O15

184 12 2
                                    

D O N G H Y U N

"babe, let me expl─" i cut her off, mag-eexplain pa sya eh halata naman na niloloko nya na ako

"i don't need your fucking explanation lara!" tinanggal ko ang kamay nya na nakakapit ngayon saakin at umalis

Hinawakan ko ang dibdib ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Tangina, yung isang taon namin pinagsamahan nasayang lang tapos malalaman ko pa na 5 months nya na ako niloloko sa iba't ibang lalaki

Kaya pala di nya saakin pinapahawak yung lintek nyang selpon kase may nilalandi syang iba.

Umupo ako sa bench ng school garden namin at umiiyak ng tahimik. I still remember the day nung sinagot ako ni lara, sobrang saya ko nung time na yun.

Bakit ba ko na-inlove sa kanya? well,maganda sya, milky yung skin nya, yung height nya average lang at maganda ang kurba ng katawan. Maporma sya, lahat ng susuotin nya bagay sa kanya.

Once in a week kami nagd-date, ako lagi nagastos, syempre, mahal ko eh. Lahat ng gusto nya binibigay ko, mahal man o mura basta gusto nya pero dahil mahal na mahal ko sya, sinusunod ko sya.

Naalala ko nung nag 1st anniversary kami noon, gusto ko sana na sya ang makakuha ng first kiss ko kase pangako ko sa sarili ko na pag nahanap ko na ang the one ko tapos one year na kami, sa kanya ko ibibigay ang first kiss ko ang kaso, umiwas sya nung time na yun. I admit it na na dissapoint ako that time pero dahil anniversary naman namin, pinalagpas ko ito.

Di ko na rin namamalayan na marami nang luha ang lumalabas saaking mga mata. Tangina, sobrang sakit.

"punasan mo, eto panyo oh" napatingin ako sa panyo na nasa harapan ko ngayon bago tumingin sa nag-aabot

kapatid ni hyung.

J A R A

Naglalakad ako sa hallway ngayon kasama si Maddie at Wonjun, yung magkambal

Kanina pa sila nagbabangayan dito dahil lang sa pizza kanina na naubos ni Wonjun at di daw nakakain itong si Maddie, di ko nalang ito pinansin at naglakad nalang

Habang naglalakad, may nahagilap ang aking mata sa school's garden, tinignan ko ito nang maigi pero di ko masyado itong mamukhaan

"Maddie, Wonjun, mauna na kayo ah? may pupuntahan lang ako" di ko na sila hinintay sumagot dahil di naman nila ako napansin

Naglakad ako papunta sa kanya at may narinig ako sob sakanya, ok lang kaya sya?

Kinapa-kapa ko ang aking uniform para mahanap ako aking panyo at yun, nakita ko naman. Agad ko itong kinuha at pumunta sa gilid nya para iabot ito

"punasan mo, eto panyo oh" iniabot ko ito sa kanya, nakita ko naman na napatingin sya dito at tumingin saakin

wtf─

Nanlaki ang mata ko nang makita ko sya, di ko inexpect pero bakit ganon? umiiyak na nga sya pero.. pero bakit ang gwapo padin? ok stop na.

"s-salamat" kinuha nya sa kamay ko ang panyo at ipununas ito sa pisnge nya at mata

Umupo ako sa tabi nya at tumingin sa kawalan, di ko pa kasi nararanasan na iwanan eh wow ah? kaya di ko alam kung paano ko sya ic-comfort.

"m-minahal ko naman s-sya ah? pinaramdan k-ko n-naman yun eh, bakit─bakit nya ako n-niloko?" nagulat ako dahil doon at napatingin sa kanya, mahal na mahal nya talaga si lara noh? sana ko nalang si lara para mahalin nya rin ako ng ganon─charot.

alinlangan kong hinawakan ang kanyang likod at hinimas ito,nakaka-awa naman toh

"cried it loud o kaya sumigaw ka, wala naman makakarinig sayo dito eh, ako lang" di na sya nag-alinlangan pa, tumayo at nagsimula ng sumigaw

Napatayo naman ako dahil doon, tinignan ko lang sya habang sumisigaw, sabihin man ng iba na parang ang bakla naman non pero for me? ideal ko ang mga ganon

Nakita ko naman na nanghihina na sya kaya nilapitan ko sya at niyakap, di ako chuma-chansing kaya shatap.

Nagulat naman ako nang niyakap nya ako pabalik, ramdam ko naman na may basa na ang aking damit pero di ko nalang ito pinansin at hinayaan nalang syang pagnasaan─i mean basta yun.

Ilang minuto din ang lumipas at tumigil sya, kinalas nya ang pagkayakap saakin at hinarap ako saby punas ng luha nya

Ngumiti sya saakin, kita ko naman na may halong lungkot ito

"Salamat, Jara Cho"

type : keum donghyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon