Last Part

245 12 0
                                    

Jizelle POV


"May anak na kayo?" Napatingin ako sa kanya. Nangingilid ang luha sa mata niya.

"W-wala. Hindi niya pa ako nahahalikan o nagagalaw man lang. Hindi pa ako handa para doon." Napayuko ako matapos kong sabihin.

Hinawakan niya ang baba ko at iniangat yun hanggang sa magtama ang mga mata namin.

"HAHAHA ok lang sakin Jizelle. Mabuti na lang at buhay pa ang mokong na yan kaya di na ako nahirapan ipahanap yan. Alam ko naman siya ang mahal mo kaya pirmahan mo na 'to." Sambit ng isang lalaki.

Napalingon kami sa boses na nasa bandang likuran ko. Kanina pa ba siya dyan? Pinapanood niya kami? Nilipat ko ang paningin sa papel na iniabot niya sa akin. Divorce paper? Oo, asawa ko ang lalaking kanina pa nanonood sa amin.

"Andrei." Mahinang bulong ko pero sapat na para marinig niya.

"Alam ko Elle. Kaya ganun na lang ang mga pag tanggi mo tuwing tatabi ako sayo. Bago pa tayo ikasal alam nating pareho na hindi natin mahal ang isa't isa. May mahal din ako at gaya mo mahal ko parin siya. Kaya pirmahan mo na para makalaya na tayo pareho. Hehe" ngiting sabi ni Andrei. Hindi pilit ang ngiting yun.

Siya yung lalaking tahimik at masungit. Mayaman din siya at gwapo. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming naiinlove sa kanya ako nga lang ata ang hindi man lang tinablan ng karisma niya. Malayong malayo ang isang 'to kay Jasper.

Napangiti ako kay Andrei at yumakap. Naramdaman ko ang yakap niya sa likuran ko.

"Thank you Andrei." Sabi ko at kumalas sa pagkayakap sa kanya.

"For my love? Handa akong iparaya ka para sa ikasasaya mo. Ayoko naman na nasa akin ka nga iba naman ang gusto mo? Haha sige na baka magbago pa isip ko. Pirma mo na lang kulang dyan at officially divorce na tayo." Ngiting sabi niya.

Oo, ganun kabilis ang proseso ng divorce namin. Kasi sa ibang bansa kami kinasal. Agad kong kinuha ang papel at pumirma doon. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang saya ko.

"I love you Jizelle Yu. I really do but i can't manage to see you sad so i want you to be free from now on." Sabi ni Andrei. Humalik siya sa pisngi ko saka umalis sa lugar kung nasaan kami ni Jasper.


--

Mabilis dumaan ang mga taon. 2 years na kaming kasal ng taong mahal ko. Oo, si jasper. Masasabi kong masaya ang naging buhay ko. Naging perpekto.

Nakapagpatayo kami ng mga kumpanya. Local and International. Sunod-sunod ang success ng business namin.

Ang dalawang anghel na nasa harapan ko ang swerte sa buhay namin. Masaya ako na nagkaroon ng pamilya sa taong minahal ko ng sobra.

"Annyeong Zhane. Annyeong Zhann." Nakangiting bati ko sa twins na hawak ni Jasper. Papalapit ako sa kanila. Humalik naman ako sa asawa ko para di sumimangot haha.


"Nyeong. My." napalingon ako kay baby Zhann. At saka humalik sa pisngi niya.

"Love, ang talino ng mga anak natin oh? Ang bilis mag adopt ng words. Haha" sabi ni jasper na agad kong tinanguan.

"Hehe mana sa akin love." Sabi ko at humalik sa kanya.


--

A/N:

Mapapa sana all ka na lang talaga noh? Wooooohhh buti pa sila may lablyf. HAHAHA choss!

THANK YOU SA LAHAT NG NAGBASA KAHIT TWO PAGES LANG 'TO. HEHE
Sana po suportahan niyo pa din ako.
Salamaaaaat hanggang sa muli huehue ^_^

EX (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon