Simula

14 0 0
                                    

Simula

Nasa labas ako ngayon ng double doors ng mismong bahay namin dahil ayaw akong pagbuksan ng mga tao sa loob.

Pinapasok nga ang kotse ko sa main gate pero ayaw naman akong tanggapin sa bahay!

This is a proper headache!

"Kuya Stan!"

"Kuya Teo!"

"Mommy!"

"Daddy ko!" Hindi ko alam kung pang trentang tawag ko na iyan pero wala man lang akong nakukuhang sagot.

Kung alam ko lang ay dumeretsyo na sana ako sa condo!

Sinubukan kong tawagan ang isa sa kanila dahil pinagpepyestahan na'ko ng mga insekto dito.

Ugh! Ang skin ko!

"C'mon pick up the phone..." Tinap tap ko sa sahig ang suot kong pumps habang nakaupo sa mini stairs sa labas ng bahay namin sa pag hihintay na baka sagutin rin ng magaling kong kuya ang phone niya.

"Yes our dear Princess?" Nakakairita ang tono ng boses nito sa kabilang linya, it's my kuya Stan.

"Open the damn door! Kanina pa ako dito kumakatok pero walang nakakarinig sa'kin! Even the maids are asleep!" Agad kong hirit ngunit tanging halakhak lang ang itinugon niya sa akin.

Fucking blonde hair!

"Uh-ah-uh! Lahat kami ay naririnig ka pero ayaw ka lang talagang pagbuksan ni Mommy, hahahaha!" Anito. Kaya naman pala, dahil sinasadya nilang wag akong papasukin.

at tuwang tuwa pa siya!

"Let me talk to her!" Utos ko at agad namang ibinigay ni kuya Stan ang telepono niya kay Mommy.

"Mom! What's this again?!" Tanong ko kay Mommy na hula ko ay nakapamaywang at naniningkit na ang singkit ng mga mata sa galit ngayon.

"I told you about the curfew Demie! pero umuwi ka parin ng alas diyes!" Sigaw niya na halos ikabingi ko, kinailangan ko pang idistansya ang sariling telepono dahil sa lakas ng boses ni Mommy.

"Mom please, I won't do it again! Mosquitos are pesting me na, hindi ka ba naaawa sa anak mo?" Kunwaring mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Bahala ka'ng ma-dengue diyan Demie!" Matigas niyang sambit.

"Mom naman!" Reklamo ko sa kabilang linya habang pilit na itinataboy ang mga insektong kanina pa'ng kumakagat sa akin.

"Papapasukin kita pero makikinig ka sa sermon ko, naiintindihan mo?!" Muli niyang sigaw kaya napabusangot na lang ako sa kawalan ng mapagpipilian.

"Opo!" Padabog kong sagot at ibinaba na ang telepono, tumayo na lang muna ako mula sa kinauupuan at pinagpagan ang sarili.

Lumipas ang ilang segundo at narinig ko na ang marahang pagpihit sa seradula ng double doors kaya inayos ko ang aking tindig upang makapaghanda.

No matter what the situation is, hindi parin pwedeng may makakita sa akin na wala ang maganda kong posture.

I have known for my very outstanding beauty and a lady that possesed her very amazing poise, so? I won't let anybody to ruin that title of mine.

"Whoa! Ayos ah! Hahahaha!" Salubong agad sa akin ni kuya Stan.

Inirapan ko siya.

"Remember"Where stories live. Discover now