Tandang tanda ko pa ung una naming pagkikita.
May 5, 2003
Bakasyon noon.
Umuulan.
Siyam na taong gulang ako noon.
Kasama ang mga pinsan ko.
Naglalaro kame habang bumubuhos ang napaka-lakas na ulan.
At tulad ng ibang bata. Masaya ako.
Nang biglang nadala ng umaagos na tubig ang aking tsinelas.
At dahil sa lakas ng ulan, mabilis ang agos ng tubig kasabay ang tsinelas ko.
Pinilit kong habulin ito.
Pero masyadong mabilis. Hindi ko maabutan.
Hanggang sa malapit na ako.
Maabot ko na
.
.
.
.
.
.
.
.
nang may nakita akong umapak sa aking tsinelas para huminto ito.
Unti-unti kong iniangat ang ulo ko para makita ang mukha ng kung sinumang umapak sa tsinelas ko.
Nang aking makita ang isang batang lalaki.
Sa aking tancha ay mas matanda ito sa akin ng dalawa hanggang tatlong taon.
Nabighani ako sa aking nakita. Natulala.
Hanggang sa ibinigay niya sa akin ang tsinelas ko.
Sabay gulo sa buhok ko.
Ngumiti siya. Ang pinaka-matamis na ngiting aking nakita.
.
.
.
.
Nang bigla na lang akong tinapik ng pinsan kong si Adri.
“Hoy Anne, taya ka na.” wika ni Adri.
At ito ang nagbalik sa aking kamalayan.
Malayo na siya pero sumigaw ako ng malakas para marinig niya,
“Oy bata!”
Hindi siya lumingon. Nilakasan ko pa ang pagtawag sa kanya,
“Hoy!”
Hanggang sa lumingon siya.
Habang iwinawagayway ko ang aking tsinelas, aking isinigaw sa kanya, “Salamat.”
Tumango lang siya bilang ganti.
-----------
Natapos nanaman ang araw.
Iniisip ko pa rin kung anong pangalan ng batang lalaki na tumulong sa akin. Gusto ko siyang makilala.
BINABASA MO ANG
Tsinelas
Short StoryHanda ka bang maghintay para sa taong hindi mo alam kung babalik pa?