Kabanata 1

9 0 0
                                    

Kabanata 1

Nginuya ko ng mabilisan ang burger na hinatid dito ni yaya, hindi na masyado masama ang mood ko ngayon dahil sa wakas nakakain narin ako.

Hindi kaya ako nakapag dinner kagabi! dahil narin iyon sa agarang sermon ni Mommy at sa mga nakakagulat na nangyari.

It actually blowing my mind!

"Gutom pa ako..." Sabi ko sabay himas ng patag kong tiyan.

Wala na akong oras para magpahanda pa ng food kay yaya o kaya naman ay baon kaya bagsak ang balikat akong nagmartsa papuntang banyo.

Aaahhh! Nakaka-frustrate!

Kinalma ko na lang ang sarili at pilit pinaniwala na kakain din ako sa cafè mamaya.

Tsss.

May quiz pa pala!

Ihhhh! Kaninis naman!

Ginusto kong magbabad sa bathtub pero naiisip ko ang mga naiwan kong gawain.

Mabilis akong nagshower at nagkuskos ng katawan, sabon diyan sabon dito.

Pinagsasabay ko pa ang pagkukuskos ng mga binti at hita ko sa paglalagay ng shampoo sa ulo.

Matapos kong mag-overall banlaw ay agad akong nagtapis.

God! Anong klaseng ligo iyon Demie?!

Effective narin naman siguro ang 2 minutes kong paliligo para mag work lahat ng plano ko.

Tumakbo ako papunta sa sink at aligagang nag tooth brush.

Mabilis ngunit sigurado naman akong malinis at mabango ang bibig ko.

Palagi naman akong naghihilod ng katawan, actually ngayon lang ako hindi gumamit ng body scrub kaya I can assure na I am still clean.

Nag half bath rin ako kagabi at siniguradong nawala ang lahat ng lagkit ko sa katawan.

Buti nga naligo pa ako eh.

Yuck! Eww! Maiisip ko pa lang na malilipasan ako ng ligo kahit isang araw lang ay nandidiri na ako.

So gross!

Nakakahiya ang pangyayaring ito, ako lang ang pwedeng makaalam sa kagagahan kong to!

Kahit kay Leiglah diko ikukwento!

4:40 na pala.

Last check ko ng oras kanina ay 4:33 pa, kumain ako ng buger kanina ng mga 4 minutes.

"You can do this Demie!" Kumbinsi ko sa aking sarili at mas mabilis pa sa ala singko'ng kumilos.

Kinuha ko ang hair dryer sa closet ko na ngayon ay wala ng ni isang damit na nakalagay, mga gamit ko na lang iyon na kinakailangang gamitan ng kuryente.

Mas komportable sana sa akin kung iyong blower na lang ang gagamitin ko kaso paano ako magpapahid ng lotion kung hawak hawak ko ang blower.

Pahirapan ang paghatak sa hair dryer.

Naupo na ako at sinimulang mag blow dry.

Habang nasa ganong posisyon ay panay ang pahid ko ng lotion sa aking magkabilang binti.

Matapos sa binti ay sa mga braso ko, inabot ko naman agad ang soothing gel.

Kinapa ko ang buhok ko, sa tingin ko naman ay malapit na iyong matuyo.

Kumuha ako ng maliit na salamin para suriin ng mabuti ang mukha ko, matapos kong gawin iyon ay ibinalik ko na ito.

Naramdaman ko ang unti unti'ng paglamig ng mainit na hangin na lumalabas kanina sa bawat holes ng hair dryer.

Nagco-cool down na pala.

Dahan dahan kong inangat ang ulo at tinabitabingi pa ito hanggang sa nagsitunugan ang mga buto ko sa leeg.

"Ouch!" Daing ko at hindi na muling ginalaw ang leeg.

Nang magkaroon na ako ng lakas ng loob na ikutin ng bahagya ang leeg ko ay napangiwi ako sa tunog nito.

"This day is fucking fucking bullshit!!! Argh!" Nagpapapadyak ko sa inis na sabi papunta sa aking walk in closet at lumapit sa may Uniform section.

Hanggang sa pagsusuot nito ay salubong parin ang kilay ko at lukot ang mukhang nakaharap sa body size mirror.

Bigla na lang akong nainis, gusto kong magbasag.

Bago pa iyon ay agad akong bumalik sa mga naiwan kong gamit at niligpit sila kabilang na ang 200 pounds na hair dryer.

Nagsuklay ako at naglagay ng dalawang plaine hair clip sa isang banda ng aking buhok.

Suot suot ko na rin naman ang socks ko kaya pagsusuot na lang ng school shoes ang huli kong ginawa sabay dampot ko ng bag kong dinaig pa ang bag ng elementary sa sobrang bigat.

Walang tunog akong lumabas ng aking kwarto at nilingon ang buong paligid.

Wala pang tao bukod sa mga maids na pagala gala at panay ang kiskis ng kanilang mga feather dusters sa mga mamahaling collections ni Mommy.

Mommy loves collecting things made from different kinds of marbles.

May mga statues sa bahay na pina-sculpt pa niya sa isang kilalang sculptor galing sa Vienna, Austria.

Nagmukhang templo ng dyablo ang isa sa sulok ng aming bahay dahil andun lahat nakapwesto ang naturang mga rebulto.

Sinimulan kong lakarin ang staircase pababa sa napakalawak na basement ng mansyon.

Pag tapak ko pa lang sa unang baitang ng hagdan ay napalingon na ang lahat, sigurado akong narinig nila ang takong ng aking sapatos kaya sila lumingon.

"Good morning Princess..." Sabay sabay nilang bati at yumuko pa ng kaunti.

"Wag kayong maingay, maririnig kayo nila Mommy at malalamang andito ako." Malumanay kong sabi.

Nagsiyukuan silang lahat bilang tanda ng pagsang ayon.

"Hindi niyo kailangang gawin iyan kung hindi nakikita ni Mommy." Sabi ko na tinutukoy ang kanilang pagyuko.

Nakita ko ang nagtataka nilang mga mukha bago bumalik sa paglilinis.

Malamang hindi sila sasang-ayon, malalagot sila kay Mommy.

Ewan ko ba don, hindi naman sila siguro binayaran para yumuko yuko sa harapan ko. OA!

Nakita ko ang paglabas ni yaya mula sa pintuan ng storage room, sinalubong niya ako at iginaya papunta sa kung saan.

"What's wrong?" Tanong ko habang siya ay hinihila ako papuntang parking lot.


~purple_sephoraz ♡

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW, SUPER THANK YOU!

© All rights reserved 2020-2021 by purple_sephoraz ♡

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Remember"Where stories live. Discover now