everything looks perfect....
masasabing dream wedding na ito ng sino mang babae... pinagkagastusan ng husto.. from gown to everything...
"roni anak im so happy for you... finally ikakasal ka na..."-mommy marite
ngumiti lang si roni sa mommy niya..
"why anak are you ok..?"-mommy
"yes mom im ok..."-roni
"ganyan talaga anak kapag ikakasal na, you felt nervous, and everything.. i also feel the same nung ikinasal ako...all you have to do is relax and have a beautiful sleep tonight para bukas paggising mo maganda ka ok.... sige na anak tulog ka na ha... punta na din ako sa kwarto namin ng daddy mo...have a goodnight sleep anak...."-mommy
"sige po mommy goodnight..."-roni
pagkaalis ng mommy ni roni ay agad niyang kinuha ang bote ng alak na itinago niya sa ilalim ng kama...uminom siya sa biranda ng hotel habang tulala at nag iisip.... hindi niya mapigilang maiyak sa sitwasyon na kakaharapin niya kinabukasan...
sabi ng isip ni roni kailangan niyang magpakasal dahil kung hindi itatakwil siya ng buong pamilya niya, pero sabi ng puso niya hindi niya talaga kayang mahalin si basti at makasama habang buhay...
si basti ay anak ng isang mayamang pamilya na kaibigan ng mommy at daddy niya... and they already fixed their marriage... bata pa lang sina roni at basti ay pinagkasundo na sila ng mga magulang nila para sa isang kasal...para kay basti wala na siyang mahihiling pa, roni is such a perfect girl for him.. pero para kay roni basti does not deserve to be her husband....
"ayoko na...."-mahinang sigaw ni roni habang nasa biranda ng hotel at umiinom ng alak
"i dont want to marry basti...i dont love him, i even dont need his money..."-sambit ni roni at tila lasing na ito
maingat na pumasok sa kwarto niya ang bestfriend niyang si yuan...si yuan ang tanging kaibigan niyang bakla na lubos na nakakaalam ng lahat tungkol sa kaniya na kahit pa utot niya ay alam na alam ni yuan.... inabutan ni yuan na lasing na lasing si roni at nakahandusay na sa sahig sa may biranda...
"baks ano ba yang ginagawa mo.... buti hindi mo pa naisipang tumalon dito... gaga kang bakla ka sasabunutan kita eh..."sambit ni yuan kay roni habang inaalalayan niya iyo na muling makaupo...
"baks ayoko na... sana nga tumalon na lang ako dito...."-sambit ni toni habang umiiyak ito
inayos ni yuan ang buhok ni roni at ang damit nito...
"baks ano ka ba big day mo na bukas... the world is waiting for this wedding... bakit ka ba nagkakaganyan...?"-yuan at inagaw niya ang bote ng alak na hawak ni roni sabay inom
"baks alam mo naman di ba simula umpisa pa lang ayoko na kay basti... hindi ko siya mahal..."-roni
"oo nga baks alam ko yun, pero di ba simula pa lang din pinayuhan na kita turuan mo ang puso mo na mahalin si basti...kasi wala ka naman choice eh..."-yuan
"may choice ako kung ako lang ang masusunod, pero dahil mahal na mahal ko ang parents ko at ayaw kong masaktan sila tinitiis ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon para lang hindi ko sila masaktan... alam mo i really tried hard para turuan yung puso ko na mahalin si basti kahit konti dahil akala ko in time mararamdaman ko yung love for him pero hindi eh, sa araw araw na magkasama kami preparing for this wedding wala talaga eh.... hindi ko kaya.... kaibigan lang talaga ang turing ko kay basti....mas mahal pa nga kita kesa kay basti baks eh.... pwede bang tayong dalawa na lang ang magpakasal? papakasalan mo ba ako? kaya mo bang tumayo sa gitna ng altar bukas at sabihing itigil ang kasal dahil ikaw ang dapat kong pakasalan..."-roni habang tulala ito at nasa malayo ang tingin