TAONG KASALUKUYAN:
Sa isang bayan ng Capiz; tahimik, payapa ang mga gabi. Walang kinakatakutan. Walang ipinag-aalala sa gabi. Malaya ang mga mamamayan sa pagliliwaliw.
Bilog ang buwan! Na kaysarap tingnan ang sinag nitong nakapalibot sa kanya. Ang liwanag nito ang naging ilaw at gabay ng mga mamamayan sa pag-uwi sa kani-kanilang tahanan.
Sa bawat kabilugan ng buwan may iba't-ibang nilalang na nasa paligid lamang. Maging mapagmasid dahil sila ay nandiyan lamang at nakamasid at naghahanap ng tiyempong makahasik ng kanilang kasamaan.
Mag-ingat at baka sa isang iglap lamang sila'y nasa iyo ng harapan!
+++++++++++++++++++++++++++++
Busy at masaya ang mga mamamayan ng Cuartero, Capiz dahil sa Pagdiriwang ng Fiesta sa Bayan.
Masayang nagku-kuwentuhan ang magbarkadang Dennis at Robert habang naglalakad pauwi, kagagaling lang nila sa Pasayaw na sponspored ng Youth Council Movement ng Bayan. Isang SK President ng kanilang Baranggay si Dennis at kagawad naman niya si Robert kaya isa sila sa naatasang mamahala sa Pasayaw. Malalim na ang gabi ng sila'y matapos sa mga naiwang ligpitin sa Hall na pinagdausan nito.
"Ang lagkit ng tingin mo doon sa isang chicks, Pare ah!" pagbibiro ni Robert kay Dennis.
"Eh, ikaw din naman ah! Naglalaway ka nga eh. Nakita mo naman 'yong suot di ba? At ang legs, Pare! Mala-Porcelana sa kinis." di naman nagpatalo si Dennis.
"Oo nga eh. Pero hanggang tingin lang tayo eh. May gwardiya sibil kasi." dismayadong turan ni Robert na ang tinutukoy nitong gwardiya sibil ay ang nobyo ng babaeng pinag-uusapan nila.
"Wala 'yon, Pare! Just wait and See! Wala pang umaayaw sa karisma ko." pagmamayabang ni Dennis. "Tingnan mo'to? Who can't resist this?" dugtong nito sabay binuksan ang kanyang damit at pinakita nito sa kaibigan ang matipo nitong katawan at ang nagtitigasang pandesal nito.
"Hindi diyan nasusukat ang pag-ibig, Pare!"
"Weee? Di nga, pero plus factor na rin kung meron ka nito."
"Ewan ko sa'yo. Diyos ko ang hangin!" ang turan ni Robert na ikinatawa nilang dalawa.
"O ayan oh, Wind Shield." ang ganti naman ni Dennis na binigay pa dito ang isang "TALAKUDONG" na napulot niya sa daan.
"Uy dito na lang ako, Pare! Mauuna na ako. Next time ulit." paalam ni Dennis ng mapansing narating na niya ang daang paliko sa kanilang tahanan.
Medyo nasa looban pa ang kanila, madadaanan pa niya ang masukal na daan. Mayayabong na talahib ang sa paligid na nagpapadilim sa daan.
Nakangiti siyang naglalakad dahil naaalala niya ang nangyari sa diskuhan nang bigla siyang makarinig ng kaluskos at di pangkaraniwang tinig.
Kinabahan at nanindig ang kanyang mga balahibo. Medyo binilisan ang kanyang lakad, malayo-layo pa naman ang kanilang tahanan. Paghinga ng malalim at taimtim na panalangin sa kanyang isipan ang kanyang ginawa dahil sa kakaiba ang kanyang nararamdaman.
"Uy, Pare! Huwag mo nga akong takutin diyan!" Sigaw ni Dennis para malihis ang kanyang takot. Inisip na lang niya na ang kaibigan nga niya ito. Kumaripas siya ng takbo ngunit ganun pa rin mas lumalapit pa ang nag-iingay sa kanyang likuran. Nilakasan niya ang kanyang loob at hinarap niya ito. Ngunit laking gulat niya nang wala naman siyang nakita.
"Ay Lintik!" napamura siya dahil sa inis. Niloloko ba siya ng kanyang guni-guni at tinatakot lang siya ng kanyang sarili?
Nagpatuloy siya sa paglakad at ang kaluskos ay sumusunod pa rin sa kanyang likuran.
![](https://img.wattpad.com/cover/2575046-288-k38444.jpg)
BINABASA MO ANG
ZAIRA: Ang Mapiling Aswang
TerrorA Horror-Drama-Comedy Story of Love, Friendship, Revenge and Trust in God... Isang kwentong bungang-isip that shows how people would react or believe if they've heard about "Aswang" nowadays... Ginamit ko lamang ang lugar na nabanggit dahil sa aking...