(CHAPTER one)

5 0 0
                                    

CHapTER one

Handaan

                 Now playing...

            Tomorrow x together

                   (⏪▶️⏩)

                     by: Txt

"Huhu bakit ba kasi hindi nalang si gong taekwang ang pinili ni Lee Eun Bi?! Kainis naman eh!"-naiiyak pa na sigaw ni Ray. One of my bestfriend.

Siguro tungkol na naman ito sa kinabaliwan nyang k-drama... K-drama fan kasi itong si Ray kaya ayan, nag iiyak sa harap ko. Ang title yata nung k-dramang pinapanood nya ay 'who are you' o 'school 2015'?. Idunno. Tsaka mukhang madaling araw nang nakatulog ito dahil medyo halata na ang eyebags nya dahil mukhang sa 1-16 na episode ay pinanood nya sa  isang gabi lang. Ang sabi nya ay hindi daw sya mapakali pag hindi nya natatapos ang k-drama sa isang gabi dahil mabibitin daw sya kinabukasan at baka mapilitan daw syang manood kahit class hour. Ewan ko dyan sa babaeng yan=_=

Basta ang importante ay wala akong pake dahil tungkol lang naman ito sa love love churva churva na yan=_=

"Oh eh kailangan talaga na dito ka sa harap namin ni Lexie mag iiyak?"-matabang na tanong ni Denise kay Ray. Bestfriend ko rin

Nasa canteen kasi kami ngayon, katatapos lang nung first subject namin.

*Buzzzzzzzzzzzzz*

Narinig namin ang buzzer, senyales na tapos na ang break time at  kailangan na naming bumalik sa klase.

Nagsitayuan na kaming tatlo sa upuan at lumabas na sa canteen.

****

Lunch na ngayon kaya eto kami ngayong tatlo. Kakapasok lang sa canteen at naghahanap ng mauupuan.

Ng makahanap na ay pabagsak na umupo si Denise.

Problema nito?

"Bwisit na jake na yan?! Patay ka talaga sakin?! Your so dead Jake Funtalles! Your so dead talaga!"-nanggagalaiting sigaw ni Denise. Kaya naman napatingin sakanya ang ibang nasa loob ng canteen.

"Kumalma ka nga"-suway ni Ray kay Denise. Mukhang naka move on na si Ray tungkol sa k-drama thing na iniiyak iyakan nya pa kanina sa harap namin.

"Si Jake kasi! Di sya sumipot sa usapan namin!"-sigaw na naman ulit nya.

Hindi ko na sana sya papansinin at kikibuin kung hindi lang ako naririndi sa sigaw nya.

"Pwede ba wag kang sumigaw? Nakakarindi yung sigaw mo"-pinilit kong hindi mapairap dahil baka mas lalong magsisigaw ito sa galit.

"Eh paano naman na hindi ako magagalit eh hindi nya kasi ako sinipot kahapon! Imagine! 3 hours akong naghintay sa sinabi kong tagpuan namin sa pag aakalang sisipot sya pero hindi!"-aish! Naririndi talaga ako sa sigaw nitong si Denise. Kung makasigaw parang naka mega phone.

Mukhang hindi na naman sumipot sa kung ano man ang pinag usapan nila Denise...sino si Jake? Ha! Jowa ni Denise na pumayag lang dahil sa pamba black mail ni Denise kay Jake. Hindi naman kasi talaga sang ayon si Jake sa gustong mangyari ni Denise na makipag relasyon ito sakanya. Ultimate crush kasi nitong si Denise si Jake kaya ayun. Kung maka ano kasi itong si Denise ay lantaran kaya ayun nalaman kagad ni Jake na may gusto si Denise sakanya. Pilit na iniiwasan ni Jake si Denise dahil dikit ng dikit ito sakanya. Until isang araw ay pinilit ni Denise si Jake na maging jowa. Tatanggi sana si Jake kaso ang sabi kasi ni Denise ay kapag hindi daw ito pumayag ay ipapa hunting nito ang pamilya nito't ipapatay=_= na hindi naman talaga totoo.

Once In My Life That I'm Inlove With YouWhere stories live. Discover now