"Congrats!" Sabi sakin ng isang kahina-hinalang lalaki."Uhm, thank you, sino po sila?" Sabi ko sa kanya.
"'Uy, di mo ba ako nakikilala? Shaw?" Sabi niya sabay tanggalin yung jacket
(Huh!? Kilala niya ako?)
Natulala ako nung nakita ko yung mukha niya.
Si Miguel siya."Uy!" Sabi niya sakin.
"Ayy ikaw pala iyan!" Sabi ko sa kanya na may kasamang pagkagulat.
"Oo nga!" Sabi niya sakin.
"Saan ka na ba nag-aaral ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Sa Angelicum Colleges" sagot niya.
"Parang pamilyar sakin yung school na yun ah. Ah oo nga, doon nga pala nag-aral dati si Nash diba? Dun ulit siya mag-aaral sa next year ee sabi niya saken at sakto nga ee kasi lilipat na din kami doon nila kuya at Sasha ee." Paliwanag ko sa kanya.
Tapos nun nag daldalan kami. Madami akong tanong sa kanya at madami din siyang tinanong sa akin. Tinanong namin sa isa't isa kung mag Boyfriend or Girlgriend na kami at pareho naming sinabi na wala, crush lang tapos nag tanong ako sa kanya kung sino crush niya at sabi niya si Vanessa daw. At tinanong niya din ako kung sino ang crush ko at ang sagot ko naman ay si Nash. (Shhhh, wag niya sasabihin sa kanya ahh). Tapos nun biglang natameme siya.
"Shaw" tinawag ako ng Ma'am ko.
"Yes ma'am?" Sabi ko.
"Pasok na" sabi ni ma'am.
"Uhm bye na Miguel ahh di pa kasi tapos yung activities namin ee. Baka mamaya nalang tayo magkita." Sabi ko kay Miguel.
"Eh saan tayo magkikita?" Tanong niya.
"Sa Coffeecat." Sabi ko.
"Ok sige, sama mo na din sila Cam." Paalala niya sakin.
"Oo, sige ba." Sagot ko.
*Sa Room
"Uy Shaw, nakita ka namin na may kausap kang lalaki kanina. Sino siya?" Sabi nila Cam.
"Si Miguel" sagot ko sa kanila.
"Huh?! Si Miguel?" Sabi nila
"Pero, akala ko ba nasa ibang school na siya nag aaral. Eh bakit nandito siya?" Sabi ni Vanessa.
"Ano ba sabi niya sayo?" Tanong ulit ni Cam.
"Magkikita daw kami mamaya eh, sasama ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Oo naman Yes!" Sabi nilang dalawa.
*Sa bahay
Nakita ako ni mommy na nag-aayos.
"Shaw, where are you going?" Tanong ni mommy.
"Um, pupunta lang po ako sa coffee cat kasama sila Cam at Vanessa." Hay naku, nahuli pa ako.
"Ahh ok, sige, go ahead." Sagot ni mommy
Nag-text na sa akin si Cam.
From: Cam
Beh, nasan ka na?
To: Cam
Malapit na sa Bahay nila Vanessa. Kasi susunduin ko siya eh.
From: Cam
Ah ok, sige order na ako ah, ano ba gusto mo?
To: Cam
Milkshake na lang. Tatanungin ko nalang din si Vanessa. Wait lang ah nandito na kasi ako sa bahay nila. Text ko nalang sayo kung ano ang gusto niyang iorder.
From: Cam
Ok. Sige.
*sa Harap ng bahay nila.
Kumatok ako at sabay ko na tinawag si Vanessa."Tao po?" Sabi ko sabay katok sa pinto ng tatlong beses.
Nagulat ako nung binuksan ni Tita Aisha (mommy ni Vanessa)"Sino yun?" Sabi niya habang binubuksan yung pinto.
"Ay, ikaw pala Shaw. Wait lang ah, tatawagin ko lang si Vanessa." Sabi ni Tita Aisha."Sige po." Sagot ko.
"Upo ka muna diyan." Sabi ni Tita.
*umupo na ako
Maya-maya, bumaba na si Vanessa at sumakay na agad kami sa kotse ko.
Nung nasa kotse na kami, tinanong ko na agad sa kanya kung ano ang gusto niyang orderin sa Coffee cat.
"Bhe, ano ang gusto mong orederin sa coffee cat sabi ni Cam?" Tanong ko sa kanya.
"Um, kahit chocolate milkshake nalang." ^_^ sabi niya.
Malapit na kami sa Coffee cat at habang papasok kami sa coffee shop, may lumapit sa amin na mga bata at nanghihingi sila ng limos, siyempre, di naman kaya ng konsensya namin na makita sila ng ganun, inorder ko sila ng tag-iisa ng tinapay at inumin.
Pumasok na kami sa coffee shop at nakita na namin ni Vanessa sila Cam at Miguel.
"Uy, nandito ka na pala!" Sabi ko kay Miguel.
"Ay, si Miguel pa talaga yung inuna, hiyang-hiya naman ako teh." Pagseselos ni Cam.
"Hemp, ito naman, para naman di tayo nagkikita araw-araw." Paliwanag ko kay Cam habang papalapit kami sa kanila.
"Oy, tama na yan, uminom nalang muna kayo ng milkshakes ninyo" Pag-aawat sa amin ni Vanessa.
"Hum, bakit mo nga pala ako pinapunta dito? May sasabihin ka bang importante?" Tanong ko kay Miguel.
"Oo sana eh kaso nandito sila eh." Sagot niya
Habang nagkukwentuhan sila Vanessa at Cam, biglang may tumawag sa kanila at sabay pa. Baka nga sinasadya nila pa yun eh tapos lumabas sila at bumalik agad sila at sinabing, "uy bhe, alis na kami ah tinawagan kasi ako ni mommy." Siyampre ooo nalang ako kasi tinawagan daw sila ng mga mommy nila.
"Ano? Okay na ba?" Tanong ko kay Miguel.
"Oo, thank you ahh." Sabi niya.
"Bakit?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ah, wala yon, may pagtapat lang sana ako sayo." Sabi niya.
"Ano yon?" Tanong ko.
"Kung alam mo lang na....."
NABITIN BA KAYO SA PAGBABASA? DAHIL SA PAGSASABI NG "CONGRATS" NI MIGUEL KAY SHAW, BABALIK NA BA ANG FRIENDSHIP NILA?? ABANGAN SA NEXT CHAPTER KUNG ANO ANG MANGYAYARI.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love (Expect the Unexpected)
RomancePaano kaya kung nahulog ang loob mo sa Best-friend mo at di mo alam Na nahulog na din ang loob niya sayo? (A/N) Hindi din po masyadong uso dito yung mga "Point of Views" Yung feeling na lagi kayong aalis tapos lagi ka din late tapos may friend siya...