Chapter 2: Cinderella

21 7 1
                                    

Lionel's Point of View
"Why do I have to be the one doing this?" Inis kong tanong sa kapatid ko. Nakatalikod ako sakanya ngayon, nakaharap ako sa bakod at nasa likod ang dalawa kong kamay para matungtungan niya. "Kase you're taller than me hahaha may perks rin pala pagiging maliit" Tawa niya.

Pinatong na niya ang isa niyang paa sa intertwined hands ko at randam ko ang putik ng sapatos niya! "Hubarin mo muna mga sapatos mo ang putik!" Sabi ko at inalis niya ang paa niya agad at inaalis na siguro ang mga sapatos niya noong biglang,

"Go!" Narinig kong sigaw ng isang babae at pagtingin ko sa gilid may dalawang babaeng nakagown na tumatakbo papunta samin. Ang dilim di ko makita mga mukha nila. "Hoy ano ginagawa niyo!" Sigaw ko noong tumungtong sakin yung isa pero I stayed still dahil baka mahulog siya. Yung takong ang sakit sa kamay!!

"Mga miss--" Di matapos tapos ni Leonel sasabihin niya dahil sa tangkang pag awat sa mga babae. Nakapag over da bakod na yung isa at tumungtong naman yung isang babae at sobrang tulis ng takong niya, di ko kaya yung sakit.

"Miss sandali lang" Sabi ko at inalis ang mga kamay ko sa pwesto na dahilan para ma out of balance siya at mapatili ng pagkalakas lakas. Kumapit siya sa buhok ko at balikat na dahilan para ako naman ang mapasigaw sa sakit.

Agad kong ibinalik ang mga kamay ko sa puwesto at tinulungan na din siya ni Leonel para makapag balance at makalipat na. "Damn, those girls are crazy!" Sabi ni Leonel habang halos maiyak naman ako sa mga kamay ko na sobrang sakit at pulang pula not to mention my damaged scalp. Sigh. I looked down at napansin ang isang takong na nasa floor.

Pinulot ko to at pinagmasdan. Matulis na takong, sa pangalawang babae to for sure, ang sakit sa paa ng takong niya eh. "Oh kanino yan?" Tanong ni Leonel and I smirked. "Kay Cinderella"

Cait's Point of View
Fuck fuck fuck fuck fuckkkk. "Omg we did it!" Sigaw ni Brooke sabay yakap sakin and I face palmed. "What's wrong?" "My fucking heels fell!" I exclaimed while lifting my gown, showing my bare right foot.

"Oh no... Pano na niyan?" Tanong niya at bigla kong naalala yung dalawang lalaking nasa kabilang dingding ngayon. Hinila ko si Brooke paalis don at dumaan kami sa back door para makapasok. When we came in my jaw dropped, ang ganda ng venue, black and gold, ang eleganteng tignan.

Sakto lang ang dami ng mga taong nagsasayawan, ang saya. Umupo kami sa may gilid at nagkkwentuhan noong biglang, "Brooke lets dance!" Tawag nung isang lalaki sa dance floor and Brooked looked at me with an excited expression.

I motioned her to go and she happily stood up. Ugh, binibigyan na kong hints ng universe kanina kung bakit hindi ako dapat tumuloy pero I was so stubborn! So hanggang 11 akong nakaupo lang dito? Di ko naman pwedeng hubarin din yung left shoe ko, masyadong malamig. Tatanggapin ko nalang ang kapalaran ko.

Lionel's Point of View
Pagkapasok namin sa venue lahat nagsasayawan kaya diretso sayaw na din kami ng kapatid ko kasama mga bagong kaibigan. Di rin nagtagal umalis na ko sa dance floor dahil puro love songs ipinapatugtog nila at pormal na sayaw ang ginagawa nila.

Yuck. Pumunta ako sa may mga pagkain at kumuha ng inumin to rehydrate. While drinking, naalala ko bigla yung heels na tinapon ko sa basurahan sa backdoor kanina. I wonder, kaninong mapanamantalang babae kaya yon? Hmmm.

Sumandal ako sa pader at pinagmasdan ang paligid. Kung sino mang babae yon, siguradong iika ika na yon ngayon dahil di pantay ang paa okaya hinubad niya nalang din yung isang heels niya but she's stupid kung gagawin niya yon dahil sobrang lamig ngayon, I bet the floor is freezing cold and she wouldn't last long in the dance floor.

Pinagmasdan ko ang mga sumasayaw at wala namang weird sumayaw, yung kapatid ko lang. Wala namang iika ikang babae o mukhang nakatapak.

"Cinderella where are youuu" Bulong ko sa sarili ko at napansin ko yung babaeng nakaupo doon sa may gilid, kanina pa to nakaupo, ang lungkot ng mukha niya habang pinapanood mga sumasayaw. Kanino pa ko kinukutuban dito eh hah! Bingo tatay mong kalbo. Agad ko siyang nilapitan at umupo sa table niya.

Tinignan niya ko and smiled forcefully. "Hi" Bati ko at binati niya din ako ng 'Hello' "Don't you dance?" Tanong ko at tumawa siya ng mahina. "Long story" Sagot niya and I cleared my throat and moved closer to her.

"Is it because you loss your right shoe?" I asked and she looked at me in shock. "Actually uh..." Di na niya tinapos ang sasabihin niya at tumakbo palabas ng venue. I don't know why but I ran after her.

LionelWhere stories live. Discover now