Athena's Pov:
"Athenaa!!!!!!", Ashley shouted while running into me.
"Friend!!! Ang bilis mo maglakad!!! Kanina pa kita sinusundan!", ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hoy ikaw ha!!!! Nakakapagtampo kana talaga! Kailan kaba babalik sa dating ikaw? Naiintindihan ka namin, pero hindi naman pwede na panghabang buhay ka nalang magiging ganyan!! Akala ko dati astig magkaroon ng cold na friend, pero nung naging ganon ka narealize ko na di pala masaya!!! Ang hirap kaya! Kasi feeling ko lagi akong nakikipagusap sa hangin! Feeling ko wala akong kausap!! Hindi naman sa sinasabi kong boring kang kasama ha, pero kasi hindi kana namin nakakausap ng maayos. Tapo—", hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil huminto ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng kaunti.
"Ash, mamaya nalang tayo ulit magusap ha. Papasok nako sa klase ko.", agad namang tumango si Ashley. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot. Hindi ko iyon pinansin at nagpaalam na sa kanya dahil ayokong mahuli sa klase.
——
Pagkapasok ko sa classroom agad akong umupo, saktong kakarating lang din ng aming professor. Major in Mechanical Engineering ako, kaya madalas akong nakakakita ng mga kaklase na inaantok sa klase. But there are some students naman na kagaya ko. We really want to be a Mechanical Engineer, we are studying really hard to pursue it.
Grayson's Pov:
"Grayson, Anak kamusta na ang binabantayan mo?", tanong sa akin ni Panginoong Kes-yu
"Ah, Panginoong Kes-yu maayos naman po siya. Sa katunayan po nasa classroom siya ngayon at nakikinig ng husto sa kaniyang Guro. Wala din pong kahit anong problema sa paligid niya, walang tukso na makakalapit sa kanya", masiglang sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon Anak. Sadyang napakabukal ng puso mo bilang taga-bantay.", ngumiti na lang ako sa sinabi ni Panginoong Kes-yu dahil hindi ako sanay sa ganoong pagpupuri sa akin.
Bumalik na ako sa pagbabantay, subalit ako'y nabigla nang makita kong may isang tukso na umaaligid sa kanilang klase. Kaya naman dali dali akong bumaba mula sa langit upang puntahan ang tuksong iyon. Agad ko itong tinapatan ng panday sa leeg na mukha namang ikinagulat nito. Hinawakan ko ito sa kamay at dinala sa rooftop ng paaralan dahil ayokong may madamay.
Pagkadating namin, agad kong pinahiga ito at inapakan ang kanyang dibdib.
"Sino ang nagpadala sayo dito?", inis na tanong ko sa kanya. Ngunit hindi ito umimik kaya mas diniinan ko pa ang pagkakaapak sa kanya.
"Sino ang nagpadala sayo dito?!", paguulit ko sa mas mataas na tono.
"W-walang n-n-nagpadala sakin! Ku-kusa akong nagpunta d-d-dito.", Tiningnan ko ang paligid upang masiguro kung wala na bang iba pang tukso.
Subalit bigla niyang kinuha ang akin panday dahilan para madaplisan ang aking paa kaya agad ko itong natanggal sa kanyang dibdib. Itinapat naman niya ang panday sa aking leeg at tumawa ng malakas.
"HA HA HA HA HA!!! Isa ka palang tagapagbantay?! Isang mahinang tagapagbantay!!!! Akala mo kung sinong malakas!!! Madali lang namang maagaw ang panday!!! HA HA HA HA HA!!!!", pang-iinsulto nito sa akin.
Unti-unting nagiba ang anyo nito at doon ko napagtanto na ito'y si Abyadon, isa sa Pitong prinsipe ng kasamaan. Sa sobrang gulat ko'y bigla akong nanigas, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa ganitong sitwasyon. Naramdaman ko na unti-unti nitong dinidiin ang panday sa aking leeg kaya't ako'y napapikit.
Tinatawag ko si Panginoong Kes-yu sa aking isip, dala nadin ng aking pagkatakot. Nagdadal ako na nawa'y matulungan niya ako. Alam kong nakikinig siya kaya alam kong darating siya para sa akin.
YOU ARE READING
Is This Real?
ParanormalHaving an extra ability might be awesome but for Athena it sucks! She doesn't like her ability because she believes that it is the reason why her life became miserable. But she doesn't know that because of her ability she will be able to meet her Gu...