First Part

519 14 1
                                    

Jizelle POV

Nandito ako sa lugar kung saan kami unang nagkakilala ng taong minahal ko ng sobra sobra. Bumalik ako dito dahil eto na naman yung feeling na miss na miss ko na siya.

Sana maibabalik ko pa yung oras kung kailan hindi ko hinayaan na sukuan mo ako. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga. Hayss.

"Love?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses. Matagal na nung huli ko itong marinig.

"Love? Jizelle."

Ganun na lang ang mabilis na paglingon ko at pagpatak ng mga luha sa mata ko ng makita ko siya. Si Jasper. Yung lalaking minahal ko.

"J-jasper." Mahinang tugon ko. Napatitig ako sa kanya hindi ako makapaniwala.

Ganun na lang ang gulat ko ng yakapin niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang mga luha niya na pumapatak sa balikat ko. Hindi ako makagalaw.

"Sorry jiz. Sorry for leaving you." Bulong niya. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at saka kumalas sa pagkakayakap niya. Lumayo ako ng bahagya at tumingin sa mga mata niya.

"B-buhay ka pala. Bakit? B-bakit ngayon lang?" Mabilis na nangilid ang luha sa mata ko matapos kong sabihin sa kanya. Natigilan siya at napatitig sa mga mata ko kaya nag iwas ako ng tingin.

"5 years na ang nakalipas s-simula ng malaman kong wala ka na. D-durog na durog ako nung oras na yun. Ang sakit s-sakit sa akin na matapos mong makipag h-hiwalay saka ko mababalitaan na w-wala ka na? Tapos ngayon nandito ka sa h-harapan ko." Pagpapatuloy ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko inilagay niya yun sa pisngi niya.

"Jizelle, sana mapatawad mo ako. Sobrang sakit din sa akin na makipag hiwalay sayo. Nung oras na papasok ako ng seminaryo wala akong maisip na paraan para masabi sayo dahil alam kong hindi mo ako hahayaan na pumasok dun kaya---"

"Kaya n-nakipag-relasyon ka sa iba?" Tumingin ako sa kanya naka kunot na ang noo niya.

"No. Hindi ganun jiz. Oo, naka status sa fb yun pero di kita p-pinagpalit. L-love, nagawa ko lang yung bagay na yun d-dahil hindi ko kayang m-makipag hiwalay sayo." Garalgal na sabi niya. Inalis ko ang kamay ko na nasa pisngi niya.

"Ah k-kaya ganun kadali sayong s-saktan ako? Mata-tanggap ko pa kung sinabi mo sa akin yung totoong d-dahilan eh. Napakatanga mo jasper! Alam mo ba kung anong p-pinagdaanan ko nung n-nawala ka?" Humihikbi kong sabi.

Tuloy tuloy ang luha sa mga mata ko natakpan ko ang bibig ko para pigilan ang maliit na tono sa boses ko.

"Bakit? Akala mo ba madali lang ang mga pinagdaanan ko? Jizelle, halos pinapatay ako kakaisip sayo. Pagka-graduate ko ng kolehiyo hinanap agad kita. Araw-araw akong bumabalik sa mga lugar kung saan tayo dati. Hinahagilap ko ang account mo pero naka deactivate. Lagi akong nakokonsensya sa nagawa ko sayo. Oo, tanga ako! Pero sana naman maintindihan mo! " sabi niya na nakapagpatigil sa akin.

*paaaaakkkk*

Nasampal ko siya. Hindi ko alam pero kusa na lang gumalaw ang kamay ko para gawin yun. Lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok ang dibdib niya.

"Kingina jasper! Araw-araw kitang iniisip. Kada oras tulala ako. Lagi kong iniisip kung saan ba ako nagkulang! Kung ano bang mali sa akin? Kung minahal mo ba talaga ako? Lagi kong sinisisi ang dyos na inilayo ka niya sa akin!" Tumingin ako sa kanya habang sinusumbat ang mga salita na yon.

"Ilan taon akong miserable sa pagkawala mo. Nung nawala ka sa akin isinumbat ng mga kaibigan mo ang lahat!! Sinisisi nila ako sa pagkawala mo." Napaupo ako at napahagulgol ng maipatong ang mukha ko sa mga tuhod ko.

Naramdaman ko ang pag upo niya sa harapan ko.

"G-ginawa nila yun?" Nauutal niyang sabi.

"Jizelle. Sana mapatawad mo ako. Love, please patawarin mo ako." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at itinayo. Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko at niyakap ako.

"Matagal na kitang pinatawad." Bulong ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mga mata ko.


"Mahal mo parin ba ako jiz?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Oo. Hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo. Mahal na mahal pa din kita." Ganun na lang ngiti sa mukha niya ng sabihin ko yun. Matagal na din nung huli kong nakita ang magandang ngiti niya.

"Mahal na mahal pa din kita jizelle. Ikaw lang at wala ng iba." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at tangka akong hahalikan. Agad akong umiwas at lumayo ng bahagya sa kanya.

"Pero marami ng nagbago jasper. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan. May kanya-kanyang buhay na tayo. Kailangan mo na akong kalimutan." pilit ngiti kong sabi sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin jiz?" Nagtatakang sabi niya.

"May asawa na ako. 3 months na akong kasal. Matapos kong grumaduate sa college. Ipinagkasundo ako sa lalaking hindi ko mahal." mapait kong sabi.




---

A/N:

Maiksi talaga yan. One shot nga ehh. Hehe sige ngiti ka na ulit. May last chapter pa yan para happy ending diba? ^_^


EX (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon