Sayang Pero Kailangan

10 2 0
                                    

"Uy! Chris! Bakit kailangan mo pang hawakan ang kamay ko? Kaya ko namang maglakad mag-isa." Kanina ko pang tanong sa kaniya. Alam ko namang kaya nya ginawa iyon dahil madaming tao ngayon sa isang night market na pinuntahan namin.

"Syempre naman Sofhia. Sa dami ba namang tao ngayon dito baka mawala ka pa. At saka hindi ka pa ba nasanay? Lagi naman tayong ganito haha." Kung sabagay, totoo naman yung mga sinabi nya.

Sa tuwing maglalakad kaming dalawa sa lugar na may napakaraming tao, lagi niyang hinahawakan ang kamay ko. Pero sa tuwing ginagawa niya iyon, para pa rin akong naninibago. Mayroon pa ring kaunting kilig at saya akong nararamdaman.

"Para namang makakatanggi pa ako e hawak mo na hahaha." Kunwari pang tatawa-tawa kong sabi sa kaniya pero ang totoo ay masaya talaga akong magkahawak kami ng kamay.

"Pwede mo namang sabihin sa akin na ayaw mo o kaya higitin mo na lang ang kamay mo sa pagkakahawak ko." Pwede nga naman. Magsasalita pa lang ako para kontrahin siya pero inunahan na nya agad ako.

"Edi bibita-"

"Para namang hahayaan kong mangyari yun. Baka mawala ka pa sa tabi ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Kinilig ako sa sinabi niyang iyon pero hindi ko ipinahalata. Ngumiti na lang din ako sa kaniya. Natanaw na namin yung madalas naming kainan dito sa night market.

Nakita na rin kami ni manong at kumaway sa amin. Kinawayan din namin siya at dali-daling nagpunta sa kaniyang stand. Bago pa kami makarating doon, nagkatinginan kami at iyon ang naging hudyat iyon para mag-unahan kami sa upuan na abot ng hangin ng electric fan ni manong.

"Hah! Nauna ako. Ang bagal mo kasi hahaha" Natutuwa kong banggit kay Chris.

"Ang daya mo naman kasi. Ang dami kayang nakaharang sa daan." Kunwari pa niyang naiinis na banggit pero kitang kita ko namang pinipigil niya lang ngumiti.

"Kasalanan ko bang masyado kang malaki? Hahaha. Ayos din naman pala minsan na maliit." Wala na siyang magagawa dahil nakaupo na ako. At alam na alam niya na wala akong balak na tumayo pa.

"Hays. Oo na hahaha. Ikaw na naman ang nauna" Nakangiti na niyang sabi. Sabay pa kaming tumawa bago kami awatin ni manong.

"Kayong dalawa talaga. Hindi na kayo nagbago." Tatawa-tawa ring sabi manong. Ganito kasi kami sa tuwing pupunta kami dito. At dahil nga sa madalas kami rito ay kilalang kilala na kami ni manong.

"Syempre naman po Manong Ely. Ang sarap po kayang matapatan ng electric fan. 'Di ba Chris? Hahaha" Pang-iinggit ko pa sa kaniya. Nginitian niya na lang ako na parang sinasabi niyang siya naman ang mananalo sa sunod.

"O sya tama na muna 'yan. Katulad pa rin ba ng dati ang order nyo?" Pagtatanong niya sa amin bago simulang kumuha ng paglalagyan ng pagkain.

"Opo! Isang tig 50 pesos na siomai po para sa kaniya, isang steamed at isang toasted siopao po sa akin at dalawang baso ng palamig." Alam na alam niya talaga ang gusto ko. Sa amin kasing dalawa, ako talaga ang mahilig sa siomai at siya naman sa siopao.

Sayang Pero Kailangan (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon