ONE

56 4 0
                                    

HARUKA

Being one of the famous japanese orchestra musicians daughter is never been easy.

"Pinuno bakit ba nagmamandali ka? May practice pa tayo!" Hindi ko na lang pinansin itong si Yuna habang inaayos ko yung gamit ko.

"Baka may date ka Ruka? Ayieeee sino yan?" Isa pa itong si Lauren.

"Pwede ba it's impossible, si Ruka? Falling inlove? Baka mas posible pang makumpleto ni Yuna ang pagligo niya ng isang linggo." Tinakpan ko na lang yung bibig nitong si Sylvia.

"Pwede ba may lakad lang ako kaya hindi ako makakasama sa practice but it doesn't mean na hindi din kayo mag pra-practice." Inabot ko sakanila yung tigiisang piraso ng yellow paper, na ginawa kong notes para sakanila.

"Diyan kayo mag focus ng practice specially you Yuna, wag kang masyadong malakas tumugtog ng drums pakinggang mo muna kung maririnig ba ang bass ni Lauren." Nakita ko pag asarin ni Lauren si Yuna.

"Buti nga sayo Yuna." Binaling ko naman ang atensyon ko kay Sylvia.

"And for you Sylvia, remember your playing the electric guitar ikaw ang may pinaka madaming part." Kinuha ko na yung bag ko at nagmamandaling lumabas ng practice room naming apat,

Hindi ako pwedeng ma late sa pupuntahan ko buti na lang at nandito si Kuya Ben ang personal driver ko.

"Kuya Ben alam mo na kung saan ah." Ngumiti naman siya ng pang-asar sakin.

"Hay nako, bakit ba kasi kailangan mong itago ang paghaga mo sa isang tao?"

"Kuya Ben ayaw ko nga! aasarin lang ako ng iba, tsss ako? Vocalist of a rock band idolizing a girly girl group? Nah!" Sinuot ko na ang plain na black na hoodie at ang puting helmet.

Hayssss ito ang suot ko sa tuwing a-attend ako ng concert at meet and greet ng paborito kong girl group hindi ko naman kasi maintidihan sa isip at puso ko bakit sa dinami dami ng pwede kong idolohin ito pang grupo na ROYGBIV.

Sino ba naman ba kasing isang tulad ko ang hahanga sa tulad nila, so I have no choice kung hindi magtago, sa disguise na "KURA".

"Nandito na tayo Ruka."

"Sige na Kuya Ben magtago ka ah baka may makakita ng kotse natin, hintayin mo ko." Ngumtiti lang siya at nag thumbs up, bumaba namam ako bitbit ang solo photocard ng pinaka paborito kong member na si Violet.

"Magsitabi kayo andiyan na si KURA!" Ang sigaw ng isang ka co-fan ko sa ROYGBIV, ayan tama yan paraanin niyo ko para makita ko si Violet my love! Fuck! Yung puso at isip ko sariling lumalambot para kay Violet!!!!

Pagkahawi naman ay  nakita kong nakatingin sakin ang buong member ng ROYGBIV dahil hindi naman sa pagmamayabang isa yata ako sa pinaka unang naging fan nila. Ngumiti sila saakin at tumingin lahat kay Violet, well atleast they know that my bias is Violet.

"VIP?" Ang pang-aasar nila saakin, umakyat na ako pero dapat dumaan muna ako sa ibang member una si Riri ang leader nila, nilabas ko din ang album nila para papirmahan sa ibang member.

"Akala namin ay hindi ka dadating."

"Hindi pwede yun." Pagkapirma niya ay sumunod naman ako kay Ophra.

"Wala ka nanamang photocard ko?!"

"Loyal kay Violet pero mahal ko parin ang ROYGBIV" shit!!! This is not me!!!!!

"Sana all may loyal na fan." Natawa lang ako sa biro ni Yuri.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang i reveal ang mukha mo Kura? Like 4 years mo na kaming pinapanood but you're still hiding your face." Si Galiana

"When the right time comes Galianna." Ang naging sagot ko na lang.

"Kura Kura TWICE!" natawa lang ako sa naging biro ni Brianna ng kinanta niya yung chorus ng isang kanta ng TWICE.

"I know you're just here for Violet." Siguro kung hindi sumali itong si Ice sa ROYGBIV siya yung tipo ng taong hindi palangiti.

Sa wakas!!!! ito na!!! ako sa harap ng pinaka hinihintay ko.

"Violet." Nilabas ko na yung photocard niya.

"Akala ko..."

"Hindi ako pupunta? I can't do that... Remember that I promised you na hinding hindi ako aabsent sa meet and greet at concert niyo." Shit! Mamatay ako sa ngiti niya!

pagkatapos niyang pumirma ay umabot na ko sa dulo ng pila.

"Kura." Ay putcha naman! Bakit naman kasi sa dinami dami ng manager ng ROYGBIV ito pang kapatid ni Sylvia si Ate Deborah.

"Thank you." Tinapik pa niya yung balikat ko,ang bait ah pero kung alam niyang ako to sigurado ko susungitan ako nito, simula yata nung bata ako hindi na siya naging mabait saamim nila Lauren at Sylvia.

Pagkatapos ay nag stay pa ako para sa performance nila ng isa nilang kanta bago ako umalis, dahil baka abutan na ko ng curfew ko sa dorm ko sa Artemis Apollo Music Academy o mas kilala bilang AAMA.

Nagmamandali akong lumabas at ng makasigurado akong walang nakasunod saakin ay nagtatakbo na ako sa sasakyan, pagkatanggal ko ng helmet ko ay hindi ko maiwasan mangiti habang tinititigan  ko yung photocard na may pirma ni Violet at nilagyan pa niya ng smiling face.

"Mukhang sulit ang absent mo sa practice niyo nila Ms.Lauren." kaya lang mabilis din akong nalungkot dahil naalala ko yung announcement nila na matagal pa ang next comeback nila dahil may kailangan daw asikasuhin ang ROYGBIV for their own developmemt baka mag training siguro sila sa ibang bansa... Haysss.

"Ang bilis mo naman nalungkot Ruka?"

"Ee kasi naman kuya ben mukhang matatagalan ang pagkikita namin ulit ni Violet."

"Hintayin mo lang Ruka, malay mo magkita kayo sa hindi inaasahang pagkakataon." Napabuntong hininga na lang ako.

Aasa na lang ako sa pag post niya sa social media ng ROYGBIV paano ba namam kasi napaka dalang niyang mag update or mag post ng picture niya sa social media hays.

Siguro ito na yung chance ko na mag focus muna sa promotional stage ng banda ko, mag fo-focus muna ako sakanila.

Isa pa I need to maintain my family name..

I'm Haruka one of the daughter of "Mr. The Famous Maestro of Theatrical and Orchestral Music "MaSaka Orchestra".

Pero... Langya!!! Iba talaga si

"VIOLET!!!!!!!"
- - -

BOOK 1: Damn! I'm Inlove With An IdolWhere stories live. Discover now