CHAPTER II:

4.2K 92 2
                                    

"Nay, ano po ba ang nangyayari sa ating bayan? Totoo kayang aswang ang pumapatay sa mga kalalakihan?" Ang tanong ni Aling Glenda sa Inang si Remedios nang kagagaling niya sa Simbahan.

"Nagbalik siya." maikli nitong sagot.

"Ho? Sinong nagbalik, Lola?" nagtatakang tanong ng Apo nitong si Maricel.

"Hindi pa rin siya natatahimik." kumunot ang noo ng mag-inang Glenda at Maricel sa mga sinasabi ng matanda.

"Matulog na tayo, 'Nay." pinutol na ni Glenda ang pagtatanong sa Ina at niyaya nalang niya itong matulog baka saan na naman aabot ang imahinasyon ng ina nasa harap pa naman nito ang kanyang mga anak. Marami na kasi itong naikukwento sa mga bata na kung anu-ano at ayaw na niyang dagdagan pa ang takot ng mga anak dahil sa pangyayari sa kanilang bayan ngayon.

Minsan na din nitong naikwento sa kanya noon ang tungkol sa kanyang kaibigan ngunit di niya ito pinaniniwalaan dahil baka bunga lang ito ng katandaan ng ina.

"Nga pala 'Nay, pinapasabi ni Padre Damasu na baka makakadalaw daw siya ngayong linggo." pag-imporma ni Glenda sa Ina.

"Alam kong dadalaw siya at kakailanganin niya ako, Glenda." ang sagot ng Ina na nagpakunot ng noo ni Glenda pati na rin ng mga anak nito.

"Nay, ano bang pinagsasabi niyo?"

"Alam mo ang ibig kong sabihin, Glenda. Pero ayaw mong intindihin at paniwalaan." anang matanda na nakatitig lang sa kawalan.

"Tama na nga 'yan, Nay. Magpahinga ka na." kinakabahan si Glenda sa mga pinagsasabi ng ina. Paano nga kung totoo ang mga haka-haka? "Hindi! Mali! Tama si Pareng Caloy isang adik lang ang namamaslang." pagkukumbinse ni Glenda sa sarili.

"Nay, ako na po ang maghahatid kay Lola sa kwarto niya." pagpresenta ni Maricel.

"Sige, anak. At matulog ka na rin pagkatapos ha?" ang bilin ni Glenda sa anak.

"Carlo! Jimmy! Sa kwarto na! Tama na yang pagdo-DOTA niyo!" saway ni Aling Glenda sa dalawang anak.

"Tatapusin lang namin 'to, Nay! Para maging magaling na kaming makipaglaban." si Carlo.

"Oo nga naman, Nay! Ayaw niyo noon kami ang makikipaglaban sa Aswang." biro naman ni Jimmy.

"Hindi 'yan ang dapat niyong nilalaro! Ito oh, 'yong Zombies!" napatawa ang mag-iina. Nahawa na rin kasi si Aling Glenda sa paglalaro ng dalawang anak.

"Wala ng lalabas ah. Dumidilim na." paalala ng Ina sa mga ito. Naalala niya ang sabi ni Padre Damasu, "Naniniwala ka man o hindi ang dapat gawin ay mag-ingat na lang". Nababahala din siya sa mga nangyayari lalo na't mga binata na ang kanyang mga anak. Iniwan na niya ang mga ito at pumanhik sa kanyang kwarto.

"Bro! Tingnan ko muna 'yong motorsiklo ko ah. Baka di ko nai-kadena." paalam ni Jimmy sa kanyang Kuya.

"Uy! Sabi ni Nanay wala ng lalabas!" pasinghal na sabi ni Carlo.

"Ang Adik mo din, Pare ano? Kalalaki mong tao, natatakot ka? Kuya naman, mas matanda ka pa sa akin ang laki mong duwag!" turan ni Jimmy na nagpainit sa bunbunan ni Carlo at napatayo ito.

"Hindi ako duwag! Nag-iingat lang!"

"Saan? Sa aswang kuno? Eh pag nakita ko 'yon papatikmin ko siya ng ibang klaseng putahe ng Diyos o di kaya tuturaan ko siyang maglaro ng Zombies kagaya ni Nanay! Hahahaha!" ang tatawa-tawang sagot ni Jimmy sa kapatid.

"Umalis ka nga sa harapan ko! Get lost!" nagtimpi na lang si Carlo sa mga pinagsasabi ng kapatid baka magkasakitan pa sila 'pag di siya nakapagpigil. Di nga nakinig si Jimmy sa kapatid at lumabas pa rin ito sa Garahe ng kanyang motorsiklo.

ZAIRA: Ang Mapiling AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon