Chapter 02

66 6 1
                                    

***

Mel's Pov

Pagkadilat ng mga mata ko ay puting kisame ang bumungad sa akin. Bumangon ako habang nakahawak sa sintido. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi pamilyar sa akin ang paligid. Nasaan ba ako?

Pilit kong inaalala yung nangyari kagabi. Uminom ako tapos- peste! Y-Yung muntikan na ako! Nasapo ko nalang ang noo ko. Wag mong sabihin bahay ito ng bastos na lalakeng iyon?? At talagang dinala niya pa ako dito?

Napatigil ako sa pag-iisip. Dali-dali kong chineck yung ilalim ng kumot pero mabuti nalang at nandoon parin yung pang-ibaba ko. Mukhang wala namang masakit sa akin kaya sigurado akong walang nangyari kagabi. Tsaka bakit jacket na ang suot ko?

Inilapit ko ang palad ko sa bibig ko at bumuga doon. Halos masuka ako sa baho ng hininga ko. Sumuka ba ako kagabi?

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon.

"You're awake." giit nito at pinatay yung aircon. Parang pamilyar yung mukha niya.

"Ikaw yung kahapon ha? Yung siraulong lalake na nagtapon ng pera sa mukha ko!" sigaw ko.

"What? Siraulo?" tanong niya.

"Bakit mo'ko dinala dito?" deretsong tanong ko. Huminga siya ng malalim.

"You said you have no place. So I brought you here." sagot niya. Sinabi ko 'yon?

"Ano? Sinabi ko bang wala akong tirahan?" tanong ko. Tumango naman siya. Ang gulo ko siguro kagabi ano? "Please sabihin mong wala akong ginawang kalokohan kagabi, please.."

"Hmm. Do you want me to tell you what you're doing last night?" tanong niya. Kahit na ayokong marinig kung ano man yung kahihiyang ginawa ko kagabi ay tumango parin ako.

"You vomited in my shirt." sagot niya. Nasapo ko nalang ang noo ko. Magso-sorry ba ako o hindi?

"Sorry. Sorry talaga." giit ko. Tumango lang siya.

"Apology accepted."

"Thank you! Ano pang ginawa ko?" tanong ko pa. Wala na talaga akong maalala sa mga kahihiyang ginawa ko.

"Hmm. You touch me here.." sagot niya at inilagay yung hintuturo sa dibdib niya at dahan-dahan iyong binaba. "Until here." dagdag niya at huminto yung hintuturo niya sa puson niya. Bigla akong nahiya sa sinabi niya.

"H-Hindi totoo 'yan! Hoy sigurado ka ba sa sinasabi mo ha??" reklamo ko. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.

"I'm sure."

"Edi sorry!" sagot ko.

"Look who's sorry after pinching my nipples," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Isa pang kahihiyan iyon! Tinakpan ko nalang yung mukha ko sa hiya. Pesteng 'to!

"And who's Kai? He's been calling you since last night." dagdag niya dahilan para hanapin ko yung cellphone ko. Pero hindi ko makita. Bigla nalang may lumipad na cellphone sa paanan ko. Napatingin naman ako dun sa siraulong lalake. "Don't worry. I didn't see your nudes."

Agad kong kinuha yung unan at inihagis sa kanya.

"Kingina mo! Wala akong nudes!" sigaw ko at inihagis pa ang mga unan na natira. Tumawa lang siya ng mahina at binuksan yung pinto.

"Just go downstairs and eat. The maids prepared some food for you. I have some business to do, so after you eat.. You can leave." bilin niya bago lumabas ng kwarto. Agad kong kinuha yung cellphone ko at bumungad sa akin ang maraming tawag at text ni Kailey.

Agad kong dinial yung number niya para ipaalam kung saan ako. Ilang ring lang at sinagot niya kaagad.

["Nasaan ka bang babae ka?! Alam mo bang magdamag akong naghahanap sa'yo? Eh kung napano ka na??"] bungad niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Celebrity Love On (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon