VEIN'S POV:Ito ako ngayun sa aking kwarto nakahiga pa sa kama...walang ganang pumasok...nakatunganga lang ako sa bintana sabay isip kung ano ang maaring mangyayari ngayung araw hayyysstt😔
*took took*
natauhan ako ng biglang may bumukas sa pinto...akala ko sino si mama pala
"Oh MARLOWE VIEN DE JESUS!!!anong oras na? wala kabang planong pumasok?"mahinahong tanong ni mama
"Ok ma maliligo napo ako pagkatapos kung ligpitin ang kumot ko"padabog kong sagot
"Oh sya sige lalabas na ako para i-prepare ang almusal natin,pakigising nadin si bunso nak para sabay sabay na tayung kakain"may awtoridad na sabi ni mama
"ok ma" mahinahong kong sagot ni mama
bago ako tumayo galing sa akong higaan chineck ko muna cellphone ko upang tingnan kong anong oras na.....nasa 5:45 pa naman ito hayssst ang aga-aga pa 7:30 panaman ang in namin hayysstt...pinuntahan ko muna ang kwarto ng kapatid ko upang gisingin ito
*Took toook*
binuksan ko ang pinto dahil hindi ito naka-lock at agad kong ginising ang napaka-cute at napakabata kong kapatid na si DEI YANNA ELISSE DE JESUS but you can call her DEI hehehe😂at nadito ako sa tapat ng cabinet nya kung saan ang kabila nito ay ang banyo nya..
"Bunsoooo??" mahinahon kung banggit sa kanya...ngunit hindi parin nagising ilang yug yug at ilang sambit ko na sa pangalan nya ayaw parin gumising hayst ang aga-aga na e-stress na ako sa batang to haysst
"Bunssssooooo!!!!!"pasigaw na sambit ko sa kanya sabay yugyug pero hindi parin gumising sarap buhusan ng tubig
ahhh may naisip akoo
hmmmmpp🤔 pumunta ako sa banyo at kumuha ng isang tabong tubig para ibuhos ko sa kanya kasi kahit anong gawin ko para magising lang siya hindi parin gumising ehh grabi talaga tong batang to makatulog wagas haaayysst"DEI YANNA ELISSE DE JESUS!!"pasigaw kung sambit sa buong pangalan nya para magising sya ngunit hindi padin umimik...
"ah hindi ka gigising ahh pwess dyan ka maligo sa kama mo"inis na sambit ko sa kanya sabay buhos ng tubig sa katawan nya upang magising sya....at ngayun gulat na gulat sya at mukhang galit hahahah wala na akong pake kung anong eksprisyon nya ahahahah
*whoossh*
at mabilis itong napatayu sa gulat hahahah
"whh-aa-hh ang lamig a-ate n-naman e-hh natutulog yung tao ohh h-hindi ka man l-lang marunong manggising ng maayos sa tao???a-ano kaba ate p-panira ka ng araw huhh!!!!"nauutal na sigaw nya nananlalamig sa kinatatayuan nya😂at diritsong kumuha ng tuwalya at pumasok sa kanyang sariling CR
"Sooo wowww dei ikaw patong galit ikaw patung ginising ng maayos hindi mo ba alam na kanina lang kita ginising hindi ka padin nakikinig,Kahit ilang yug yug kuna sayu hindi ka padin gumising...eh anong dapat gawin sa batang matagal gisingin ide buhusan ng napakalamig natubig para magisning diba effective?hhahah"inis kung sabi sa kanya at pasigaw na sambit upang marinig nya
*kwarto*
pagkatapos kong maligo ay dumiritso akong pumasok sa kwarto ko upang magbihis,tiningnan ko muna kong anong oras na 6:28 na pala hayssttt sigurado akong malelelate ako nito....pagnalate ako humanda talaga sakin yang bunso nayan....dali-dali kong sinuot ang uniform ko pagkatapos ay ang school shoes ko tapos bri-neyd ko muna buhok ko ng dalawa,so kibali bri-neyd ko ang buhok ko ng dalwang piraso tapos nilagyan ko nga bangs kaunti lang para hindi kita yung noon ko hehheeh pagkatpos ay bumaba na ako para kumain at nakita ko sina papa,mama,at ang nakakainis kung bunsong kapatid sa lamesa kaya umupo ako sa upuan ko katabi ko ngayon si papa sa kaliwa tapos si mama sa kanan as usual nasa harap kuna naman yung demonyita kong kapatid at nakatingin sya sakin ngayon na para bang babalatan nya ako ng buhay hayystt
"Mga anak ito yung kaunaunahang pasok nyo sa school papakabait kayu dun huh first day of school pa naman"may awtoridad na payu ni mama sabay subo ng kanin
"anak ayusin nyo pag-aaral niyo huh para paglaki niyo ay hindi kayo kagaya ko na isang jeepney driver lang"malumanay na sabi ni papa
kahit ganyan lang trabaho ni papa ay napalaki nya kami ng maayos walang labis walang kulang...at nakukuhaan din namin ng aral ang sitwasyon namin ngayun at balang araw ay magsisipag akong mag-aral upang makakuha ng professional na trabaho para ako nanaman ang mag-aalaga sa mga magulang ko😊dahil alam ko naman na hindi sapat ang kahirapan upang sumuko sa buhay isa lang itong obstacles para i-test ang ating sarili kung gaano tayo katatag at isa rin itong motivation para sa ating lahat....
pagkatapos naming kumain ay dumiritso ako sa lababo para magtoothbrush pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko upang maglagay ng kaunting palamuti sa mukha ko at naglagay din ako ng kunting liptint sa cheeks ko at sa lips pagkatapos ay bumaba na ako at nagpaalam kay mama
to be continue.....
