Cait's Point of View
"Please mommm dahil sa paglipat natin dito di ko naabutan prom namin. Payagan mo na kong pumunta sa ball, jan lang naman yon sa malapit eh" "No, at kasalanan ko bang di mo naabutan yung prom? Sisihin mo yung corona virus" Fuck. She's always like this.Kahit kelan di niya ko pinapayagan umalis ng bahay! Arguing with her is pointless kaya nagbalik na ko sa kwarto ko and slammed my door shut. I don't wanna hear any of her bullshit. "Anong nangyare?" Narinig kong tanong ni Papa kay Mama.
"Ewan ko sa anak mong di marunong makinig! Hindi niya alam kung gano kadelikado ngayon! Para saan pa paglipat natin dito kung makikipag sayawan lang siya, there's corona for God's sake!" Sigaw ni Mama and I balled my fist, my blood boiling.
"Oh please stop using the virus! Kahit naman noong wala pa yung corona di moko pinapayagang lumabas! Kahit umaga pa yung lakad ko! Kahit practice pa sa mga school activities bawal kaya bumababa grades ko!" Sigaw ko pabalik and Dad opened my door, looking angry. "Don't raise your voice to your mother like that" Mahinahon niyang sabi and I broke down, crying.
"I hate mom, di ko na nga naenjoy childhood ko dahil sakanya pati yung teenage life ko sinisira niya din" Tuloy tuloy pagtulo ng mga luha ko and my Dad's face softened.
"...Okay okay. Ganto, ihahatid kita doon and by 11:00 PM susunduin na kita at dapat nasa labas kana okay? Kapag wala ka pa sa labas at pinaghintay moko di ka na makakaulit" "Thank you Dad!!" Sigaw ko sabay yakap sakanya habang pinupunasan mga luha ko at biglang dumating si Mama.
"No one's going anywhere like, there's corona! Social distancing is a must!" "Theresa, satingin mo ba hahayaan silang magthrow ng party kung meron ng virus dito? Kaya nga lumipat tayo dito kasi walang virus dito, just let our daughter live her teenage life"
I felt awkward kaya pasimple na kong lumabas papuntang banyo pero I was tempted to hear the rest of their conversation. "Di mo kasi naiintindihan ang mother's instinct! Mapapariwara yang anak mo kasi masyado kang maluwag sakanya!"
"Kaya malayo loob sayo ng anak mo, wala kang tiwala sakanya. Nakipag party naman din tayo noon nung kabataan natin ah? Pero di tayo napariwara" Dad said and I can't help but smile. You're the best Dad!
~~~
Nasa loob na kami ng car ngayon, si Dad nagddrive. Kinuha ko sa purse ko yung cellphone at nagbackread sa gc namin. Ni private message ko si Brooke kung nasan na siya at di siya nagrreply.Kakalipat lang namin 3 days ago and turns out di lang kami ang bagong lipat, marami rami din pala. Naisip ng sk na magthrow ng party para sa mga kabataan.
Napag usapan sa gc na ball ang gaganapin dahil di pa umabot ang prom namin ay ipinatigil na ang klase. Si Brooke palang ang kaclose ko at siya may hawak ng pass ko, di ako makakapasok ng wala siya.
At ngayon di pa siya nagrereply, ayaw ko naman din magbackout kasi nakabihis na ko at on the way na. "Yan na po yung venue Dad, pull over" Ginawa naman niya and I kissed him goodbye at bumaba na agad.
"Wait!" Tawag niya at ibinaba ang window at lumapit ako. "Remember, no drinking, no drugs and no sex okay?" "Dad!" "Okay okay, I'm sorry. Have fun!" Tawa niya. "I love you!" Sagot ko habang naglalakad na palayo.
May mga iilan ding taong nasa labas kaso lang wala akong kilala. Tinext ko ulit si Brooke at muntikan kong mahulog cellphone ko noong may biglang kumalabit sakin. Pagharap ko si Brooke pala. "Omg there you are! Bat di ka nagrereply?" I asked sabay palad, expecting her to give my pass but she smiled worriedly.
"Nakalimutan ko cellphone ko and... Nakalimutan ko din pass nating dalawa" "What?!" "Please don't be angry" Malungkot niyang sabi at bigla akong naguilty. "No its okay, everything will be alright. Here may load ako itext mo nalang mommy o daddy mo para maihatid nila" Sabi ko and she scratched her head.
"Di ko kabisado number nila" Wth. "May social media accounts ba sila? Please say yes" "Wala eh... I'm really sorry Cait" Iyak niya. "No no no please don't cry, may way pa siguro para makapasok" Sabi ko sabay tingin sa paligid.
Hinila ko si Brooke papunta sa likod ng venue at di naman ganon kataas ang bakod mga 6 ft lang siguro kaso lang naka gown kami pano kami mago over da bakod?! "Hubarin mo muna mga sapatos mo ang putik eh!" Narinig naming sigaw sa di kalayuan samin at pagsilip namin, may mga nago over da bakod din na dalawang lalaki.
"I've got an idea" Bulong ko kay Brooke.
YOU ARE READING
Lionel
Teen FictionMoving to a new neighborhood because of the pandemic covid19 can be stressful lalo na kung super awkward ka gaya ni Cait Bernardo. In the new neighborhood there she met Lionel, her polar opposite. ⚠Taglish