Kapag nag momove on ka, ano bang pinaka mainam na gawin?
Magpakabitter? Iwasan at kamuhian ang taong minahal mo't ibigay sa kanya lahat ng sising pwede mong masumbat?
Oh, come on. Kapag nagawa mo ba 'yan magbabago bang lahat? Kasi narealize ko kung gaano ako nagmukhang tanga sa inaakala kong 'moving on stage' ng forever 'one-sided' love story ko.
Moving on, like learning, is always a painful process. Now I know kung ano ba talaga ang kahulugan ng bawat katagang nasa kasabihang iyan.
Nagpakabitter nga ako, oo. Hindi ako nagparamdam sakanya, oo. Inakala kong mamimimiss niya ang pagkawala ko, oo! Pero sa bagay ding iyon hindi na naman gumana ang utak ko. Hindi ko man lamang naisip o naitanong sa aking sarili kung sa kabila ba ng lahat ng pag iwas at pagpapakabitter ko ay ni isang porsyento ba ng kanyang pagkatao ay napapansin ang unti-unti kong paglayo? Namimiss niya rin ba ako?
Eto isang masamang balita, hindi.
Kay sakit isipin, ano? Na single ka na nga nasasaktan ka pa. Ang mas masaklap, hindi pa niya alam na siya ang dahilan ng bawat pag iyak at hikbi mo. Hindi niyavrin alam na winasak na niya ang puso mo bago pa niya mapansin.
Noon, pinagtatawanan ko lang ang mga kaibigan at kakilala kong umiiyak dahil nasasaktan sila. ' Bakit ka pa nagmahal kung sasaktan ka lang rin naman nila?' isip ko.
Hindi na nga rin bago sa pandinig ko ang salitang move on. Palibutan ka nga naman ng mga kaibigang puro may lovelife, ano?
Karaniwang sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na huwag na daw umasa. Dahil kawawang kawawa daw ako kapag nagkataon.. Tawa naman ako ng tawa. E paano ba naman kasi? Para namang may balak pa itong puso kong umibig? Eh by just looking at how they handle love affairs nakakatindig balahibo na, eh. Kaya kakampi ko si trauma dyan.
Never kong binalak na maulit ang nangyari saakin noon. Noon? Yung nagmahal ako tapos wala. Nasaktan. Haha! Ayoko na. Sakit eh. Pero kapag ang puso nga naman talaga ang kumilos, hindi mo na ito makokontrol, hindi ba?
Walang hiya, ang puso kong matagal na natutulog ay biglang nagising dahil sa isang nilalang na hindi ko kailanma'y naisip na mahalin.
I mean, okay? Iibig ako ulit, pero bakit siya? Magkaaway kami to the bones pero bakit siya?!
Ang ironic naman ng buhay ko? Minsan na nga lang ako pumapag-ibig, sa isang walang modo, arogante, hambog, manyak, manhid pang tulad niya? Eh puro panlalait nga lumalabas sa bibig niyan, eh. JUSMIYO.
Actually matagal na kaming magkakilala nitong taong 'to. Grade 2 palang ako kilala na niya ako. Hanggang sa naging magkaklase kami sa high school. Buang din ang isang yun, eh. Lahat ata ng magandang babae sa eskwela'y kanyang popormahan. Well, boys are boys.. Tss
Yes, classmates kami. Hanggang sa tumagal ng tumagal naging groupmates, naging seatmates, at ipinagkakanulo na kami sa klase. At ako naman, kunyari hindi affected eh sabog na sabog na puso ko sa kilig. Pwede ba?
Hindi nya yun alam. Syempre hindi ko sinabi. Takot kasi ako. Ganyan naman siguro lagi e. Palaging nauunahan tayo ng takot kaya minsan ay mahirap panindigan ang gagawing desisyon dahil alam nating walang kasiguraduhan kung saan papatungo ang kaakibat nitong kapalit.
In every action, there will always be an equal and opposite reaction. Ika nga.
And sa hindi ko malamang dahilan, nagising nalang ako isang araw nang makumpirma kong hindi na tama ang nararamdaman ko. Palaging may kung anong nagwawala sa aking tiyan tuwing ngumingiti siya saken o tumatawa. Nahihiya akong tignan ang kanyang mga mata na para bang ako'y naiilang na. Tuwing recess, nahuhuli ako ng bestfriend kong sinusulat ang pangalan niya sa likd ng aking kwaderno't may pangiti-ngiti pang nalalaman. Retarded, maybe?
BINABASA MO ANG
Moving on.
RomanceMoving on is always a painful process. Lalo na kapag ikaw lang naman talaga ang nagpapahalaga sa inyong dalawa.