Unseen

0 0 0
                                    


I'm always watching her from a far. From day one until now.

Every day, she will sit on that same spot and listen to the songs on her mp3. That's what she always do. At kapag nagsimula na syang makinig, it seems like sya lang ang nag eexist sa mundong ito. Hindi niya napapansin ang mga taong dumadaan sa harap niya.

At heto ako, walang ibang ginagawa kung hindi ang tingnan sya sa malayo. Looking for some courage to approach her and say "hi".

She's my crush since the day I saw her.

At ngayon nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magpakilala sa kanya.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. My eyes were glued on her charming face. Ngunit parang invisible lang ako sa kanya.

Habang papalapit ako, unti unti namang nawawalan ng lakas ang mga paa ko. My heart beats faster than normal.

Nang makalapit na ako ay tumikhim ako ng mahina.

I was about to greet her and say "hi" when a man in his mid thirties approach her.

"Let's go, Miss."

Nakita ko syang ngumiti at ibinigay ang mp3 na hawak nang hindi lumilingon.

"Kuya? Nasaan na ang tungkod ko?" sabi niya sa mala anghel na boses habang kinakapa ang magkabilang gilid ng upuan.

Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. It took ten seconds for me to absorb everything.

Napaatras ako ng tatlong beses.

The man beside her looked at me sadly.

"Oo. Tama ang iniisip mo."

He glanced at the girl then to me.

"She's blind. She can't see anymore, because she donated her eyes to the man she loves the most. But sadly, he forgot her."

----End.

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon