Masustansya ang talong mo kuya!

1K 9 3
                                    

Dahil sa lockdown na lumaganap sa buong kamaynilaan, mas pinili ng mga magulang ko na magpa-angkat ng mga gulay doon sa nauusong
" mobile palengke "

Habang naghihintay sa magdadala o magdedeliver samin ng mga gulay ay matiyaga kaming nakaabang sa labas.

Beep!

Busina ng isang traktora at mukhang nariyan na ang mga gulay na handang ihatid sa'min.

Nagsimulang mamuo ang pawis ko nang malaglag ang panga ko dahil sa bumabang drayber, napaka-mestiso nito at bagsak ang kaniyang buhok!

Bumagay sa kaniya ang buhat niyang mga talong at inilapag sa harap namin kaya bago pa tumalikod ito ay pasimpleng bumungad ako at ngumiti siya ng makita ako.

"Wow, ang dami namang talong."

"Ah oo, ganiyan din kasi karami ang binili ng nanay mo."

Tugon niya na itinuro pa ang abala kong ina sa pagpapasok ng gulay. May namuong kalokohan ang naisip ng makulit kong diwa.

"Alam mo sa lahat ng gulay na hinatid niyo, iyong talong mo ang pinakagusto ko."

Pang-aasar ko, dahilan para maasiwa siya.

"G-ganon ba?"

Napahagikhik ako ng makita kong namumula ang kaliwang tenga niya, iba yata naiisip nito.

"Iyang talong mo kahit mahaba at mataba, masarap at malinamnam iyan kapag niluto!"

"H-ha?"

"Masustansiya ang talong mo kuya!"

Nanlaki ang mata niya sa mga tinuturan ko at waring di makatingin sa'kin.

"T-teka, sigurado ka bang nasa talong ang pinag-uusapan natin?"

Tila kinakabahan niyang tanong kaya medyo natawa ako.

"Ano bang talong ang gusto mong pag-usapan natin? Yong talong na gulay mong  kinakain ba o yong talong mo na nasa gitnang ibaba?"

Napaiwas siya ng tingin saka tumalikod.

"S-sabihin mo sa nanay mo yong bayad kamo niya, aalis na'ko at baka kung saan pa mapunta usapan natin!"

Sigaw niya at iniwan akong nagpipigil ng tawa.

TOTOO NAMAN HA, MASUSTANSIYA ANG TALONG MO KUYA!

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon