Prologue

3 3 0
                                    

Prologue

Kasalukuyan akong nakapikit at ang mga earphones ko ay nakapasak sa magkabilang tenga. Dinadama ko ang bawat instrumentong napapakinggan sa kanta.

Ramdam ko ang bahagyang init na bigay ng araw sa aking mukha. Tinanaw ko ang mga gusali na sumasalungat sa takbo ng sasakyan. Maliwanag pa sa labas kahit nakasisiguro akong lagpas alas singko na.

Kasalukuyan na akong pauwi dito sa bahay namin sa Guadalajara.

Matapos ang ilang sandali ay tumunog ang screen ng aking telepono. I received a text from a friend.

Adriana:

¿Qué pasa, chica?
(What's up, girl?)

Nang makita at makaisip ng reply ay agaran akong sumagot.

Ako:

Estoy atascada en el tráfico. :(
(I'm stuck in traffic)

¿Ya estás en casa?
(Are you home?)

Ilang minuto ang nakalipas at hindi na muli pang tumunog ito. Inilapag ko ito sa aking gilid. Humilig ako sa pinto ng kotse hanggang sa hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako.

Nagising ako nang malapit na kami sa bahay kaya inayos ko na ang gamit ko. Pagdampot ko sa cellphone ko ay laking gulat ko na lang nang halos maghang ito dahil sa dami ng notification.

Binuksan ko iyon at nakita ang dami ng message ni Adree sa akin. She is my one and only bestfriend na sobrang daldal. Nagkakasundo kami sa lahat.

Adriana is also a Filipino pero unlike me dito siya sa Mexico pinanganak. Kahit na dito siya lumaki ay sanay pa rin itong magtagalog at bumibisita pa rin sila sa Pilipinas paminsan minsan.

Sa dinami dami ng katangian niya, the one I like the most is her loyalty. Madaldal man ay maaasahan ko siya sa lahat ng bagay.

Adriana:

Sí, acabo de llegar a casa.
(Yeah, I just got home.)

Can I come over to yours, esa?

¿Puedo ir a tu casa más tarde?
(Can I go to your house later?)

Ran? Nandyan ka pa ba?

Heyyyy.

Airanaaaa. Replyyy, por favor.

Are you busy later, chica?

Netflix n' chill?

I blinked a few times at hindi na naisip pang magreply. Nandito naman na ako sa tapat ng bahay.

I don't get why she's asking permission to come over sure naman ako na pupunta iyon mamaya. Kahit pa sabihin kong busy ako or may ginagawa walang makakapigil sakanya.

Kaibigan ko na siya noon pa lang. We go to the same school. Doon ko siya unang nakilala and we immediately clicked. Before we knew it, pati ang mga magulang namin ay magkaibigan na rin sa dalas at dami ng mga sleepovers namin.

Dumating na kasi sa gate kung saan may nakaukit sa marmol na Casa Montego sa ibabaw nito. Pumasok kami at bumungad ang malaki naming bahay.

Bumaba na ako ng kotse nang pagbuksan ako ng driver namin. Naglakad na ako patungo sa bahay at naguluhan nang makitang may ibang kotse na nakahinto sa kanan ng aming malawak na driveway. Inilihis ko na ang paningin ko roon at pumunta na sa pinto para makapasok.

I was greeted by our maids with wide smiles on their faces. They are all wearing the same gray uniforms. Nginitian ko naman sila. Tumawag ako ng isa at lumapit naman ito.

Stolen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon