"Hoy Louisa lumabas ka jan!" malakas na sigaw ng isang ale "Ilabas mo ang asawa ko! " dagdag pa nito
Isang gwapong matipunong lalaki ang lumabas mula sa bahay.
"Ano bang ginagawa mo dito Louise? Pwede ba umalis kana? " galit na pagtaboy ng lalaki sa kanya
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi kita kasama!" madiin na sabi ng ale na nagngangalang louise
"Ano bang kailangan mo sakin? Umalis kana! " tanong ng lalaki sa kanya habang pilit sya nitong itinataboy
"Please Justin kailangan kita, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka sa piling ko" pagsusumamo ni Louise sa kanya
"Tapos na tayo, wala na, natuludukan na, HINDI NA TAYO" madiing sambit ni Justin sa kanya "Tigilan mona kami ni Louisa, masaya na kami"
"Bakit di kaba masaya kasama ako? Binigay ko naman sayo lahat ahhh. Sabihin mo sakin kung ano pa ang kailangan mo, ibibigay ko" pagmamakaawa ni Louise
"May anak kami Louise, buntis si Louisa kaya tumigil kana" mahinahong sinabi ni Justin sa kanya
Tila natigilan sya sa sinabi ni Justin
"Si Louisa buntis? " tanong ni Louise sa kanyang isipan
Habang tulala si Louise sa kanyang narinig ay bumalik na sa loob ng kanilang tinitirhan na bahay si Justin
Nanatiling gulat at di makapaniwala si Louise sa kanyang narinig.
"Si louisa buntis? " "masaya na sila? " "Tapos na kami? " "Tumigil na ako? " paulit ulit na bulong nito sa kanyang sarili
Tulalang naglakad si Louise paalis. Di parin sya makapaniwala. Hanggang sa mapadpad sya sa isang kakahuyan.
"Hindi ako makakapayag, akin kalang Justin, AKIN KA LANG! " sigaw nya "Hindi ako makapapayag na maging masaya kayo"
Habang nakatayo sa gitna ng kagubatan ay para syang baliw na sinasapian.
"Sa oras nang pagsilang ng sanggol na dinadala ni Louisa sa kanyang sinapupunan ay magdidilim ang buong paligid. Magdadala ito ng unos sa pagsilang nito. At sa oras na mahalikan na ang sanggol ng kanyang mga magulang ay isinusumoa ko ang sanggol. Ang sino mang magmamahal sa kanya na higit pa sa sarili nitong buhay ay mamamatay at magiging abo. At sa oras na sya naman ang umibig sa isang tao na higit pa sa kanyang sarili ay sya ang mamamatay at magiging abo. ISINUSUMPA KO KAYO! "
Dumilim ang paligid at lumakas ang hampas ng hangin, tila ba'y may isang malakas na bagyo ang nandoon.
"AHHHHHHHHHH" Malakas na sigaw ng babae.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In Love With Me
Fantasy"Mamahalin mo parin ba sya kahit alam mong pwede kang mamatay dahil dyan sa pagmamahal mo sa kanya? " Yan ang tanong na gustong sagutin ni Khlea Regis. Isang babaeng nahulog ang loob sa isang misteryosong binata na si Lucas. Ang sabi ng ilan ay pin...