Prologue

13 2 1
                                    

Naglalakad ang isang lalaki pa-uwi sa kanyang tinutuluyang apartment, madilim ang daanan papunta sa kaniyang inuupahan at kailagan pa niyang dumaan sa abandonadong train station, may nakita siyang dalawang taong hindi kahina-hinala ang itsura, at mayroon silang pinag-tri-trip-an na matanda.

Mahahalata sa hitsura ng matanda na wala itong kakayahang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil sa katandaan.

"Hoy, itigil nyo nga 'yan! Kung wala kayong magawa, umalis na lang kayo at pabayaan niyo na ang matanda!" Ani ng binatilyong napadaan.

"Aba! Ang tapang mo naman, anong akala mo matatakot kami sayo?!" Ani nang lalaking malaki ang pangangatawan.

"Sa patpatin mong katawan, ang lakas ng loob mo?! Baka gusto mong ikaw na lang ang pumalit sa kaniya?!" Sabi ng lalaking matangkad.

Hindi naman niya maitaganggi na maliit at patpatin ang kanyang katawan kumapara sa dalawang lalaki na nasa kaniyang harapan ngunit, kahit papaano ay mayroon siyang karanasan pagdating sa self-defense. Ang kanyang Ama at Lolo ay nagtuturo ng Dojo, kaya naman ay may karanasan siya upang ipagtatanggol ang kaniyang sarili.

"Puro kayo dada, mga lalaki ba kayo?!" Ani ng binatilyo sa dalawang lalaki.

"Nag hahanap ka talaga ng sakit sa katawan bata!" Sabi ng lalaking matangkad.

Bumwelo na ang lalaking may malaking katawan at binalak na suntukin sa mukha ang binatilyo, ngunit nailagan ito ng binatilyo at hinawakan ang kamay ng lalaki, sabay pihit patalikod. Walang magawa ang lalaking malaki ang katawan at hinintay na lamang niyang tulungan ng kasama.

Bigla namang umatake ang kasamang lalaki at sinipa ang likod ng binatilyo, ngunit agad niya itong nailagan, sa pamamagitan ng pagyuko, at ang natamaan ay ang likod ng lalaking kanyang kasama. Nagalit ang lalaking natamaan at agad na tumayo.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang binatilyo na umatake, at sinuntok sa panga ang lalaking nakatanggap ng sipa, nilakasan niya ng pwersa ang suntok, at dahil sa lakas ng kaniyang suntok ay madali niyang napatulog ang lalaking may malaking katawan.

Bigla naman sumugod ang lalaking matangkad, at nagkaroon ito ng pag kakataon na tamaan siya sa sikmura, dahil hinihingal pa siya sa pinakawalang atake kanina.

"Tsk!" Dumura ang binatilyo ng dugo dahil sa atake ng matangkad na lalaki.

"Matigas ka bata, akala ko lampa ka!!" Sabay sugod ng lalaki at nag labas ng patalim. At inatake ang binatilyo sa pamamagitan ng pag undag nang saksak.

Nagulat naman ang binatilyo sa pag dukot nito ng kutsilyo. At dahil sa adrenaline rush agad namang nailagan ito ng binatilyo, at hinintay na sumugod muli ang lalaki, hindi naman siya nabigo at agad na sumugod muli ang lalaking matangkad.

Hinintay niyang mas lumapit pa ang lalaki at agad niyang inilagan ang pag tatangkang pag sasaksak sa kaniyang tagiliran, at hinablot ng binatilyo ang brasong may hawak na patalim, at agad iyong tinuhod, namilipit naman sa sakit ang lalaki at hindi na nakaiwas pa sa suntok na pinakawalan ng binatilyo. Na naging dahilan nang pag katulog nito. Dahil na rin mismo sa kadahilang lasing ang mga ito.

"Lolo, ayos lang ba kayo?" Tanong ng binatilyo sa matanda. Ngumiti naman ang matanda at nag pasalamat.

"Maraming salamat sa iyo hijo, kung hindi ka siguro dumating ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin" Sabi ng matanda.

"Hindi niyo na kailangan mag pasalamat, kahit sino naman siguro ay tutulong kung makikita nila kayo sa ganoong kalagayan." Ani ng binatilyo.

Halata sa boses at paguugali ng binatilyo na siya ay masungit at hindi magalang, ngunit tinulungan pa rin niya ang matanda. Dahil likas na sa kaniya ang tumulong nang hindi niya na mamalayan.

"Bilang pasasalamat ay tanggapin mo ito, hijo!" Sabi ng matanda sabay abot ng isang bato na mayroong naka-ukit, na simbolo. Hindi na sana ito tatanggapin ng binata ngunit kinuha na nang matanda ang kamay ng binata, at agad itong pinatong sa kaniyang palad.

Nagulat naman ang binata dahil biglang sumakit ang likod ng kaniyang palad, nag laho ang bato at naiwan ang marka ng simbolong kaning naka-ukit dito.

"Ano ito?!" Naibulalas na lamang ng binata at agad tumitig sa likod ng kaniyang palad na may marka.

Agad namang sumagot at tumayo ang matanda.

"Isa iyang pasasalamat at sana ay huwag mong gagamitin sa kasamaan, iyan na ang huling bato." Ani ng matanda at umalis na.

Gusto pa sana ng binatilyo na mag tanong ngunit umalis na ito.

Napatitig na lamang ang binatilyo sa likod ng kaniyang palad at tinangkang burahin ito. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi ito nabubura.

Itutuloy...

•-•

Your comment is highly appreciated!!
Sorry for grammatical errors!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InsigniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon