Chapter 2

4 1 0
                                    


Masakit padin ang katawan ni Christian mula sa maghapong trabaho niya na nakaraang dalawang araw na nakalipas. Kahit nakailang palit na siya nang salonpas sa kanyang likod, hindi padin humuhupa ang sakit. Kailangan na niyang bumangon para makabalik muli sa Amore Hotel. Napaupo siya sa kanyang higaan. Hindi parin nawawala sa isipan niya ang magandang unggoy este babae na nakita niya. Mas mukha itong engkantada na walang pakpak kaysa sa unggoy. Mukhang malabo na magtatagpo pa muli ang kanilang landas. Mas mabuti na din iyon para hindi na dumagdag ang sakit ng kanyang katawan.

Kinuha niya ang kanyang mobile phone. Tsinek niya ang oras at alas sais pa lang ng umaga. Hindi naman gaanong malayo ang Sitio Martha sa Las Casas de Amore kaya pwede na niya itong matiyagang lakarin. Kinuha na niya ang kanyang tuwalya para maligo.

Hininto ni Takara ang Toyota Altis na hiniram niya mula kay Jodi sa pagitan ng maliit kulay rosas na gate at berde na gate. Nasa Sitio Martha na siya at nakalimutan niya ang bilin ni Jodi kung paano matatagpuan ang bahay ni Christian. Ikinuwento na kasi niya kina Elaine at Bhoo ang nangyari kung paano siya nakapunta ng Amore Hotel. Nalungkot siya nang malaman na dahil sa kanya ay hindi nakapasok ng dalawang araw si Christian.

Nagdesisyon siya na alukin ito nang trabaho sa kanyang bagong tayong Amore Resto bilang Waiter. Pumayag naman si Elaine basta hihiramin niya si Christian tuwing Tuesdays at Saturdays. Sandali niyang tinitigan niya ang picnic basket sa passenger seat. Nasa loob kasi nito ang kanyang best recipe na triple chocolate cupcake at parmesan and roasted beef slider. She crossed her fingers. Umaasa siya na magugustuhan ito ni Christian.

Suminghap siya bago niya tinanggal ang kanyang seatbelt. Binitbit niya ang picnic basket. Pinili niyang unang puntahan ang maliit na rosas na gate Kinakabahan niyang pinindot ang door bell. Nakadalawang pindot na siya ngunit hindi padin binubuksan ang maliit na rosas na gate.

Inisip niya na baka walang tao o kaya hindi iyon ang bahay ni Christian. Lalakad na sana siya patungo sa katabing green na gate nang biglang bumukas ang maliit na pink na gate. Bumugad sa kanyang mga mata si Christian na half-naked at tanging suot lang nito ang kupas na maong pants. Hawak nito ang tuwalya at hindi pa gaano tuyo ang buhok nito. Tumutulo ang basa patungo sa 6- pack abs nito.

Nakagat ni Takara ang kanyang ibabang labi. She feels that she has been charmed by a Greek Demi-God. Nabitawan niya ang hawak na picnic basket na nagpabalik sa kanya sa realidad. Natapon man ang lalagyan ng mga pagkain. Mabuti na lang at hindi masyado nasira ang mga laman nito sa mga plastic containers.

"Oops... I am...sorry." Nauutal na pagkasabi ni Takara. Naghalo na kasi ang kaba at nerbyos ng makita ang anyo ni Christian sa kanyang harapan. Umupo siya para hanapin ang mga nahulog na lalagyan. Pilit niyang iniiwasang tignan ni Christian at napapaso siya. Nalilito siya kung ano ang kanyang uunahin kung yung lalagyan ng slider o cupcake ang kanyang kunin.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Christian sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at pinilit ang lalagyan ng slider. Inaksamin nito ang laman nito. "Para ba sa akin ito?"

Tumango si Takara. "Pinapatawag ka sa Amore... Kaya sinusundo kita...Este nirerecruit kita bilang Waiter ko..." Oh dear, hindi niya talaga maiwasang mautal.

Lumapit si Christian sa harapan niya. Their faces are just a few inches away. Napalunok si Takara. Nginitian ni Christian si Takara. Lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi. It makes her heart swoons away. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. . Sinubukang itago ang kanyang mukha gamit ang kanyang kaliwang kamay.

"Eh, paano kung ayaw kong magtrabaho bilang Waiter mo?" pang-asar na tanong ni Christian.

"Hahanap na lang ako ng iba. Madami pa naman akong makita diyan sa tabi-tabi at maaga pa naman." Nairita na sagot ni Takara. Hinablot niya ang lalagyan mula sa kamay ni Christian. "Ibibigay ko na lang ito sa mga taong-gutom na hindi pa nag-almusal." Tumayo ito at nagpapadyak sa inis. Babalik na sana ito sa Toyota Altis ng hawakan ni Christian ang kanyang braso para pigilan siya.

Mi Amore: Takara Yuubi NaWhere stories live. Discover now