nong Grade 10. Pero hindi ko alam kung isa lang ba itong simpleng paghanga o mas higit pa do'n.
Matalino siya, gwapo, habulin ng mga babae at binabae, mayaman, ano pa ba? May pagka sikat din at higit sa lahat isang gamer. Alam naman niyang may gusto ako sa kanya e, pero siguro talagang wala akong panama sa kanya kaya balewala lang sa kanya lahat ng ginagawa ko. Hmmm!!! Haaahyy!! (deep sigh) Matagal tagal ko na din pala siyang hinahangaan at ngayon mas lalo pang lumalalim itong nararamdaman ko, mahirap man pero siguro, ito na ang sampal sa akin ng katotohanan na dapat ko na talagang tigilan ang pagpapantasya sa taong kahit kailan, hindi magiging akin at hanggang pangarap lang. Siguro hanggang dito na lang ang kakayahan ko, siguro hanggang dito na lang ang magagawa ko, nakakapagod na din kasing maghabol e. Nakakapagod na ding madapa ng paulit ulit. At nakakapagod na ding magmahal sa taong kahit kailan hindi ka mapapansin, na tanging titig na lang mula sa malayo ang pwede mong igawad.Mahal kita pero siguro tama na. Meron ng nagpapasaya sa'yo e, at hindi ako 'yon. Hindi ko maibigay ang saya na hinahanap hanap mo.
Hahahahahaha,,,, ano ba ' to para namang may naging relasyon kami😅. Hahahahaha,,,,,, tawa ko na lang.Siguro may mga bagay talaga na sadyang ginawa para tayo'y maliwanagan, na hindi sa lahat ng pagkakataon nasa sa atin ang panig at tagumpay. Sadyang ito'y inilaan sa atin para tayo'y maturuan at makapag isip ng mas may kabuluhan. Ito'y ginawa para ating maunawaan ang mga bagay bagay.
