Love Hate ( Tricia Andrea and Sly )

32.8K 663 33
                                    

Dedicated to nanatangimongkaribal..sensiya na at ngayon lang nakarating ang very own BHO Boy mo..natutuyo na kasi ang utak ko at walang pumapasok na plot bwahaha!

TRICIA ANDREA'S POV


Napasimangot ako ng may marinig akong nag gui-guitara sa kung saan habang naglalakad ako sa hallway ng BHO. Isa ako sa mga trainees ng BHO. Bago pa lang ako dito.


Wala sana akong plano na maging ganito ang trabaho though inaamin ko na nag e-enjoy ako sa experiment department. I love to build things na alam kong mapapakinabangan.


Kahit hindi halata dahil lagi akong kikay mag damit...science and math geek ako. Napasok ako dito sa BHO dahil nakilala ko si Sir Poseidon ng iligtas niya kami ng anak ko sa isang panganib.


Yes may anak na ako sa lalaking hindi ko na gustong makita ever again. Bigla na lang kasi siyang nawala na parang bula after kong sabihin na buntis ako. Hindi pa don nagtatapos dahil nakita ko siya isang araw na sweet na sweet sa isang babae na tinarayan pa ako.


Hindi niya ako pinagtanggol at umakto lang siya na parang hindi ako kilala.


Mula ng araw na yon nagtago na ako sa kaniya...not like hahanapin niya pa ako. Pinalaki kong mag-isa ang anak ko na anim na taon na ngayon. Pero sadiya atang mabait ako kaya sinunod ko sa pangalan niya. Phoenix Martins.


Wala akong planong ipakita sa kaniya ang anak ko lalo na kung babalewalain niya lang ang anak ko kapag napagod na siya...katulad ng ginawa niya sakin.


There's nothing that would hurt me more than my child getting hurt because of his own father.


At saka hindi ko narin siya maaalala dahil sa aksidente na nangyari sakin noon. I can't remember the father of my child. Selective amnesia maybe. I'm not sure. Normal lang naman ang takbo ng buhay ko at isa lang naman ang hindi ko naaalala. I can remember what happened..but I cant remember his face.

...


...

Until I found him here..sa una hindi ko siya nakilala..napansin ko lang na masyado siyang attach sakin. And nagtatanong siya if may pamilya na ako na hindi ko naman sinabi sa kaniya lahat.


Then one day I remembered everything. 


"Ricie!"


Binilisan ko yung lakad ko para hindi ako maabutan ng taong nag-iisang tumatawag sakin na 'Ricie'. Halos tumakbo na ako pero syempre kapag mas matangkad sayo mauunahan ka talaga.


Masama ang tingin ang ibinigay ko kay Sly.


"What?"-me


"Hi Ricie."


"Hindi ako kanin. Ang sexy ko na o, hindi na ako yung chubby na pinatulan mo at ginamit mo at binuntis mo at pinaasa mo at binalewala mo. Kuha mo?"


Natahimik siya pero ngumiti narin pagkaraan. Hahawakan niya sana ako pero umiwas ako kaagad.


"Gusto mo kantahan kita?"-sly


"No thanks may CD ako sa kwarto ko."


Bumuntong hininga siya at tumingin siya sakin. Ayoko ng tingin niya dahil ayokong maawa sa kaniya..ang dami kong pinagdaanan para sa kaniya.


I broke my heart a lot of times just thinking about him. Siguro nakabuti narin na na aksidente ako dati...kasi kahit paano kahit naaalala ko yung mga nangyari..at least hindi ko na aalala yung muka niya.


MsButterfly's BHOCAMP One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon