(PROLOGUE)

20 1 0
                                    


PROLOGUE

(LEXIE'S POV)

Isang babaeng walang naging jowa simula't sa una....

Ako yan

Babaeng walang pakialam sa love...

Mas lalong ako yan^_^

Babaeng nagiging bitter kapag nakakakita na magjowa na magkaholding hands at pakalat kalat sa kalye...

Ahm...bitter ako pero hindi ako yan

Dahil ang pagiging bitter ko ay hindi lang naman tungkol sa mga may jowa...

Kasi ang totoo nyan

Nagiging bitter ako, hindi dahil sa naiinggit ako sa me jowa...

Wala akong pakealam sa mga magjowa na kahit pakalat kalat sa kalye dahil yung nagkaroon sila ng jowa eh choice nila yun. Tsaka bakit ko huhusgahan ang tao kung ano ang desisyon nila sa buhay na magkajowa, at ang maging masaya sa kung ano ang gusto nila at dahil dun nirerespeto ko sila. Tsaka wala akong karapatan na husgahan at diktahan sila sa kung ano ang nararapat gawin nila dahil tao lang din naman ako kagaya nila.

Tsaka nagiging bitter rin ako pag may kasamang ibang kaibigan yung mga best friend ko at nakikita ko na masaya sila kahit na wala ako. Dun. Dun din ako nagiging bitter.

Ang problema lang kasi ay nagiging bitter ako kapag naiisip ko na may jowa nga sila, masaya sila sa kung ano ang estado ng relationship nila.

Pero ang kaso kasi, hindi naman pangmatagalan ang pag ibig at pagkakaroon ng jowa.

Lahat may katapusan dahil kapag nagkaroon lang ng kaunting aberya o problema sa relasyon nila eh susuko na kagad sila kaya nagtatapos sa hiwalayan. Na kahit saang banda tignan, maayos naman talaga ang problemang iyon kung mayroon lang sanang maayos na komunikasyon at pang unawa.

Eh kaso ang iba kasi pinapairal ang pride.

Kaya nga ako nagiging bitter kung minsan dahil sa huli sila parin ang iiyak, sila parin yung nasaktan.

Kaya may jowa man ako o wala. Bitter parin ako. Husgahan nyo na ako't lahat pero di na yun mababago pa.

Pero sa isang banda ang pagpasok naman kasi sa isang relasyon ay may naidudulot na maganda. Ito ang nagbibigay sigla sayo araw araw kaya ka bumabangon sa umaga ng maaga. Nagiging inspirasyon mo. At ang higit sa lahat ang nagbibigay sayo ng kasiyahan.

Yun ang katotohahanan.

Alam nyo ba ano tawag sakin nung ibang tao?

NBSB or no boyfriend since birth

Well that thing is not a big deal to me though. I don't care at all. At mas lalong wala silang pakialam kong NBSB ako dahil choice ko yun. Hindi ko naman sila pinapakialaman sa sariling buhay nila pero pag sakin nakikialam sila? Well desisyon ko yun at wala silang magagawa dun. Ano bang pakialam nila? May panahon sila sa panghuhusga pero mismong mga sarili nila ay wala silang panahon? Kagaguhan ba yun? Aba ewan. Hindi naman kasi ako katulad nung ibang tao dyan na hindi mabubuhay kapag walang jowa o di kaya'y hindi nila daw kakayaning mabuhay kapag iniwan sila ng mga jowa nila.

Tss

Eh kung tanggalan ko kaya sila ng pagkain, tubig, at hangin! Tignan natin kung masasabi pa ba nila na hindi sila mabubuhay ng walang jowa. Ha! Hindi daw mabubuhay...

Eh paano kaya kung sumakay kayo sa isang bangka tapos ang sakay nun ay ang sarili mo, mama mo, at ang jowa mo. Nasa gitna na kayo ng dagat ng biglang tumaob yung bangka, ikaw lang ang may suot na life vest tapos parehong hindi marunong lumangoy ang nanay at jowa mo. Sino ang ililigtas mo? Eh hindi mo naman pwedeng iligtas ang dalawa dahil baka pati sarili mo eh malunod din. Jowa mo parin ba? Dahil nga eh hindi daw mabubuhay kung mawawala ang jowa? Eh paano ang nanay mo? Hahayaan mo ba na malunod ang nanay mo na syang nagbigay buhay sayo noong wala ka pang muwang? Ang nanay na nagpalaki sayo? Ang nanay na nag alaga at nagmahal sayo?

Mga leche!

Basta ako. Water, shelter, foods tsaka oxygen ay syang talagang bumubuhay saakin. Di daw sila mabubuhay ng walang jowa? Tae! Eh bakit sarili ko nabubuhay kahit walang jowa? King inang yan!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Until isang araw...

Isang lalakeng sa di inaasahan ay biglang darating sa buhay ko...

Isang lalakeng magpapatunay saakin na masarap mainlove...

Isang lalakeng magpaparanas sakin kung gaano kasaya ang mainlove...

Sa kabilang banda...

Magkakaroon kaya kami ng happily ever after? Aba ewan. Basta basahin nyo nalang.

➡️➡️➡️➡️➡️➡️➡️➡️➡️➡️➡️➡️

Copyright © 2020 by daughterofconfucious

Once In My Life That I'm Inlove With YouWhere stories live. Discover now