Chapter 1

6 1 0
                                    



Dahan-dahan na binuhos ni Christian ang laman ng champagne sa bawat wine glass na may konting finesse. Natapos na niyang lagyan na niya ang labing-limang piraso. Mayroon pang lima na nakahilera sa kanyang silver tray na nag-aabang para malagyan. Konting pagkakamali lang ay maari niyang maibuhos ang lahat ng laman nito o kaya masagi niya ang ibang wine glass at mabasag. Ang presyo ng wine glass ay halos isang buwan na sweldo ng isang karaniwang empleyado. Kulang pa ang sweldo niya kapag nangyari iyon. Umapaw ng kaunti ang isa, kinuha niya ito. Pasimple niyang ininom ang laman ng ito. Mabilis niyang ibinalik ang wine glass sa silver tray.

"Christian, malapit na ba matapos iyan?" Tanong ni Elaine sa kanya. "Kailangan na kasing ihatid sa yan sa loob para sa mga guests."

"Yes, Madam." Pormal niyang sagot. Nang matapos na niya ika-dalawampung wine glass, maingat niyang iniangat ang silver tray.

"Saglit lang, Christian." Iniayos ni Elaine ang kanyang suot na bow tie. "Ayan, pwede ka na mag-double time."

Si Elaine Sophia Flurry, ang isa sa kanyang mga pinsan na mayaman. May-ari ito nang limang coffee shops at tatlong American-theme restaurant sa iba't ibang parte ng Metro Manila. Samantalang kailangan niyang kumayod at makapag-ipon upang makabalik sa pag-aaral. Second Year sa Secondary Education Major in Technology and Livelihood Education na sana siya kung hindi namatay ang kanyang Papa dahil sa atake sa puso. Matagal na siyang iniwan ng kanyang Mama. Mag-isa niyang binubuhay ang sarili.

Tinatawagan siya ni Elaine tuwing may catering services at kapag kulang sa tao ang restaurant o coffee shop. Kahit konting sweldo ay ayos na siya tutal pangdagdag na din iyon sa kanyang ipon.

Kasalukuyang idinaraos sa loob ng Ballroom Hall nang Amore Hotel ang launching ng Las Casas de Amore, ang luxury and recreational resort na pagmamay-ari ni Eriana Gopez o mas kilala bilang Eria. Ang resort ay inilikha ekslusibong miyembro at para sa mga babae lamang. . Halos lahat ng guests ay pawang mga babae sa alta-sociedad o kaya kabilang sa business. Iba'Iilan lang ang naimbitahan na lalaki at karamihan ang mga ito ay nasa larangan ng media at politika.

"Champagne, Madam." Mabilis niyang ibinigay ang mga wine glass sa iba't ibang guests na kanyang nakasalubong. Huminto lang siya nang kaunti para makinig sa paglahad ng speech ni Eria.

Simple lang ang suot ni Eria. White blouse at brown A-line skirt na hanggang tuhod. Hindi tulad ng ibang guests na nagpatalbugan sa gowns at suot na jewelries.

"Ladies, this place is our greatest dream to relax. It is not just typical view of white sand and crystal blue beach. Mayroong masasarap na pagkain na gawa ng ating dalawang resident chefs na 4-star Michelin chef at sikat na patisserie sa Amore Resto at Amore Cafe. Huwag kayong mag-aalala dahil organic ang mga purtas at gulay na karamihan na kinukuha sa Amore garden. Ang resort na ito ay mayroong amenities at activities na ekslusibo lang makikita rito. Alam nating hindi biro ang presyo ng membership fee at masinsinan ang pagpili sa bawat miyembro rito. And I'm proud to welcome you here to your new vacation homes. Sorry, gents. This will be your first and last time to see this paradise unless you are an employee. Enjoy and explore this paradise exclusively for just one night. Gracias y buenas noches."

"Dito ka din pala, Christian." Pabulong na sabi ni Jodi.

Simple lang ang kagandahan nito na isang ordinaryong dalagang Filipina. Maayos nakalugay ang hanggang balikat ang buhok nito. Morena at may mapupungay na mata. Medyo kahawig ni Yen Santos. Bumagay din ang suot nitong gray long sleeves na peplum dress na may maliit na belt nakatali sa bandang waistline nito.

Iyon ang kanyang tipong babae: simple lang. Ang maganda pa nun ay kapitbahay niya ito at isa sa mga kababata niya sa Sitio Martha. Nakapagtapos na ito ng Legal Management at kasulukuyang nag-aaral ng pag-aabugasya. Nagtatrabaho bilang personal assistant ng isa sa mga anak ng CEO ng Yuubi Na Food Corp. Isa din sa mga major supplier ang naturang korporasyon ni Elaine.

Mi Amore: Takara Yuubi NaWhere stories live. Discover now