"Gooooddd mooornnnnniinggg" masaya kong sigaw pagkagising ko, ang ganda kase ng gising ko today.
Babangon na dapat ako pero dahil maganda ang gising ko ngayon ay kinuha ko muna ang phone ko then it's time to picture picture.
Pose here, pose there, awra here and awra there.
Matapos kong magpicture ay dumeretso na ako sa banyo para maligo.
Ako ay pinagpalit pero di yon masaket
Alam ko sa sarili ko na ako mas higit yeah
Wait, ohhh ako mas higit yahNabuhayan ako lalo dahil sa pinapatugtog ko. Di naman ako pinagpalit pero gusto ko yung beat at yung pag lip sync ko dito.
"Anak dalian mona!" rinig kong sigaw ni mudra saken galing sa baba
Hindi ko mawari kung pano napapaabot ni mama yung boses nya dito sa second floor pero kailangan kong bilisan dahil baka magbagong anyo si mama at maging dragon sya, charot.
Pagkatapos kong maligo ay ginawa kona ang mga iba ko pang morning rituals para tamang pa fresh lang muna.
"Good Morning my lovely family " masigla kong bati sa kanila habang bumababa ng hagdan.
"Good morning din anak" nakangiting bati sa akin ni dad na nagbabasa pa ng dyaryo
"Oh anak halika na dito para makakain kana at makaalis na para pumasok sa school, nako ayaw ko namang malate ka kaaagad sa first day dahil baka kung ano pa isipin ng mga teacher mo" mahabang hanash ni mudrakels habang aligagang hinahanda ang mga inihandan nya para sa umagang ito
Medyo hindi ako sanay kasi tapos na ang bakasyon at hindi pa ako totally nakapag adjust.
Tamang kwentuhan lang kaming lima habang kumakain. Si mama pupunta daw ng mall mamaya para mag grocery, si dad naman ay pupunta na sa opisina nya, si ate Khlair naman papasok din sa university malapit sa kumpanya ni dad, at yung bunso naming lalaki na si Khlarenz naman ay kasabay kong papasok dahil parehas kami ng school na pinapasukan.
"Bye ma, Bye dad, bye ate" paalam namin ni Khlarenz sa kanila dahil mauuna na kami.
Habang naglalakad papunta sa kotse ay hindi ko mapigilang isipin kung ano bang gagawin namin nila Clara mamaya. Gad hindi pa nga ako nakakapasok gala na agad nasa isip ko, kaloka lang ahh.
"Ate san tayo sasakay, dito sa blue or sa red? " tanong saken ni Khlarenz, kaya tinignan ko kung ano ba mas magandang gamitin.
Hmmm alin nga ba mas maganda? Yung red bagay sa make up ko for today. Yung make up ko lang naman is pang casual look lang naman wag kayong ano charr. Yung blue naman bagay sa uniform namin. Blue kasi yung palda ko at blue din naman yung slacks nung kapatid ko. Hmmm alam kona.
"Dun tayo sumakay sa violet" sagot ko sa kanya habang naglalakad papunta dun sa regalo sakin nila dad nung birthday ko. May driver pa ako dahil 17 palang ako.
Nang makaratin ako sa tapat ng kotse ko ay tinignan ko ang kapatid kong di makapaniwala sa sagot ko
"Oh ano tutunganga ka nalang ba jan? Gusto mo bang malate sa first day mo? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
Naglakad naman sya papunta sa direksyon ko at sasakay na dapat sya sa kotse pero hinarap nya muna ako
"Ang labo mo ate, wala naman sa choices yung pinili mo" di maipintang mukha nyang sinabi saken. Anong malabo dun? Ehh eto yung bumagay sa bag ko ehhh. Favorite ko kasi talaga ang color violet, kahit sinong tanungin mo.
"Dalian mona para makapasok na tayo" sabay mahinang tulak ko sa kanya.
Medyo tahimik lang kami habang bumabyahe, medyo lang kasi syempre etong kapatid ko napaka ingay madaming hanash.
"Ate ok ba itsura ko? "
"Ate may naiwanan ba ako? "
"Ate maganda ba tong bag na pinili ko? "
"Ate mabango ba yung pabango ko? "
"Ate malinis ba ak-""Oo maayos itsura mo, wala kang naiwan, maganda naman yang bag mo, syempre naman mabango ka kasi kung mabaho ka ehh kanina pa kita pinababa at oo malinis ka namang tignan" sagot ko sakanya dahil nakakaloka sya. Ewan koba dito sa kapatid ko masyadong nagpapapogi.
"Khlarenz umamin ka nga saken may crush kaba? " tanong ko sa kanya habang pinanliitan ko sya ng mata
"Hay nako ate wala akong crush, gusto ko lang mag pagwapo kasi baka asarin lang ako ng mga kaibigan ko" naiinis nya sagot saken.
Hay eto talagang kapatid ko ayaw magpatalo sa mga kaibigan nya. Kunsabagay naman kase ehh inaasar sya pag may di maganda sa kanya
"Haysss bunso kahit anong itsura mo, kahit anong amoy mo tanggap namin yon, kasi mahal ka ni ate" paglalambing ko sa kanya. Eto kasing batang to masyadong ano sa sarili.
"Mahal din po kita ate" malambing nyang sinabi saken. Nako kung kaedad ko lang to at hindi ko kapatid nako, baka crush kona to. Pero syempre kapatid ko 'to ehhh
"Ma'am Khlea nandito napo tayo sa school nyo" pagtawag atensyon samin ni Mang Jordan. Kahit kailan talaga panira, naglalambingan pa kame nitong lamang lupa kong kapatid ehhh.
"Ate una napo ako" paalam sakin ni Khlarenz na mabilis pa sa kidlat na bumaba sa sasakyan at tumakbo papunta sa elementary building. Grade 6 na kasi sya.
"Mang Jordan wag nyo na po akong tawaging ma'am, sige po una na po ako" sabi ko sa kanya bago isarado ang pinto ng kotse.
"Ayy sige po ma'a- este Khlea" nahihiyang sagot ni Mang Jordan.
Hinintay ko munang umalis sya bago ako humarap sa gate ng school.
So eto na kailangan ko nang pumasok para sa magandang future na naghihintay saken.
"Hi Kuya Guard" masigla kong bati sa guard nitong school. Close naman kami ni kuya kasi pag late akong pumapasok ehh nagke-kwentuhan kaming dalawa.
"Ohh Good morning Khlea buti naman at hindi ka late ngayon" bati din saken ni kuya. Diko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi nya ehh pero sige hayaan nalang.
"Naman" medyo taas-noo kong sagot sa kanya pero pabiro lang naman.
Pumasok na ako school and syempre hindi mawawala ang pa banner ng school na 'WELCOME BACK STUDENTS' kineme nila.
Sa lahat ng estudyanteng kasabay kong naglalakad dito sa malawak na harapan ng school.
Malaki kasi yung sakop ng school namin. May malaking space sa harapan ng school na parang dalawang basketball court or more pa. Then may pa soccer field, volleyball and basketball court, iba pang area na pang sports and maluwag na cafeteria.
Maganda ang kalidad ng school na ito kaya naman maganda ang ratings at feedback ng mga tao.
Pero syempre uunahin kong hanapin muna ang mga beshies ko. Para naman di nakakahiyang maglakad lakad papunta sa room namin.
"KHHHHLLLLLEEEEEAAAAAAA" isang malakas na tili ang nakaagaw sa atensyon ko. Pag lingon ko ay di ako makapaniwala.
"Jessica? "
~~~~~~~~~~~~
Thank you po sa pagbabasa. Hehe. Sisikapin ko nang mag update para naman hindi na ako mabaliw kakaisip kung saang black hole ko ilalagay mga ideas kong hindi ko maisulat.
Until next ud
>_<
~~~MnM~~~
BINABASA MO ANG
Don't Fall In Love With Me
Fantasy"Mamahalin mo parin ba sya kahit alam mong pwede kang mamatay dahil dyan sa pagmamahal mo sa kanya? " Yan ang tanong na gustong sagutin ni Khlea Regis. Isang babaeng nahulog ang loob sa isang misteryosong binata na si Lucas. Ang sabi ng ilan ay pin...