Tama ng tiktok

688 7 1
                                    

Dahil katapusan ngayon ng march, wala kaming klase sa lahat ng subject at sadyang para sa attendance lang ang ipinunta namin dito, o di'ba ang weird?

Lahat kami dito, may mga sari-sariling mundo. Akala mo yong iba mga pumasok sa lucid dream, nilalamon na sila ng kinaadikan nila.

Naalala ko nga palang may data pa pala ako dito sa phone at since tiktok ang nakahiligan ko, aba'y mag-uupload na'ko ng mga videos ko.

Habang pinapanood ko ang mga videos ko sa tiktok, puro patama at hugot with matching background music nang biglang sumilip si Edric sa pinagkaka-abalahan ko, napa-tsismoso talaga e!

"Ano iyan, tiktok na naman?"

"Anong pake mo?"

Naiirita Kong saad saka bumalik sa pinapanood ko. Napakamot sa ulo ang nasa gilid ko kaya pinanlisikan ko siya ng mata.

"Alam mo, puro ka patama sa crush mo, eh wala naman akong pake sa'yo!"

Sigaw niya, dahilan para madinig ito ng buong silid at mag-silabasan lahat ng mga ma-iisue!

"Hoy anong mga pinagsasabi mo? Ikaw ba crush ko ha? Assumerong to."

Sigaw ko din sa kaniya pabalik kaya hinarap niya ako.

"O, e bakit hindi ba? Aminin mo na kasi."

Paglalandi niya pa pero syempre itatanggi ko.

"Hindi naman kita crush. Tanga, huli ka na sa balita, mahal na kita! Mangbubuking ka na nga lang, maling impormasyon pa.

Sagot ko sabay iwas ng tingin. Nakita Kong natameme siya sa tinugon ko.

Akala mo, ikaw lang magaling bumanat? Kaming marurupok din syempre!

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon