Kabanata 4Maaga akong nagising sa sobrang exited kong pumasok ay napaaga din ang pag pasok ko sa trabaho .
"Good morning manong." bati ko sa security guard na nakangiti .
"Good morning din po Ma'am , para pong napaaga yata kayo at napaka blooming nyo po Ma'am. "
Tipid akong ngumiti ."napaaga lang po ng gising."
"Alam nyo po bang ganyan din ang dahilan ni Sir." napakunot ang noo ko...ibig sabihin nandito na si Raille.
"Nandito na po sya?" Tanong ko kay manong .
"Opo kani kaninalang halos sabay nga lang po kayo ehh."
Napahawak na lang ako sa dibdib ng maramdaman ko ang bilis ng tibok nito, nagpapaalam ako kay manong at nagtungo na sa opisina.
Nang makarating ako sa harap ng pinto ay dahan dahan ko itong binuksan, bumulaga sa akin ang maskuladong katawan nito bakat na bakat ang abs nito sa suot nitong white V - neck shirt .
Nang mapagawi ang mata ko sa gwapo nitong mukha. Napakagat ako ng labi ng maalala ko ang nangyari kagabi.
How can I forgot what happen last night kung hanggang ngayong nga ay nararamdaman ko pa rin ang pag dampi ng labi nya sa akin.
Napayuko ako ng tumingin ito sa akin, agad kong tinungo ang table ko at inabala ko ang sarili sa pag aayos ng sandamakmak na papeles na hindi ko na tapos dahil ang lunch na sinabi nito ay umabot hanggang gabi.
"Good morning."
Sa sobrang gulat ko , bigla ko na nalang nabitawan ang hawak kong mga papeles , dahilan para magulo ulit ito at ang masama pa ay nahulog pa ang iba sa sahig, dali dali ko itong pinulot bago nag angat ng tingin dito.
"Sorry, if I'm distracting you." sabi nito at tinulungan ako sa pamumulot ng nagkalat na papeles .
Nang mapulot ng lahat ay agad kong inaayos ang aking pencil cut na suot dahil medyo tumaas ito. Saktong lingon ko dito , sakto ding pag bukas ng pinto at bumungad doon ang pamilyar na mukha kung hindi ako nag kakamali ay ito ang nasagi ko kahapon .
"Babe!" Tawag ni Yvonne sa lalaking nasa harap ko.
Tumingin ako sa suot nito , Yvonne wearing a tight sexy red dress showing her bare skin. It's really fits in her , bukod sa maganda, sexy pa, lahat ata ng kalalakihan ay maghahabol dito kaso nga lang ang ugali medyo hindi ko gusto.
"Yvonne why are you here?" Tanong ni Raille na wala na sa aking harapan.
"Don't you remember ? Birthday ko ngayon." Sabi ni Yvonne habang hinihimas himas pa ang braso nito.
Para akong nairita , kaya naman pabagsak kong ipinatong ang mga papeles na nilimot ko at pasalampak na umupo dahilan para maagaw ko ang atensyon nila , kahit alam kong patingin tingin sa akin si Yvonne , hindi ko ito nililingon patuloy lang ulit ako sa pag aarange ng papeles na sana'y tapos na.
Patuloy pa rin ako sa ginagawa ko at nang mag angat ako ng tingin sa dalawa na hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin... parang mga manhid hindi man lang nakakaramdam na may tao dito , itinuon ko na ulit ang tingin ko sa mga papeles.
Wala pa mang kalhati ang na aarange ko ay may narinig akong ungot nang tumingin ulit ako sa dalwa na mag pa hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin.
"Babe" ungot ni Yvonne kay Raille habang nakapalibot ang kamay ni Yvonne sa leeg ni Raille at ito namang si Raille ay nakahawak sa baywang ni Yvonne.
Naglalambingan ang dalawa habang ako ay nanonood ... Napairap ako sa ere ng mas hinigit pa ni Yvonne si Raille papalapit sa kanyang mukha... At bigla ko nalang ulit nabitawan ang mga papeles na kakaarange ko palang ng makita ko ang pag hahalikan ng dalawa sa harap ko ... Kahit si Yvonne ang nauna ay alam kong ginusto din yun Raille lalo na't may pag pikit pa ito ng mata habang hinhalikan ni Yvonne.
BINABASA MO ANG
In Her First(Monteverde Series#1)-COMPLETED ✓
RomanceWarning: Mature Content | SPG | Her first (Monteverde Series#1) Almost perfect boss of Monteverde Buildings Company that every woman dreaming , pero hindi lahat ng babae ay maghahabol sa kanya , like his new secretary na wala pang karanasan sa laha...