Shaw's POV
Hi there! Christmas vacation na namin sa isang araw at bukas ay christmas party na namin. Excited na nga akong makipag exchange gift eh (sa totoo lang regalo lang ang gusto ko kapag pasko eh) Sino kaya ang nakabunot sakin? Siguro malas yun kase ang mahal nung pinapabili ko eh, tatlong doraemon comic books eh P60 ang isa nun. yun ang gusto ko eh, hahaha. Basta! Excited ako kasi ang mura lang nung gusto ng nabunot ko, isang egg wallet, eh P100 lang yun sa Mall eh. Bibigyan ko din ng regalo sila Cam at Vanessa. Yung favorite nila (actually namin) na accessory na Eiffel tower (Its either earrings, bracelet or necklace) o kaya naman ay dress nalang. Kaso nakabalot na yung Eiffel tower na accessories eh. Hayyyy! Merry Christmas and Happy New Year nalang sa inyong lahat!
*School
"Nakabalot na ba yung mga regalo na ibibigay niyo sa mga classmates na nabunot niyo?" Tanong ng Adviser namin.
"Yes Ma'am!" Sagot namin.
"Ok, class basta wag niyong sasabihin kahit kanino kung sino ang nabunot niyo para surprise sa kanila. Okay ba yon? Nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi ng Adviser namin.
"Yes Ma'am!" Sagot ulit namin kay Ma'am.
Bumulong sa akin si Cam,
"Bhe, sinong nabunot mo?"
"Oy, sabi ni ma'am bawal daw sabihin diba? Ang kulit mo talaga!" Sabi ko.
"Okay lang yan, bilis, sabihin mo na." Sabi niya ulit.
"Bhe, sinong nabunot mo?" Tanong naman ni Vanessa.
"Sabi ko na nga ba eh, di ka magpapaiwan, kasi si Cam din nagtatanong sakin kung sino ang nabunot ko, di ko naman sinabi, kaya wag ka namng umasa sakin na sasabihin ko sayo." Sagot ko.
Nag-uusap kami nila Vanessa at Camille.....
Biglang....."Uy Shaw, pwede batayong magpunta sa Mall bukas? Kahit isama mo na buong barkada mo at isasama ko na din yung buong barkada ko para masaya tayo." Sabi ni Nash sa akin habang kausap ko sila Cam at Vanessa.
"Uyyyy! Iiwanan muna namin kayo diyan ahh mag-usap lang kayo ng mag-usap diyan hanggang maubusan kayo ng laway!" Sabi ni Cam.
(Hayy naku si Camille talaga! Sobrang, hhaaahhaaaahhaa nakakainis!)
"Oo sige ba. KKB tayo ahh." Sabi ko kay Nash na may kasamang kilig deep inside!
"Sige ba. Thank you nga pala ahh!" Sabi niya
"Sige, walang problema!" Sagot ko sa kanya.
*Lumapit ako sa may kila Cam at Vanessa
"Uy beh! Grabe kayo ah!" Sabi ko habang may konting kilig.
"Bagay kasi kayo ni Nash eh" sabi ni Cam.
"Oo nga eh" pahabol ni Vanessa.
"He! Tumigil ng akayong dalawa diyan!" Sabi ko.
"Eh bakit ka nag ba-blush?" Nakakabuwisit na tanong ni Cam.
"Oo nga" sabi ni Vanessa.
"Aaayyyiiiiieeeeeee!" Sabi nilang dalawa.
"Ughh, basta!" Irritated kong sabi.
*Lunch
Nasa Food court na kami, at nag-tanong na naman silang dalawa.
"Beh, yung totoo, crush mo ba si Nash?" Pang-iinis na tanong nila.
"Hindii! Naku, pag di kayo tumigil baka maghanap pa ako ng bagong friends!" Super duper inis ko na talaga na sinabi sa kanilang dalawa.
"Ay, hindi na, sorry na, joke lang yun, eto naman di, mabiro." Sabi nilang dalawa sa akin.
"Tsss! -_-" sabi ko.
Tapos nun kumain na kami.
*Tapos na ang lunch
Nasa class room na kami.
Halos wala naman kaming ginagawa sa room eh kaya yung iba nag-cutting classes na lang. Pero hindi kami kasali sa pag ka-cutting classes.
*Next Day
"Merry Christmas bhe!" Sabi sa akin ni Cam habang naka ngiti.
"Merry Christmas din bhe. Aba, parang ang aga mong dumating ngayon ah." Sabi ko sa kanya na may konting pag-tataka.
"Excited eh." Sagot niya.
"Hahaha. Oh, nandiyan na pala si Vanessa." Sabi ko.
"Merry Christmas bhe!" Sabi namin ni Camille kay Vanessa.
"Merry Christmas din sa inyo mga bhe. Wow ang aga niyo ngayon." Sagot ni Vanessa.
"Excited eh." Sagot namin ni Cam.
Maya-maya pa ay nag-simula na ang program hanggang 9:00. Tapos nun Nag-exchange gift na kami.
1:00
Uwian na kaya nag-punta na agad kami sa Mall. Habang nasa jeep kami, di maiwasan ang mag-daldalan tungkol sa mga nangyari kanina sa classroom namin.
Nasa Mall na kami ngayon, ang unang pinuntahan namin ay yung sports zone para makapaglaro at makapaglibang na din kasama mga friends ko at si Nash (yung totoo?!)
Nag-lalaro ako sa may basket ball mag-isa at biglang tumabi sa akin si Nash sakto na naman na papunta na pala yung mga friends ni Nash at sila Camille sa akin sabay sabing...
"Aaaayyyyyiiiiiieeeeeee!!!!"
Nung tiningnan ko si Nash nakangiti lang siya, parang nag ba-blush at kinikilig (siguro kinikilig siya dahil sa KAGANDAHAN ko!)
Sabi ko "Hoy! Tumigil na nga kayo! Nakakainis na kayo ahh! (Sabay walk out)"
Hinabol ako ni Nash...
Sabi niya "Oy! San ka pupunta?! Christmas party natin ngayon! Dapat masaya di yung nagwo-walk out ka diyan! (Sabay bulong sa akin) Wag ka nalang mag-paapekto sa kanila kasi totoo naman na......" Bigla siyang hinatak nila Toffer (Isa sa barkada ni Nash)
"Oyyy! Anong ginagawa niyo diyan!? Anong pinagbu-bulungan niyong dalawa diyan!? Ha?!" Sabi ni Toffer sa amin.
"Ano ba!? Bakit niyo ako hinila!?" Pasigaw na sinabi ni Nash kila Toffer.
"Wala lang kasi baka may something na kayo ni Shaw diyan ehh." Paliwanag naman ni Toffer.
"Oh, sige na! Tama na yan! Punta na lang tayo sa Bench & Bath baka may gustong tumingin-tingin dun. Tara na" pag-aawat ni Camille.
"Sama na kami ni Shaw sayo" sabi ni Vanessa kay Camille habang nakatingin kay Shaw.
Nasa Bench & Bath na kami. Ang cute nung colors ng mga face towels kakulay nung mga favorite colors ko. Pink, yellow at violet.
"May gusto ba kayong bilhin? Libre ko na kayo!" Pag-aaya ni Cam.
"Ako wala. Wait ha CR muna ako hintayin niyo na lang ako, text niyo nalang ako kung may pupuntahan kayo, susunod na lang ako." Sabi ko habang nag-mamadali.
Habang naglalakad ako nang mabilis, may nabangga akong lalaki, isang hindi inaasahang pagkikita ang nangyari, ang nabangga ko ay si Miguel kasama yung family niya.
Ang sabi ni Miguel habang
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love (Expect the Unexpected)
RomancePaano kaya kung nahulog ang loob mo sa Best-friend mo at di mo alam Na nahulog na din ang loob niya sayo? (A/N) Hindi din po masyadong uso dito yung mga "Point of Views" Yung feeling na lagi kayong aalis tapos lagi ka din late tapos may friend siya...