MHRL-2

2.3K 23 2
                                    

<O>O<O>O<O>O<O>O<O>O<O>O<O>O<O>

"Hoy Dre Jeline!" Narinig mong tawag ni Patrick sa likod.

"O? May problema ba?" tanong mo sa kanya. Umiling siya.

"Samahan mo 'ko sa canteen." Pakiusap niya.

"Okay, san pala si Arnold?" Si Arnold ay ang bestfriend ni Patrick na kababata mo. Clown ng classroom kaya medyo click kayo.

"Hindi ko nga rin alam e. Bahala siya sa buhay niya." Sabi lang niya tapos pumunta na kayo sa canteen.

Usual na talagang sinasama ka niya sa canteen. Madalas kasama si Arnold. Madalas din kasama mo sina Julie, Alya, Aldrea, Jessy, Mary at Lea. Circle of sisterhood mo, ang G7.

Ngayong araw, nagrecitation kayo sa Chemistry. Memorize the Periodic Table. Lahat kayo tense, medyo may pagkaterror din kase ang teacher niyo na thrice a month lang kung pumasok sa classroom niyo kaya ayun, gutom kayong lahat. Pagkatapos ng recess, Araling Panlipunan na naman, ito medyo exciting.

Ayun, pag tingin mo sa katabi mo, gumuguhit lang ng anime sa notebook mo. Medyo magaling din kaseng gumuhit si Patrick. Isa yun kung bakit kayo click. Mga anime lover. -3-

Lumipas na naman ang mga araw. Naglalaro kayo ng jackstone, tagu-taguan, volleyball, piko at iba pa kapag tanghali ng mga kaklase mo.

Ngayong araw na'to, late ka na naman. As usual. At ang unang subject pa naman ay Math, patay ka kay Mr. Martin. Papagalitan ka na naman nun pero luckily, general cleaning pala ngayon. Swerte ka. :)

"Hoy Jeline, late ka na naman. Wala talagang makakatalo sayo." Sabi ni Carl sayo. Isang otaku guy na close friend mo.

"Ako pa," nagmayabang ka pa ng bigla kang tinawag ni Mr. Martin. Patay!

. . .

Dumaan ang araw ng medyo matiwasay as usual. Pero ewan, may program kase kaya walang klase. Nasa ground kayo nina Carl, Sugar, Mary, at si baklang Randy ( na in denial stage), nagtatalo kayong lahat tungkol sa pagiging bading ni Randy na pilit niyang itinatanggi.

Hindi mo alam kung nasan yung ibang G7 at ang mga kaklase niyo. Bigla silang nawala e. Madaming mga studyante sa ground kase wala ngang klase. Bumalik ka sa room niyo nang makasalubong mo si Arian, ina-inahan mo.

"San kayo galing mommy?" tanong mo sa kanya. Bigla siyang tumili. Medyo naweirduhan ka sa kanya pero normal na naman din yun.

"Anak, nandun kami sa office ng mga teacher. May nangyaring confession dun. Sayang hindi ka pumunta. Nakakakilig." Ikaw naman tong naintriga.

"Bakit? Ano palang nangyari?" tanong mo.

"E hindi daw pwedeng sabihin sabi ni Alya e pero si Patrick. . ." sabi ni Arian sayo. Mas nacurious ka tuloy.

"Matagal na daw niyang gusto si Lea, napapansin na raw niya si Lea matagal na. Tapos yun, sinabi niyang may gusto siya. Tapos si Alya naman gusto pa din si Deo, at as usual, inaasar na naman sina Jessy at Jason. Basta... madami pa yun pero nakalimutan ko na." Sabi ni Arian at pupunta na sana ng magtanong ka.

"Pwede ba akong pumunta dun?" tanong mo.

"Hindi na pwede tsaka isa pa, tapos na."

Medyo nagulat ka sa mga nalaman mo ng araw na yon.

Simula nung magtapat si Patrick naging tampulan na sila ng asaran ni Lea.

Sa paglipas ng panahon, marami nang mga nabuo at nawasak na love team sa classroom niyo which is usual at normal. Ikaw naman, ayun, nandun sa gilid-gilid, naglilinis, naggigitara, nagtutugtog ng mga iba mo pang instrumento. Walang pakialam sa mundo. Weird ka daw kase. Tsaka isa pa may pagkaboyish ka kaya hindi ka nakakarelate sa mga 'lovelove' na yan.

Lumipas na naman ang mga buwan. May mga nangyari sa classroom niyo na nagpatibay sa samahan niyong mga magkaklase. Hindi na kayo mapaghiwalay. Para na kayong isang buong section na parang matagal ng magkakakilala.

Pero ayun na naman, hindi talaga maiiwasan ang mga away-away sa inyo. Para na kase kayong magkakapamilya lahat.

Christmas na at ang nakuha mong regalo ay isang tuwalya, photo album, at stuff toy na parang 25 pesos lang ang halaga pero masaya ka na. Galing kase yun kay Randy at nagagawa mong umappreciate ng mga bagay-bagay. Kung sa iba mo pang mga kaklase yun, kung sa mga 'IT' girls yun binigay, alam mong magrereklamo sila.

Samantalang sayo, gusto halos lahat ng mga kaibigan mo na sana ikaw ang makabunot sa kanila. Siguro kase alam nila na hilig mo ang magbigay ng regalo. :)

Mas lumalim ang pagkakaibigan niyo ni Patrick pero walang malisya ha? Parang magkapatid na talaga. Brother mo na nga siya sa Facebook pati na rin si Julie ay naging sister mo na. Magkapatid kase kayong tatlo. Triplets ang titulo niyo sa classroom. 

Nagyayakapan nga kayo minsan.

Hindi mo lang alam kung bakit gustung-gusto mong alagan siya.

Dumating yung araw nang nalaman mong may bago nang crush si Patrick. Si Risa, ang muse ng classroom niyo at siguro ng buong school niyo na rin. E maganda kase, cute pa tapos magaling sumayaw. Sino ba namang hindi magkakagusto ng ganyan. Yun nga lang, may syota. Kaya ayun si Patrick, unrequited crush lang ang peg. Na sa paglipas ng mga buwan ay naging love 'daw'?

My Hopeless Romantic LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon