(CHAPTER two)

5 0 0
                                    

CHapTER two

Halik

                 Now playing...
                 
                    Answer
    
                  (⏩▶️⏪)

                  by: ATEEZ

(Paalala lang po na hindi po  konektado ang kantang ito sa parte ng storyang ito..tenks mga ka-nyemas^_^!)

"Oh andito na pala kayo. Halikayo pasok"-nakangiting salubong saamin ni tita mitch

Kaya naman pumasok na kami ni mama sa loob ng bahay.

"Kain lang kayo"-tita mitch

Para namang napaka especial ng okasyon na ito? Napakadami kasing mga banderitas na nakasabit sa bawat sulok ng bahay. Fiesta? Ewan.

Kumuha nalang ako ng pagkain. Mukhang nagpa cater lang si tita mitch. Kumuha ako ng adobong paboritong paborito ko saka pancit at lumpia. Kumuha lang ako ng kaunting kanin dahil nakakataba ang sobrang dami ng pagkain ng kanin.

Humanap kami ni mama ng mauupuan. Ng makahanap na kami ay nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain ay uminom pa muna ako ng tubig. Pili lang ang mga iniinom at kinakain ko dahil masama sa aking katawan ang labis na pag inom ng mga matatamis at mamantikain.

Nasa labas lang ako at nakaupo nalang ako ngayon. Si mama ay naiwan sa loob para tulungan si tita mitch sa pag eentertain ng mga bisita. Inilibot ko ang paninging ko sa buong bahay at doon ko lang napagtanto na kaya pala ganito ka espesyal ang okasyong ito kaya maraming palamuti sa bahay ay uuwi pala ang anak ni tita mitch galing states. May nakalagay kasing poster sa may bungad sa bahay nila na pangalan nito pero walang litrato ang naka imprenta rito ang nakalagay lamang ay 'welcome home' 'vince ejercito'.

Hindi ko sya kilala pero pamilyar sya saakin.

Abala ako sa paglilibot ng aking paningin ng lumapit saakin si tito leo, asawa ni tita mitch.

"Ewan ko kung naalala mo pa ang anak kong si vince dahil mga bata palang kayo nung makilala nyo ang isa't isa tsaka bata palang kasi si vince nung ipadala namin sya sa amerika"-sabi nito pagkalapit saakin. Mukhang nalaman kagad nya ang iniiisip ko.

Kaya pala mukhang pamilyar sya saakin.

"Pamilyar nga po sya sakin pero di ko na po maalala nung magkakakilala man po kami"-tumango lang saakin si tito leo sa sinabi ko.

Asan kaya si papa?

"Kung hinahanap mo ang papa mo ay nasa loob at lasing na. Hayaan nyo nalang siya na rito magpakipas ng gabi dahil hindi nyo rin sya maiuuwi dahil sa sobrang kalasingan ng papa mo"-mukhang nabasa na naman nya ang tumatakbo sa aking isipan.

Tatanungin ko sana sya kung marunong ba syang magbasa ng isipan pero sa halip na iyon ang itanong ay iniba ko nalang ang aking tanong.

"Asan na po ang anak nyo kung ganun?"-interesadong tanong ko. Gusto ko kasing makita ang kanyang mukha ng personal.

"Nasa kanyang silid. Nagpapahinga. Marahil ay pagod lamang iyon sakanyang byahe"-sagot nito saakin. Kaya pala di ko sya maaninag kahit na saang sulok.

Biglang dumating si mama at nagyaya na umuwi dahil meron pa kako akong pasok kinabukasan. Alam na daw nya na kila tito leo muna papalipasin ng gabi si papa. Kaya sumama na ako kay mama at umuwi. Pagkadating ko sa bahay ay hinubad ko kagad ang suot kong sapatos at jeans. Ang naiwan nalang ay ang kulay abo kong t-shirt. Lumapit ako sa may drawer ko at doon naghanap ng short at pajama. Nakahanap naman ako ng kulay itim na short saka nagsuot narin ako ng pantulog na may desinyong bulaklak na kulay yellow green. Pagkatapos ay humiga na ako sa aking kama at natulog

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once In My Life That I'm Inlove With YouWhere stories live. Discover now