Shane's POV"Good afternoon cher, si Lance po, yung makakaduet ko" ang sabi ko kay teacher kenni.
"Ayy good afternoon Lance, nice to meet you gwapo ahh" ang bati ni teacher kenni sakanya.
"Ay thank you po and nice to meet you din po" ang bati pabalik ni Lance with a smile.
Nagstart na kami sa practice. Habang tinutugtog ko ang piano ay si Lance naman ang kumakanta. Magaling pala siya kumanta.
"Okay so ganito ang mangyayare sa huli. Lance luluhod ka kay Shane habang kumakanta and ikaw naman Shane you'll stop playing the piano at hahawakan mo ang kamay ni Lance and sabay kayong tatayo, maglalakad kayo papuntang gitna ng stage, still magkahawak and then the last part is iikot mo Lance si Shane then luhod ka ulit. Gets?" Ang sabi niya saming dalawa
"Okay po gets" sabay naming sabi.
"Okay let's try. Kantahin niyo yung last part then try niyong gawin yung sinabi ko"
"And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted" lumuhod si Lance at hinawakan ko na ang kamay niya.Sabay kaming tumayo at kumanta muli "All at once everything is different *naglalakad papuntang gitna ng stage*
Now that I see you
All at once everything is different *inikot ako ni Lance na para akong isang prinsesa*
*lumuhod siya habang nakatingin sakin* Now that I see you"Pinalakpakan kami ni teacher kenni "very good, you two did great"
Nagpractice lang kami ng nagpractice hanggang sa maperfect talaga namin ang pagkanta namin at kung paano kami gagalaw sa stage.
It's already 5:40 in the afternoon, mag gagabi na rin at katatapos lang namin magpractice. Umalis na si teacher kenni. Ngayon kaming dalawa nalang ni Lance ang nasa sala.
Wala akong magawa kaya kinuha ko ang phone ko at nagscroll nalang sa instagram. Bumalot saming dalawa ang katahimikan sa sala.
Sobrang nakakabingi ng tahimik, walang ni isang nagsasalita saming dalawa.
"Uhm Shane?" Sa wakas nagsalita na rin siya. "Yes?" Tanong ko.
"Ah I should get going, hinahanap na rin kasi ako ni mommy" ang paalam niya.
"Ah yea sure, I'll see you tomorrow nalang ulit" ang sagot ko.
Tumayo na kami sa sofa at lumabas na ng bahay. Naghead kami sa car niya.
"Goodbye Shane, thank you for today. I'll see you tomorrow" ang paalam niya muli "by-" natigil ako sa sinasabi ko nang hinalikan niya ako sa noo.
Sumakay na siya sa kotse niya at umalis na.
Woah, that was fast. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, para bang finroze ako sa kinatatayuan ko.
I felt sparks, it feels like im I'm protected, everytime he holds my hand, i feel safe and secured in him. Teka? Bakit ko nga ba nararamdaman 'to? Shane! Wag hindi pwede. Magpaligaw ka lang muna sa ngayon, wag kang paeasy-to-get. Diba ayaw mo pang magkaboyfriend?
Pero kasi iba eh, iba ang nararamdaman ko.
NO! Hindi pwede Shane!
Pati konsensya ko nagaway na.
Inalis ko lahat ng iniisip ko at pumasok na ulit sa bahay..
Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
Habang nagpphone ako ay may biglang pumasok sa kwarto.
"Nak" ang tawag niya sakin at umupo sa kama ko.
"Yes mom?" Ang tanong ko sakanya.
"Ikaw ba ay siguradong magpapaligaw ka na kay Lance?"
Nagbuntong hininga ako " opo, there is something in him po kasi. I'm pretty sure na mapapagkatiwalaan ko naman po siya eh. Pero ang kinakatakot ko lang po is yung mahulog ako kagad" yumuko ako.
"Anak, it's okay to fall inlove, wag na wag mo lang kakalimutan na dapat handa ka sa lahat ng sakit. Dahil sa isang relasyon hindi talaga maiiwasan ang problema kahit gaano pa kaperfect ang relationship niyo. Ganun talaga, dadating at dadating talaga tayo sa point na maiinlove tayo kahit pa sabihin mong ayaw mo pa pero yung feelings mo na ang nagpupush sayo" Advice ni mommy saakin.
Hindi ako nakasagot.
"Nak, don't worry andito lang kami ng daddy mo. I'm sure kapag nalaman niya to na may nanliligaw na sayo. He'll be happy kasi may magpapasaya at may poprotekta na sa anak namin habang nasa ibang bansa siya"
"Thanks mom sa advice, i have this weird feeling lang talaga na ngayon ko lang naramdaman. There is something in him mom. I just can't figure out what, yung feelings ko ang nagsasabi na mapapagkatiwalaan ko talaga siya" ang sabi ko.
"You know nak, think of it ha, pero ngayon magpahinga ka na muna dahil pagod ka. Kahit anong desisyon mo suporta kami ng daddy mo sayo at ng mga kapatid mo" ang sabi ni mommy at hinalikan ang noo ko bago lumabas ng kwarto.
Mom is right, dadating at dadating talaga na maiinlove ako and that is okay.
BINABASA MO ANG
Our story •A Tagalog Love story•
RomanceStorya ng isang simpleng babae na kung saan nalaman niya na may nagkakagusto sakanya sa pamamagitan ng computer. Magugustuhan niya rin kaya ang secret admirer niya? At kung maging sila man ay magtatagal kaya sila sa kanilang pagmamahalan?