10 years later..
Shane's POV
Umahon ako sa isang malamig na dagat. Andito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa sentosa siloso beach dito sa singapore. Naisipan kong magbeach ngayong araw dahil wala kaming work.
"Hey, where are we going next?" Tinanong ko si justina at roana
"Tara, doon tayo sa place mo, let's drink until the sun is over" ang sagot ni roana.
Justina and roana are filipino friends of mine here in singapore, kasama ko sila sa trabaho ko. We are all flight attendants ng isang airline dito sa singapore.
Dito na kami nakatira ng family ko. Lumipat kami dito after ko grumaduate ng grade 12 and as I said, dito ko na pinagpatuloy ang college ko. mapayapa dito sa singapore, napuntahan na rin namin lahat ng tourist spots dito, lahat maganda.
Umalis na kami nina justina at roana sa beach at tumungo na sa bahay na may dala-dalang alak.
Tumungo na kami sa kwarto ko at nagstart ng uminom
"Bes, wala ka bang balak na magka-boyfriend?" Ang tanong ni roana saakin.
Natawa ako ng marahan "kahit pa sino ireto niyo saakin, wala talaga akong balak"
"Bes, malay mo yung makilala mo ngayon matino na" ang sabi ni justina.
" nako, ayaw ko"
"Bes, that was 10 years ago" roana said.
"But it feels like it was just yesterday"
"It's up to you bes, never pa kasi namin nakita na naging masaya ka, palagi kang seryoso. Nakikita ka lang naming nakangiti kapag nasa loob tayo ng eroplano" ang sabi ni roana at nagbuntong hininga.
Ayaw ko na kasi talagang maulit ang nangyare saakin sa pilipinas bago ako mapunta dito.
Flashback:
"Hi po tita, andiyan po si Lance?" Ang tanong ko kay tita nang makarating ako sa labas ng bahay nila
Naisipan ko kasing bumisita ngayon kay Lance dahil magpapaalam na ako sakanya, bukas na graduation naming grade 12 students. And kinbukasan noon ay lilipad na kami papuntang singapore.
dalawang taon na kami ni Lance, at masasabi kong walang nagbago saaming dalawa. Kung paano niya ako itrato nung nanliligaw pa siya ay ganun parin ang trato niya sakin kahit ang tagal na namin. Para bang araw araw ay nililigawan niya parin ako. Ipinakilala niya ako kagad sa mommy niya nung kinbukasan na naging kami, after school nang dalhin niya ako sa bahay nila para ipakilala ako sa pamilya niya. Ang bait ni tita saakin, parang si mommy kay Lance. Sa maikling sabi, ang saya ng relationship naming dalawa.
"Ah eh, tulog siya Shane eh" ang sagot ni tita saakin na para bang kinakabahan at hindi alam ang sasabihin.
"Saglit lang po tita, magpapaalam lang po sana ako dahil aalis na po kami ng pinas. Please po tita, saglit lang po" ang pilit ko kay tita
"Sige na nga, pasok ka" ang sabi niya saakin ng naging dahilan ng pagngiti ko.
"Thank you tita" ang pasalamat ko at niyakap siya.
Masaya akong pumasok sa bahay nila at nakita si Lance sa sala kasama si.... Iris?!
Napahinto ako sa paglakad nang makita ko silang naguusap habang hawak hawak ni Lance ang kamay ni Iris.
Nakita ako ni Iris kagad dahil nakatalikod si Lance saakin.
Hindi ko napigilang mapaluha sa nakita ko at umalis nang walang sinasabi.
Hinabol ako ni Lance at hinawakan ang kamay ko.
"Shane, let me explain" ang sabi ni Lance saakin.
"You don't need to explain, pumunta lang naman ako dito para magpaalam"
"Shane, hindi. Hayaan mo akong sabihin sayo ang totoo"
"No Lance, nasaktan mo na ako eh. Akala ko pa naman okay ka na sakin. Bakit? Ano ba nagawa kong mali sayo para lokohin mo ako? O may kulang ba akong nagawa bilang girlfriend mo? Ano ipinakita sayo ni Iris para sumama ka sakanya at para baliwalain yung fact na baka masaktan mo ako. I hate you, akala ko iba ka, akala ko patuloy mo nang patutunayan yung pangako mo. Pero hindi pala" And with that umalis na ako.
End of flashback
Grumaduate ako ng hindi siya kasama at walang kasaya saya sa mukha ko noon. Hindi ko parin akalain na magagawa niya sakin na lokohin ako ng ganun ganun lang. Masyado niya akong sinaktan dahil nangako siya sakin na hinding hindi niya ako sasaktan. Totoo nga naman ang sinasabi ng iba na "promises are meant to be broken".
Pinunasan ko ang luha ko at uminom ulit ng alak.
Isang oras na ang nakakalipas at umiinom parin kami, masasabi kong lasing na ako at sinandya ko yun.
"Mga bes pangit ba ako?" Ang tanong ko sakanila.
"No girl, mga lalaki nalang talaga ang gumagawa ng dahilan para mawala sila sayo" ang sabi ni roana sakin.
Naluha ako "bakit nagawa saakin ni Lance 'to?" Ang tanong ko sa sarili ko.
"Bes, may tinatawag tayong 'move on' hanggang ngayon ba siya parin nasa isip mo? Kaya ka ba nagkakaganyan? Kahit pa ilang araw o taon ka umiyak hindi mo na siya makikita, bes nasa pilipinas siya. Magpakasaya ka nalang dito, 10 years ka nang malaya pero hindi mo parin magawang maging masaya, mahalin mo naman sarili mo" sabi ni justina.
Lumabas ako ng kwarto at bahay at sumigaw ng "HAYOP KA LANCE GENOVA, ANO BANG GINAWA MO SAKIN?!"
bumagsak ako sa sahig at umiyak ng umiyak habang pinapatigil ako nina justina at roana.
"Hey! Someone's sleeping, shut up!" Ang sigaw ng kapitbahay saamin.
"We're sorry sir" ang paumanhin ni justina.
Pinasok nila akong dalawa sa kwarto ko at pinahiga ako.
"Magpahinga ka na muna, bukas sasampa nanaman tayo ng eroplano" ang sabi ni roana ng mahinhin.
Lumabas na sila ng kwarto at hinayaan na akong magpahinga.
Gusto na kitang kalimutan Lance Genova pero hindi ko alam kung paano.
BINABASA MO ANG
Our story •A Tagalog Love story•
RomanceStorya ng isang simpleng babae na kung saan nalaman niya na may nagkakagusto sakanya sa pamamagitan ng computer. Magugustuhan niya rin kaya ang secret admirer niya? At kung maging sila man ay magtatagal kaya sila sa kanilang pagmamahalan?