Two

7 0 0
                                    

The Gameplay


We started playing at ang naunang nabunot ay si Josh. Sinimulan ni Mika yung pag bunot kasi turn niya naman na. Nung nakaraan kasi si Blaster ang nauna.

"Truth or Dare, Josh?." Ani ni Mika.

"Dare syempre. Hahaha." Sabi naman ni Josh habang lahat kami ay natatawa sa kaniya. Lagi naman dare yan. HAHAHAHA.

"Hmmm, ano sa tingin niyo guys? Help! HAHAHAHA".Mika

"I have an idea!" Singit naman ni Kaye.

Lahat kami napatingin sa kaniya at nakangisi lang siya samin.

"Pick a girl, and kiss her torridly." Kaye

"Hahahahahaha! Napaka-basic naman niyan!" Lahat kami ay nag tawanan kay Josh. Magagawa ba niya?

Sa totoo lang ha, ngayon lang nagkaron ng sexual yung truth or dare namin. Yung mga nakaraan kasi, kundi kakain ng kadiring pagkain, papasayawin ka or di kaya ipapahiya ka nila.

Scary ha. Hahaha. Langya to si Kaye.

Tumayo na si Josh at nilibot niya yung paningin niya sa beach.

Bigla siyang napatigil nung may isang babae na papalapit sa kaniya. At ayun na nga ayun ang hinalikan niya. Jusko, grabe yung mga halikan nila.

"Oh, well. Kaye, bigo ang plano mo. Mukhang di nahirapan si Josh. Hahahahaha". Sabay sabay kaming natawa sa sinabi ni Jessy.

Tinuloy na namin ang laro. Si Josh naman ngayon ang bubunot.

Nabunot ni Josh si Maica at nagsimula na ang tanungan.

"Maica, truth or dare?" Tanong ni josh.

"Truth." Sagot ni Maica.

Nagulat naman ako sa sinagot niya. Lagi kasi siyang hindi takot na piliin ang dare. Pero ngayon?

Nakita ko ang pagtataka sa mukha nila. Kaya feel ko alam kona itatanong nila dito.

"Why truth?" Nagulat naman si Maica.

"Well, the truth is natatakot ako na baka ipagawa niyo din sakin yung ginawa ni Jacob. I just can't do it e lalo na kung sa diko kakilala. I will just kiss a man na pag mamay-ari ko. Kaya eto. Hahaha." Natulala naman kaming lahat pero sabay sabay na din natawa. Nang matauhan na kami ay bumunot naman na si Maica.

Nabunot ni Maica si Blaster.

"Truth or dare, Blaster?" Tanong ni Maica.

"Hmm, truth." First time lang din piliin ni Blast ang truth. Kaya hindi namin siya mapa-amin kasi puro dare ang pinipili niya. Etong laro namin na ito, dito tumitibay lalo yung friendship namin kaya hindi pwede na basta basta nalang mag sisinungaling.

Kaya eto na yung pagkakataon. Nagsalita na ako.

"Blaster, are you gay?" Usal ko.

Kita sa mukha ni Blaster na nabigla siya sa tanong ko. Pero nang makita niya na sumang-ayon ang lahat at nag-aabang na sa sagot niya ay napabuntong-hininga na lamang siya at agad nag-salita.

"Yes, since highschool. Sorry guys, wala kasi talaga akong tiwala sa sarili ko. Pinipilit ko mag pakalalaki pero di talaga kaya ng bangs ko. Hindi ko rin masabi sa inyo, ayoko husgahan niyo ako." Medyo malungkot ang tono nang pag-kakasabi niya pero biglang sumaya din naman dahil niyakap namin siya.

"Blaster, ano ka ba naman. Sa sobrang pagmamahal namin sayo kahit pa mag damit pambabae ka at mag make up tatanggapin at tatanggapin ka namin. Hindi naman kami basta-basta nalang mang-iiwan. Mahal ka namin Blast." Maica

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth Or Dare (Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon