WALANG NAGAWA si Carissa kundi ang katagpuin si John matapos ng duty sa work. Pagod pero pinilit magbihis dahil baka mahalata nitong wala siyang amor sa pagkikita nilang iyon. She suppose to be excited and happy dahil sa apat na buwang pagkakawalay rito mula ng huling bakasyon sa kanila.Sinuot ang dress na ginamit pa niya noong huling gathering ng kompaniya niya. Kahit papaano ay napangiti nang isuot ang red mini dress na iyon. Nilugay ang palaging nakataling buhok. Sa trabaho ay kailangan kasing nakatali ang buhok lalo na kung nasa field.
Napangiti siya nang makita ang replika sa salamin nakangiti ang labi pero malamlam ang nga mata. Gustuhin man niyanv maging masaya sa piling ng kasintahan pero hindi lubos. Tila kasi may pader sa kanilang pagitan mula nang puntahan siya at pagsabihan ng mama nito na hindi siya nababagay sa anak nito. Sabagay, tama ito. Langit ito at lupa siya, lalong nalublob sa putikan sa sitwasyong kinasasangkutan.
Magapos mag-apply ng konting make up ay kinuha ang kaniyang handbag. Hawak iyon dahil wala naman itong pamitbitan o sling. Nilagay ang kaniyang nakapatay na cellphone, pera at lip gloss.
Pagbaba ng taxi ay napasinghap pa siya. Mukhang mamahalin ang resto bar na iyon. Bumuntong hininga bago tinungo ang gusali at nakangiting binati siya ng mga receptionist.
"May reservation po ba ma'am." Tanong nito. Agad namang binigay ang pangalan ng kasintahan at giniy siya kung nasaan ito.
Pagtingin sa tinuro ng waiter ay mabilis itong nakita. Halos lahat ng mga naroroon ay magkapareha.
"Good to see you hon, how you doing. You look so lovely?" Ngiti ni John sa kaniya nang makapalit siya sa mesa nito.
"Thanks hon, so how long will be your conference? How's Mindoro?" Turan dito na pilit pinapasigla ang boses.
"It was good. Everything is fine. Well, the conference will be lasted a week. So, hopefully we have chance to be together." Wika nito.
Bigla at napasinghap sa narinig. "Are you alright hon?" Untag nito.
"Yes hon, I'm good.." gagad dito. Saka pilit ngumiti. Hinawakan nito ang palad.
"I know, you have lots of problem in your shoulder. Let me help you.." anito.
Binawi ang kamay niya. "Alam mo namang ayaw sa akin ng mama mo. Kapag nalaman niyang tinulungan mo ako lalo na sa pinansyal na aspeto baka sasabihin na niyang—." Putol niya nang nakamaang ito. She felt sorry, ayaw niya namang husgahan ang ina niyo pero iyon kasi ang nakikita rito. "Sorry.." hingi nang paumanhin at tinikom na lang ang bibig.
"I'm sorry if you judge mom like that hon, I know she doesn't like you but as I told you. I love you and I can fight for that." Dagdag nito.
Tumitig siya kay John. Guwapo, mabait at tanggap kung sino siya. Ano pa nga bang hahanapin niya rito pero masakit lang dahil kapag siya ang pinili nito ay kapalit noon ang pagtakwil ng magulang nito bagay na ayaw niyang mangyari.
DUMATING na lahat ang inorder niya at napangiti si Tristan ng tila na-turn off ang babaeng nasa harapan. "Thanks.." ngiti sa waitress na nagbigay ng order niyang huli.
"Enjoy your meal sir.." ngiti rin bg babae.
"Yeah, sure." Game na turan dito. Tiyak na matatawa ang mga kaibigan kapag ikukuwento ang blind date niya dito.
Parang gusto niya tuloy matawa sa hitsura ni Clarisse habang maganang kumain pero naalala si Carissa. Agad na nilingon ang kinaroroonan ng mga ito at nakitang hinawakan ng lalaki ang palad nito. Sa hitsura ng lalaki ay mukhang mahal na mahal nito ang babae. Hindi makita ang reaksyon nito dahil nakatalikod ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER BOSS: TRISTAN The Logistic Tycoon
RomantikHappy go lucky kind of guy. He embrace himself being single. But when she lost hundreds of thousand on his business. He became serious to find out who beyond his lose.