Nadatnan ko si Mamsi sa likod ng bahay, habang nag didilig ng mga bagong tanim niyang halaman. Nakangiti niya akong sinalubong.
"Kaawaan ka ng Diyos anak, ang aga mo yata ngayon?" Nag tataka niyang tanong sa akin.
"Yes Ma, maagang natapos yung meeting namin, kaya nag out na ako ng mas maaga para naman maka bonding ko kayo ni Isa, these past few days po kasi nagiging mas busy ako sa work." Simpleng paliwanag ko sa kanya.
Yna Louisse is my younger sister. Dalawa lang kaming mag kapatid. She is already graduating kaya mas busy na din sa mga panahon na ito. She is taking up Architecture, while I took up Journalism. Mag kaiba kami ng hilig, pero mag kasundong mag kasundo kami. Mamsi and Isa are my living diaries, my bff's. Sobrang open namin sa isa't isa dahil kami lang naman ang mag kakasama.
My father died 5 years ago. He died due to cardiac arrest. Namana niya ang sakit sa puso ng Lola Vida, his mother. Si Mamsi naman ay Manager sa isang commercial bank dito sa bansa. Si Mamsi na lang ang kasama namin sa araw araw. Since that day na nawala sa amin si Papa, naging mas stronger yung connection namin. Mas tumibay yung samahan namin bilang isang pamilya.
I am already 21 at si Isa naman ay 18. Almost 3 years na din akong nag wowork sa isang Publishing Company sa Ortigas. Kaya hindi sanay si Mamsi na nakaka uwi ako ng maaga sa bahay. Tinapos lang nya ang pag didilig ng halaman at pumasok ma din kami sa bahay.
"Ma, si Miggy dito daw mag didinner, pwede po ba natin syang hintayin, tutal wala pa naman si bebi." Sabi ko kay Mamsi habang inilalabas sa paper bags yung mga binili kong pagkain.
Miggy is my boyfriend. 4 years na din kami at getting stronger sabi nga nila. We met through our mutual friend. Malungkot ako nun kasi kakamatay lang ng Papa at sobrang depress ni Mamsi. Si Isa busy sa plates habang nag mmove on at si Miggy ang naging kausap at sandalan ko noon. We are friends for almost a year bago nya ako niligawan. Noong una ay ayaw ko talaga sa commitment dahil sa mga responsibilities ko sa life and as the panganay. Pero makulit si koya. Ayun napasagot ako after almost 6 months.
"Oo naman, Lau. Ikaw talagang bata ka. Teka at tatawagan ko yung kapatid mo at baka sa fast food na naman kumain." Pabiro namang sagot ni Mama.
I change my clothes and then nag prepare na ako ng dinner namin. Narinig ko na kasi si Isa na kausap si Miggy sa baba. Kakauwi lang ng pasaway na bata.
"Hi Ate! Sabi ni Kuya Miggy ipapakilala nya ako sa friend nyang Archi, pogi daw parang oppa." Kinikilig na bungad ni Isa sakin. Humalik ako sa pisngi niya at kay Miggy bago dumiretso sa kusina.
"Hay naku, ayan na naman kayong dalawa. Pag katapos bubuligligin mo si Miggy kapag chat na ng chat sayo yung pinakilala nya." Sagot ko naman sa kanya.
Si Isa kasi ay mapagpatol sa panunukso ni Miggy sa kanya. Sobrang simple ng kapatid ko na yan, walang ka arte arte sa katawan. Napakabait pa. Kapag may nagka gusto na kakilala ay sige lang ng sige, accept lang ng accept sa facebook. Palibhasa ay napaka friendly, tinalo pa ang pagiging Ms. Friendship ko.
"Ai, don't mind her. Hindi ka pa nasanay sa batang yan. Hindi naman niya nirereplyan. Puro salita lang, diba Isa?". Pangungulit din ni Miggy sa kanya.
"Oo naman noh, Kuya. Alam ko naman, at saka ang bata ko pa kaya para sa ganyan. Diba Ate, graduate muna? Hindi ko pa gustong marinig ang mga rants mo. Hihi". Baling naman ni Isa sa akin.
"Oo na lang Louisa, tawagin mo na nga si Mamsi ng maka kain na tayo." Sinunod naman niya ako at umakyat sa kwarto ni Mamsi.
Inayos ko ang dining at saka hinarap si Miggy na nasa counter.
"Ai, how's your day? Hindi ka yata stress this week?" Biro ko sa kanya.
"No, baby. Maluwag schedule ko this week kasi may bagong hire. After ng transition period nya magkakaroon kami ng project together." Sagot naman ni Miggy habang pinag lalaruan yung mga daliri ko sa kamay.
"Uhuh, it means sa mga susunod na weeks pa magiging hectic? Kasi si Rina, nag pplan ng week end get away next week. Friday until Sunday lang naman. Can we join? Para makapag unwind." Paliwanag ko sa kanya.
"Sure baby, if that's what you want. Mag early out nalang ako this coming friday." Nakangiti nyang sagot sakin.
Masaya kaming kumain habang nag kukwentuhan ng kung ano anong mga bagay. Si Isa ang bumubuhay palagi ng mga usapan. Never a dull moment talaga with my bebi. Ayaw pa niyang nag papatawag na "bebi" kasi hindi na daw siya baby. Hindi niya alam baby girl pa din namin siya ni Mamsi.
Pagkatapos namin mag dinner ay napag planuhan namin ni Miggy na manuod ng, guess what? Master Chef ang favorite namin panuodin. Miggy loves to cook so much. Napapag planuhan na nga namin mag tayo ng resto in the future.
Since si Mamsi ay maagang natutulog, si Isa naman nag huhugas ng pinag kainan namin, na which is for the first time siyang nag insist. May kailangan ang bruha I can feel it. I'm sure kapag umakyat yan sa room ni Mamsi, oo ang sagot nun. 100% sure. Ganoon namin ka love ni Mamsi si Isa. Spoiled na nga kung tawagin ni Miggy.
While watching, tumunog yung phone ni Miggy. He excuse himself habang nag patuloy naman ako sa panunood. Halos 15 minutes na ay hindi pa bumabalik si Miggy kaya sinundan ko sa siya sa terrace. Naabutan ko pa din siyang may kausap sa phone. Naramdaman yata niya ang presensya ko. Lumingon siya sa akin at nag muwestra na sandali na lang. Bumalik ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto.
Ilang minuto ay sumunod na din si Miggy sa akin. He is holding a cigarette at lighter. Ipinakita niya sa akin ang hawak na parang nang hihingi bg pahintulot.
"Isa lang baby, na sstress na talaga ako sa mga problema sa bahay, sorry." Malungkot nyang baling sa akin.
Wala namang kaso sa akin if he smoke. Basta hindi lang abusado. Alam ko naman na kapag madami siyang iniisip o kaya problema lang siya nag yoyosi.
"What happen, Ai?" Tanong ko sa kanya at saka inaya siya sa maliit na balcony ng kwarto ko.
"Si Mommy yung tumawag. She keeps on bugging me, about dun sa nabuntis daw ni Matt. Kausapin ko daw si gago dahil ipinipilit daw na hindi kanya 'yon." Naka kaunot ang noo niyang sabi sakin.
"Ang tigas din talaga ng ulo ni Matt. Gagawa ng mga bagay na di naman kayang panindigan. Kawawa naman yung bata." Maingat na sagot ko naman sa kanya.
"Palagi ko naman siyang pinag sasabihan, pero ewan ba, kung bakit palaging may ipinag lalaban yung batang yun. Nakakapagod na din pagsabihan." Sabi niya.
"Gusto mo ba kausapin ko? Baka akala nya papagalitan mo sya kaya ayaw makipag usap sayo?". Suggest ko sa kanya. Alam ko kasi na palagi silang nag kokontrahan na magkapatid. Wala silang mapapag uusapan. Hindi sila mag kasundo.
"Thank you, Ai. Paano pa ako kung wala ka." Sabay yakap niya sa akin saka hinalik halikan ang aking pisngi.
Sa loob ng ilang taon na relationship namin ni Miggy, never kaming nag away ng malala. Palagi namin nakukuha sa masinsinang usapan. He is very vocal when it comes to his feelings lalo na sa mga issues sa life. Gab my bestfriend says na hindi daw healthy sa isang relationship yung hindi nag-aaway. Although, nagkakasamaan naman kami ng loob eh pinipilit talaga namin na ayusin.
Sobrang swerte ko nga kay Miggy dahil napag titiisan niya yung kasungitan ko. Never in my wildest dream na may makakapag tiyaga sa ugali ko, madalas kasi si Isa laging nirereklamo kay Mamsi yung kasungitan ko.
Bago pa lumalim ang gabi ay nag paalam na din si Miggy para umuwi dahil maaga pa ang pasok niya sa office bukas.
YOU ARE READING
Read Between the Lines
Romance"Mahal mo siya pero masaya ka ba sa kanya? Lagi mong tatandaan anak, na ang kasiyahan mo ang pinaka mahalaga sa lahat." Ilan lang ito sa mga katagang iniwan ng ina ni Laureen bago ito pumanaw. She never imagine her life without her Mom. Ng mawala a...