Chapter 1: Happy Together

80 18 58
                                    

Avery's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Avery's Point of View

Everybody thinks that I am the luckiest person in the world because I owned a perfect life. I have money, cars and expensive designer clothes, things that everyone dying to get. One thing that is unbeknownst to others, I'm very unfortunate when it comes to love.

For almost 17 years of existence, I have been through multiple breakups. I've spent a lot of tears, money and love pero hindi pa rin naging sapat. Ginawa ko ang lahat kasi kapag mahal mo, lahat gagawin mo at lahat ay ibibigay mo. Ang bilis kasi nilang mag give up, ang bilis nilang magsawa at ang bilis nilang makahanap ng kapalit. Mga lalaki nga naman! That's their nature, kung baga nasa kultura na ng mga lalaki ang paiyakin ang mga babae.

But I think it's their loss not mine dahil iniwan nila ang isang tulad ko. Marami pang lalaki diyan, I can find a true and loyal man...

Surrendering is not in my vocabulary kahit na kaunti lang ang vocabulary ko basta I won't give up, pagbalik-baliktarin man ang mundo.

"Hey! Lalim ng iniisip natin ah, saan na banda? Malapit na ba sa inner core?" pagputol ng babaeng inggitira sa pagmo-moment ko.

I frowned at her. "Diane Franchesca Guanzon can you please mind your own business."

"Mind my business? Fine! Maghanap ka ng kagrupo mo, hindi kita ililista." Galit na saad ni Diane. Patay! Gumagawa kasi kami ng project, I almost forgot.

Nasa bahay kami nila ngayon dahil siya ang leader namin. Inatasan kasi kaming gumawa ng product proposal. Pinili namin si Diane na mamuno dahil ang lawak ng imahinasyon niya, malawak pa sa noo ng adviser namin na si Mrs. Wyde na kung makapag-request ng project ay parang end of the world na.

"I'm sorry pretty, tao lang." I said then smiled at them. Nakatingin kasi silang lahat sa akin. Lima kaming magkakasama sa grupo at alam kong hindi lang ako ang pabuhat dito. May kilala ako at kaharap ko siya ngayon, si Kim Tzu na mataba. Kanina ko pa napapansin na nagti-tiktok ang intsik na 'yan.

"Okay let's get back to work, Macy maaari mo bang tingnan sa google kung may ganitong product na ibinebenta." utos ni Diane kay Macy na naka-assign sa pananaliksik. Macy Grace Langston, one of my closest friend with a cute fringe hair.

"Val kindly add all of the expenses we spent." She requested to the ultrasmart mathematician, Valerie Arellano. Si Val ang isa sa pinakamagaling na estudyante sa math at maswerte ako dahil may calculator friend ako. Close na close ako sa kaniya kapag math na ang klase namin, marami kasi akong nakukuhang answer este natututunan sa kaniya.

Ako naman ay bumalik na sa pagdedesinyo sa packaging ng produkto namin. I'm good in editing and photography, naging hobby ko na ito simula pa noong panahon ng mga hapon. Syempre biro lang.

Makalipas ang dalawang oras ay natapos na namin ang proposal. Kung hindi niyo naitatanong kahapon pa kami gumagawa nito, sunday ngayon kaya dapat family day na ngayon pero lintik na project na 'yan. Last quarter na pero marami pang hinihingi.

Napag-isipan namin na dumaan muna sa Cafè Ville na malapit lang dito sa bahay nina Diane. Actually, nasa kabilang kanto lang din naman ang bahay ko. Nasa subdivision kasi kami kaya nagsisilakihan ang mga bahay dito. May elevator pa nga ang bahay nila Diane, pero syempre hindi magpapakabog ang bahay namin, kami kaya ang may pinakamalaking bahay sa buong subdivision.

Naglakad lang kami papuntang cafè, pinilit pa nga kami ng ina ni Diane na guro rin ng aming university na sumakay sa kanilang sasakyan pero tumanggi naman si Diane dahil malapit lang naman.

Habang naglalakad may naisip akong joke. Hindi ko kasi mapigilan na i-share sa iba kapag may naiisip akong kalokohan o something.

"Guys I have an entry, Bakit nilalagyan ng mansanas ang bibig ng lechon?" Natatawang tanong ko sa kanila kaya napa-isip naman sila.

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Macy.

"Malay ko, hindi naman ako baboy, tanungin niyo si Kim." Sagot ko sa kanila. Nagsampukan naman kaagad ang kilay ni Kim. Palagi ko kasi siyang inaasar. Ang cute kasi niya parang buffalo na malambot. Idagdag mo pa ang singkit niyang mata at ang buhok niya na katulad ng buhok ni Dora. Mag bestfriend talaga sila ni Macy, tambalang Dora and Boots. Maitim kasi si Macy, ipinaglihi sa uling.

"Wala ka talagang kwenta Avery Aurelius!" Naiinis na saad ni Kim at pinalo ang balikat ko.

Makapalo naman ang baboy na 'to siya nga itong hugis punching bag, 'e. Palaging nangangako na magdi-diet pero hindi naman tumutupad sa kaniyang sinasabi. Half rice lang daw ang kakainin pero 'yun pala half rice cooker ang naubos.

"Another one!" masigla kong sabi sa kanila. Sige na, ako na ang makulit. Gusto ko lang naman pasayahin sila, 'e. Alam kong stress na ang mga bruhang ito. Hindi kasi nila ako tinutularan, chill lang palagi kahit walang maisagot sa recitation o sa quiz.

"Bakit sikat si Sadako?" Tanong ko sa kanila.

"Kasi lulamabas siya sa TV." sagot naman ni Diane. "Lame ng jokes mo." Dagdag pa niya.

Minsan talaga may pagka kill joy rin si Diane. Sarap niyang ipalapa sa aso. Masyadong seryoso ang bruha.

Dahil sa inis hindi na ako nag-isip pa ng iba pang jokes. Hindi na umandar ang utak ko kasi may pa-epal.

May nadaanan kaming lovers in Paris sa gilid ng kalsada, "Sana all may jowa, magbebreak rin kayo." Parinig ko. Makalandian naman ang mga asong gala na 'to.

Avery! sadyang bitter ka lang. Wag kang mag-alala darating rin 'yung araw na magkaka-jowa ka. Sa ngayon mag sana all ka nalang muna.

Napa-iling naman ang mga kaibigan ko dahil sa ginawa ko. Buti na nga lang hindi narinig ng mag-jowa.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa cafè. Medyo maraming tao ngayon, sikat kasi ang cafè na ito. By the way, kuya ko pala ang may ari. Ang galing talaga ng kuya Caliber ko.

Pagpasok namin bumungad agad ang napakabangong amoy ng shawarma. Specialty ng cafè na ito.

Tumungo kami sa paboritong pwesto namin na malapit sa may hardin na puno ng naggagandahang bulaklak.

"Ako na ang oorder." Pagboboluntaryo ko.

Tumungo na ako para mag-order. Nadatnan ko si Caliber na abala sa pagluluto ng shawarma.

"Isang sako ng bigas nga," natatawang sabi ko kaya napatingin si Caliber sa akin. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Kuya joke lang po, I want two cafè latte and two cappuccino. Tapos red velvet na cake pala," I requested.

Napairap siya at nagsimulang mag steam ng gatas. Ang pogi talaga ng kuya ko, kung hindi ko lang siya kapatid ay jojowain ko talaga siya. Bakit ba walang may nagakakagusto sakin? Maganda naman ako at JOWABLE

******

Silly Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon